Shit happens

1.8K 34 1
                                    

Sydney's POV

"Magandang umaga pilipinas!" Masiglang sabi ko sabay inat inat

Biglang nabaling ang tingin ko sa cute na cute na hello kitty clock ko..

T..teka?!

"Ta!!!!!!!" Naiinis na sigaw ko habang tumatakbo papunta na banyo

"Nako hija! Ano nanaman iyon?!" Nagmamadaling sabi ni tita elena sabay punta sa loob ng kwarto ko

"Bakit ho hindi niyo ako ginising?! 30 mins nalang eh late na ho ako!" Sabi ko sabay lagay ng shampoo banlaw, sabon, conditioner, kuskos dito kuskos doon!

Jusko naman kasi! Bakit hindi tumunog yung alarm clock!

Nak ng tokneneng naman oh!

Badtrip! Paano na yung documentary namin?! Baka maiwanan ako ng bus! Shit talagaaaaa!

***

At dahil sa tatay ko si flash? Natapos akong maligo at magbihis in just ten minutes, nagdala nakang ako ng breakfast dahil baka sa biyahe pa lang magwala ang tiyan ko! Mahirap na!

"Sige po! Salamat sa paghatid!" Sabi ko sabay takbo pababa ng parking lot

Actually yung takbo ko takbong pang pilay.. bakit? Paano ba naman kasi?! Napaka bigat ng bag ko! Isang blokeng semento yata nilagay ni tita dito e! Pero ayos na rin yon.. atleast sure ako na kumpleto ako sa gamit kapag si tita ang nagaayos ng gamit ko.

*bzzztbzzzzt*

Speaking of gamit! Kanina pa lang sa kotse naririndi na ko sa cellphone ko! Ano bang problema ng cellphone ko at ayaw manahimik?! Lunurin ko kaya ito?! Psh

"Hey! Ano ka ba?! Kanina pa ako naghihintay sayo! Bakit na napakatagal mo?! Hindi mo ba narrecieve yung texts and calls ko?!" Shit! Si paolo! Halatang galit na galit ang lolo mo! Pasensiya naman! Eh sa hindi ko alam na magloloko si hello kitty e! Hindi ako ginising!

"S..ssorry.." pagkasabi ko noon ay bigla niya akong hinatak papasok sa kotse niya

Oh? Saan naman ako dadalhin nito?! Jusko! Mahirap lang ho kami! Huwag niyo ho akong kidnap-in!

"Saan tayo ppunta?" Mahinang tanong ko sabay ayos ng eyeglasses ko

Naghihintay ako ng sagot pero kahit isang sagot wala akong nakuha sakanya, srsly?! Pipe na mga ganon?!

"H..hoy..." Shit! Anong ginagawa nitong lalaking to?!

Kulang nalang ilubog ko ang sarili ko sa sandalan passenger seat. Ano ba kasing trip netong lalaking to?! At ano ring trip ng puso ko?!

Feeling tambol mga ganon?! Anong karapatan netong mag dug-dug-dug?! Shit! Tumigil kaaaa!

Sobrang lapit na ng mukha niya sa mukha ko, halos 1inch?!

Hutangna! Ano bang nangyayari?!

"P..pao" pagkasabi ko noon ay bigla nalang akong napapikit

Shit! Masyado pa po akong bata para sa mga ganito! Ano bang katarantaduhan itoooo?! Hutang na loob! Time pers muna!

"Ts.." pagkasabi niya noon ay bigla na siyang umayos ng upo at inistart ang engine

Napatingin ako sakanya at walang ekspresyon ang mukha niya habang nagddrive

Napatingin ako sa seat belt ko at napagtanto ko kung ano ang totoong dahilan kung bakit niya ako nilapitan.. shit! Seatbelt lang pala! Shit talagaaaa! Assumera level 9999999999!!!!!

A-W-K-W-A-R-D

Bigla bigla akong napatingin sa labas ng bintana, shit! Paulit ulit na nagflashback sa utak ko yung katangahang ginawa ko kanikanina lang

Shit talaga! Ano kayang iniisip netong unggoy na ito?! Siguro sa loob loob niya ay nagpapaparty na itong unggoy na ito! Ikaw naman kseng sydney ka e! May papikit pikit effect ka pa! Bwisit!

Kelangan kong tumakas aa kahihiyan na ito! Pero paano?! Malamang ay gagawin na niyang pang-asar sa akin to! Shit talaga!

Sumandal ako sa bintana at nagtulugtulugan para kunwari ay wala akong pakielam sa kagagahan ko kanina lang, kahit sa totoo lang ay ipinagdarasal ko na sana lamunin na ako ng makina ng kotse!

Iniisip ko kung ano bang tumatakbo sa utak netong unggoy na kasama ko ngayon, naiisip ko na baka mamatay matay na ito sa katatawa o baka naman nageevil laugh na hanggang sa malunod siya sa sarili niyang laway at tuluyan nang mamatay! Sana nga!

Gabriel's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon