"Gusto raw po niyang makita si Francis, Ma," sagot ni Queenie. Nagkatinginan ang mag-ina na para bang may mali sa sinabi niya.

"Sofie, please. Umalis ka na. Hindi tamang ginugulo mo ang anak ko. Kasal na si Francis, mahiya ka naman sa asawa niya," matigas na sambit ni Mommy Sandra.

"Ay, Ma okay lang po. Wala pong kaso sa'kin kung gusto niyang makita si Francis." Sa aliwalas pa lang ng hitsura ng mukha ni Queenie ay halata ngang ayos lang kung dalawin ng ibang babae ang mister niya.

"What? You're allowing her to see your husband?" lubos na pagtataka ni Mommy Sandra. Maging si Faye ay halatang naguguluhan habang nakatingin sa kaniya.

"Opo, Ma. Wala naman pong masama kung —" biglang natigilan si Queenie. Doon lang niya na-realize na may mali nga sa mga sinasabi niya. Sino ba namang normal na legal wife ang papayag na dalawin ni ex ang sarili niyang asawa? "Ang ibig ko pong sabihin ay..." Hinarap niya si Sofie. "Sofie, umalis ka na. Hindi ako papayag na makita mo ang asawa ko. Hindi ko alam kung bakit magkasama kayong naaksidente at wala na akong pakialam pa doon. Please lang, huwag mo na kaming guluhin."

Walang nagawa si Sofie kundi ang umalis na lang. Si Queenie naman ay nakonsensya sa ginawa niyang pagtaboy dito.

Sorry Sofie. Trabaho lang, walang personalan.

---

LUMIPAS ang dalawang araw. Magaling na ang ilang mga sugat ni Sofie kaya pinayagan na siya ng doktor na makalabas ng ospital. Bago umuwi ay naglakas loob siyang puntahan ang kuwarto ni Francis para alamin ang kalagayan nito. Malapit na siya ng muling makasalubong si Queenie sa hallway.

"Sofie, sorry nga pala no'ng isang araw, ah," malumanay na bungad nito. "Okay lang naman talaga sa'kin na dalawin mo si Francis, eh. Kaya lang, ayaw ng biyenan ko."

"Queenie, may kailangan kang malaman," diretso niyang sinabi.

"Ano 'yon?"

"I don't know how to say this. Pero ang totoo ay nagkabalikan na kami ni Francis."

Halatang nagulat ito sa narinig. "Talaga? Nagkabalikan na kayo ni Francis?"

"Oo. Official kaming nagkabalikan no'ng birthday ko. No'ng araw na maaksidente kami."

"Ah, so birthday mo pala no'ng araw na 'yon. Maaga siyang umalis no'n. Tinanong ko kung saan siya pupunta pero hindi sumagot. Hindi ko alam na makikipagkita pala siya sa'yo no'n."

"Actually, coincidence lang ang naging pagkikita namin doon. Sabi niya, tuwing birthday ko ay pumupunta daw siya sa park na madalas naming puntahan noon. Nag-decide din akong pumunta doon no'ng birthday ko para alalahanin ang nakaraan. Hindi ko akalain na magkikita kami. At no'ng araw din na 'yon ay naayos namin ang problema naming dalawa at nagkabalikan kami. 'Yon ang totoo, Queenie," seryosong sinabi niya.

Napangiti ito na para bang nakasagap ng magandang balita. "Gano'n ba, masaya 'ko para sa'yo."

Kumunot ang noo niya. "What?"

"Ang sabi ko, masaya ako para sa'yo. Congrats dahil nagkabalikan na pala kayo ni Francis."

What's wrong with her? Bakit parang masaya pa siya? sa isip-isip ni Sofie habang nakakunot pa rin ang noo. "By the way, he told me that he will file an annulment case para mapawalang bisa ang kasal niyo."

"Sinabi niya 'yon?"

"Oo."

"Bukod doon, ano pa ang sinabi niya?"

"Sinabi niya sa akin na wala kang karapatan na tumanggi sa annulment, na pinakasalan ka lang naman niya dahil..." natigilan siya upang maghanap ng idudugtong na salita. Sasabihin na sana sa kaniya ni Francis ang dahilan kung bakit nito pinakasalan si Queenie pero hindi natuloy dahil sa aksidente. Wala siyang choice kundi ang mag-imbento na lang ng dahilan. "Pinakasalan ka niya dahil gusto ka niyang gamitin para pagselosin ako."

A Marriage To RememberWhere stories live. Discover now