"Bukod doon ano pang ang sinabi niya?" tanong pa uli ni Queenie. Nagtaka naman si Sofie sa pagiging kalmado nito.

"Ang sabi niya sa akin ay hindi ka niya mahal. Na ako ang totoong mahal niya at hindi ikaw."

"Bukod doon ano pa?"

Medyo napipikon na siya. "Wala na. Sinabi ko nang lahat sa'yo kung ano 'yong sinabi niya."

"'Yun na ba ang lahat ng sinabi niya? Wala ba siyang binanggit sa'yo tungkol sa kontrata?"

"Anong kontrata?" naguguluhan niyang tanong. Isa pang bagay na ikinagugulo ng isip niya ay ang inaasta ni Queenie. "Queenie, matanong nga kita. Hindi ka ba galit sa'kin? I mean, kakasabi ko lang sa'yo na may relasyon kami ng asawa mo pero bakit parang wala lang sa'yo? Hindi ba dapat sinasabunutan mo na ako ngayon?"

"Kasi..." Hindi na nakapagpaliwanag si Queenie dahil sa biglang pagsulpot nang humahangos pa na si Faye.

"Ate, Queenie!" Tumingin muna ito okay Sofie bago ituloy ang sasabihin. "Ate, gising na si Kuya."

---

NABIGLA sina Queenie, Mommy Sandra at Faye nang ibalita ng doktor ang naging resulta ng ginawa nitong pagsusuri kay Francis na sa wakas ay nagising na matapos limang araw na mawalan ng malay dahil sa car accident.

"Kung gusto niyo po siyang makita, puwede niyo na po siyang puntahan sa kuwarto niya," kalmadong sinabi ng doktor. Kasama ang batang si Trisha ay agad na pinuntahan na ng mga ito si Francis.

"Doctor Marasigan told us everything. Is it true na wala kang maalala?" tanong ng nag-aalalang si Mommy Sandra.

Marahang tumango si Francis na nakaupo sa kama. "Yeah, I don't remember anything. Hindi ko maalala ang pangalan ko o kung sino ako. The doctor just told me that I am Francis Fontanilla, twenty seven years old."

"Takot na takot ka siguro dahil wala kang maalala. But don't worry, dahil hindi ka nag-iisa. May pamilya kang nagmamahal sa'yo. Ako nga pala si Sandra, I'm your mother." Inakbayan nito si Faye. "And this is your younger sister, Faye."

He smiled. Hindi man niya nakikilala ang mga taong nasa harapan ay magaan na agad ang loob niya sa mga ito.

"I guess good looks run in the family.  You both are pretty," sinabi niya dahilan upang matuwa ang ina at kapatid. Maya-maya ay nabaling ang paningin niya sa isa pang babae. "You're pretty too, you must be my older sister?"

"Older sister?" labas sa ilong na sambit ni Queenie. "Kung sa bagay, mas matanda naman ako sa'yo kaya okay lang kung mapagkamalan mo akong ate mo."

"So, you're not my sister?" confused niyang sinabi. "Ah, you must be mom's sister. You're my Auntie."

"Auntie? Seryoso ka?" bulalas ng tila high blood nang si Queenie.

Hindi naman napigilan nina Mommy Sandra at Faye ang matawa sa eksena ng mag-asawa.

"Sorry na, bakit nagagalit ka agad?" kabadong pagpapaumanhin niya.

Ang sungit mo naman, Manang. Sino ka ba kasi?

"Francis, anak hindi mo siya kapatid at lalong hindi mo siya Auntie," anang Mommy niya. "Her name is Queenie, she is your wife."

"Wife? Her?" Itinuro niya si Queenie saka tumawa. "Ma naman, joke po ba 'yan? Isn't she too old to be my wife?" Tatawa sana siya uli pero hindi niya nagawa dahil natakot siya sa nanlilisik na mga mata ni Queenie. Bumaling siya kay Mommy Sandra at hinintay na sabihin nitong joke nga lang ang lahat pero nabigo siya. Sunod naman siyang tumingin kay Faye pero hindi rin ito kumibo. "So... talaga pong asawa ko siya?"

"Opo, Tito Francis. Asawa niyo po talaga ang Mama ko," sabad sa usapan ni Trisha.

Tinanong niya ang bata. "And who are you, kid?"

"Ako po si Trisha. I'm you step daughter."

"S-step daughter?" nauutal niyang bigkas. Sumakit ang ulo niya habang nag-iisip.

May asawa akong matanda at may step daughter ako? Totoo ba 'to?

"Oo. Step daughter," si Queenie na sumali uli sa usapan. "Anak ko si Trish sa una kong asawa. Annulled na ang kasal namin ng Papa niya 'tapos nagpakasal tayo. At oo, kung titingnan ay puwede mo akong maging older sister dahil mas matanda ako sa'yo ng walong taon. Tanggap ko 'yon. Ang hindi ko lang matatanggap ay ang mapagkamalan mo akong Tita mo. Grabe ka ha! Ang bata ko pa para maging Tiyahin mo! Sakalin kita diyan eh!"

"What?" Napahawak si Francis sa sumasakit na ulo dahil sa maingay na bunganga ni Queenie.

Wala akong maalala pero sure ako na hindi ako papatol sa tulad niya na Manang na at talakera pa. Imposible!

"Please, tell me that this is a joke," apila niya.

"Hoy, wala tayo sa comedy bar para ma-joke kami sa'yo. Sa maniwala ka man o hindi, totoo ang lahat." Itinaas nito ang kamay para ipakita sa kaniya ang suot na wedding ring. "Asawa mo ako."

Kinakabahan man sa katotohanan ay inangat din ni Francis ang kaniyang kamay. Nang makitang may suot din siyang sing-sing ay napasigaw na lang siya.

"Hindeeee!"

A Marriage To RememberWhere stories live. Discover now