The Castle

3.8K 88 0
                                    

Gabriel's POV

"Hindi pa rin siya nagbabago.." sabi ko na may halong pagkamangha

Old classic white house.. at ang magic ng castle namin na ito?

"Ready?" Tanong ni stanley sa akin sabay hatak sa braso ko paakyat sa loob ng bahay

"Hoooooo!!! Finally! I'm homeeeee!" Sabi ko habang nakataas ang dalawa kong kamay

Yung parang si rose sa titanic? Yeah.. ganon.. nandito kami ngayon sa balcony ng castle namin

Nandito yung sinasabi kong magic.. kapag nandito ka kasi tanaw na tanaw mo yung buong place.. pati yung buong bahay kitang kita lalo na yung magandang landscape sa garden.. yung mga bulaklak.. at kung anu-ano pa pati na rin yung school.. yeah malapit lang sa school ang bahay na ito

"You know what?" Sabi niya sabay cross arms "You should thank me..kasi kapag malungkot ka.. ako yung laging nagpapasaya sa'yo" then he smirked

"Yeah.. thankyou.." I hugged him "remind me again.. bakit ba kasi hindi kita siniksik sa maleta ko bago ako pumunta ng america?" I kidded

Nilagay niya yung right hand niya sa ulo ko sabay gulo ng buhok ko, hayy.. si stanley.. lagi nalang niyang ginagawa sa akin yon!

"Heyyyy!" I acted like a kid na kinuhanan ng candy "sabi ko naman saiyo e! Hindi ako pusa!"

"You're so cute when your doing that" sabi niya habang tumatawa

"I know right!" Himiwalay ako sakanya sabay cross arms "Hey mr daniels.. I'm sleepy! Alam mo naman na nag-aadjust pa rin ako sa timezone ng pinas right? Eight hours late kaya ang vegas from here.. so bago mo ako daldalin.. patulugin mo muna ako" I pouted

Pumasok si stanley sa loob at naupo sa sofa, did i mention earlier na binili ni stanley ang castle namin na ito? Well.. you read it right again darlin.. binili niya ang castle na to para daw sakin nakakatawa nga e.. kasi iniyakan niya ang parents niya just to get this old house

Sinundan ko siya at kinuha ko ang kanang braso niya at iniyakap ito sa akin, and I hugged him back tapos sumiksik ako sa chest niya..

"Ikaw princess ha.. chansing masyado.." I heard him giggled

"Sira ulo!" Pagmamatigas ko at bigla ko nalang naramdaman ang paghalik niya sa uko ko

At muling sumagi sa isip ko..

Bakit? Bakit hindi ikaw?

Stanley's POV

"Sira ulo!" Pasigaw na sabi ni gab

Napangiti ako. Heto.. heto yung mga bagay namiss ko ng sobra sa babaing yakap yakap ko ngayon.. yung pagiging masungit at brutal nya. Pero sweet at the same time

Hinalikan ko ang ulo niya, chansing? Nah.. hindi ganon...that's my sign of respect. Respect na sakanya ko lang binigay.. binibigay.. at ibibigay..

Ilang sandali pa ay nakatulog na siya, I patted her head at inayos ang ilang strands ng buhok niya at inilagay iyon sa likod ng tenga niya.. nakayakap pa rin ako sakanya.. at nakayakap pa rin siya sa akin..

Naaakala ko ang lahat ng mga masasayang nangyari sa amin.. sa bahay na ito.. yung mga pagccut class namin.. pag ssleepover.. mga kulitan.. bugbugan.. at kainan.. at muli naalala ko si paolo.. ang gagong yon!

Paano niya nagawang saktan ang babaing ito? Paano niya nagawang saktan ang prinsesa ko.. ang buhay ko..

Nagparaya na ako noon.. binitawan ko para sa kanya.. dahil ang akala ko aalagaan niya ang babaing ito, binigay ko ang tiwala ko sakanya pero gago siya.. dahil mas pinili niyang saktan ang babaing ito. Ang pinaka mamahal ko.. at ngayon? Ngayon na hawak ko na ulit siya? Hindi ko na hahayaan na masaktan pa ulit siya..

"I'll be your knight in shining armor princess.. and I won't let anyone or anybody hurt you.. I promise" sabi ko at lalo kong hinigpitan ang pagkayakap ko sakanya

Kung kailangan kitang ipaglaban ng patayan? Gagawin ko.. sabihin mo lang.. at gagawin ko.. kung kailangan mo ng masasandlaan? Nandito lang ako parati, kung kailangan mo ng human punching bag sa tuwing nbbadtrip ka? Aba! Wag naman ako, bumili ka nalang.. de joke. Seryoso.. nandito lang ako parati sa tabi mo princess.. at yung sagot ko sa tanong mo kanina? Yung bakit hindi ako? Napaisip rin ako nun..

Bakit nga ba? Bakit hindi nalang ako? Bakit hindi ako? Eh samantalang mas nauna mo naman akong nakilala kaysa sakanya.. pero ayos lang kahit hindi ako noon.. dahil sisiguraduhin ko naman na magiging ako na yon ngayon

Gabriel's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon