The monster is gone?!

2K 42 0
                                    

Stanley's POV

"Ano ho bang nangyari dito? Tska nasaan ba si gab?" Nagtatakang tanong ko habang iginagala ang tingin ko sa loob ng kwarto ni gab

Paano ba naman kasi.. nagkalat ang mga basag na vase, picture frames, at mga pillow sa sahig ng kwarto niya.. kung ibang tao nga siguro ang makakakita neto ay baka akalain na may magnanakaw nang pumasok rito at minassacre lahat ng tao sa kwarto na ito..

"Ah.. eh.. kasi.." pautal na sabi ni yaya elena

Ano ba?! Wala na ba talaga akong makakausap na matino sa mundo? Tangina! Ayos naman ang lahat ah?! Nagsimula lang to ng pumunta rito yung hayop na paolo clemente na yan! Bullshit!

"Eh kasi nga ho ano? Tell me the truth okay? It's killing me" maawtoridad kong sagot

Nawala ang takot sa mukha ni yaya elena at napalitan iyong ng isang malungkot na mukha atsaka niya itinuro ang calendar na nasa study table nii gab

February 13, 2015

Shit! Bakit ko ba nakalimutan ang araw na ito?! Ang araw kung kailan unang beses kong nakitang durog ang puso ng babaing pinakamamahal ko.. ngayon alam ko na kung bakit..

"Where is she?"

"Hindi ko alam hijo.."

Hindi alam? Impossible.. kilala ko si yaya elena.. alam kong hindi totoo ang mga pinagsasasabi niya..

"Please.. tell me.." please.. I barely need to know where she is..

Knowing that she's in pain? Mas nasasaktan ako.. OA na kung OA pero ayun talaga e..

Wala e.. mahal ko

Shit! Ang gay ko na! Bakit ba pagdating sakanya ang gay ko?

"She's gone" seryosong sagot niya

Gone?! She's gone?! Paano?! Ginagago ba ako ni yaya?!

"What? Gone?"

"Oo.. bumalik na siya sa america" seryosong sagot pa rin niya sabay labas ng kwarto ni gab

Bumalik? Bakit? Damn you paolo clemente! Bakit?! Bakit ganito yung tama ni gab sayo? Ano bang meron ka na wala ako?! Yang pagiging gago mo ba? Ha? Screw you!

***

"Shit!" Sabi ng isang babai habang nagpupulot ng mga libro sa tapat ng pintuan ni gab

Teka? Sino siya? Ngayon ko lang yata siya nakita rito?

"Here" sabi ko sabay pulot ng mga libro at abot nito sakanya

"S..salamat" utal na sabi niya sabay tayo at ayos ng buhok at eyeglasses niya

Thick eyeglasses, long skirt, loose blouse, pimples, in short nerd

"You are?" Nagtatakang tanong ko

"Po?" Tipid niyang sagot habang nakatingin saakin

"Sino ka?"

"S..sydney.. sydney roberts"

"Sydney roberts? Sino ka? Bakit ka nandito?" Sabi ko sabay hawak sa magkabilang braso niya

Halata sa mukha niya ang takot.. teka? Wala naman akong ginagawa ah? Siguro magnanakaw to?! Pero? Mukhang hindi naman..mukha kasi siyang hindi makakagawa ng kahit tuldok na pagkakamali e

Bigla akong napatitig sa mga mata niya

Wait? That eyes.. isang tao lang ang kilala kong may mga ganong mata

"Oh? Sydney hija.. nandito ka na pala.." sabi ni yaya elena sabay hawak sa kamay nung sydney

Bigla akong napatingin kay yaya pero ibinalik ko rin kaagad ang tingin ko kay sydney.. hindi ko pa rin maalis ang tingin ko sa mga mata niya at..

Magkakilala sila? Sino ba talaga tong babai na ito?

"Sino siya?" Sabi ko habang nakatingin pa rin kay sydney

"Ah.. pamangkin ko.. oh siya.. maiwan kana namin ha? May aayusin pa kasi siya sa pagpasok niya bukas sa eskwelahan mo e" pagkasabi niya noon ay sabay na silang lumabas ng kwarto at iniwan akong nagtataka

Pamangkin? Paano? Bakit parang hindi yata namin alam yon ni gab? May mali dito.. I can feel it..

There's something about her.. something that makes me wonder and makes me want to know her better..

Sydney's POV

"Bitch!" I shouted

Paano ba naman kasi? Kakarating ko palang e puro kamalasan na yung nangyari saakin?

*flashback*

"Aray!" I shouted in pain

Paano ba naman kasi? Biglang may bumagsak na mga libro sa paa ko

Nandito kasi ako ngayon sa mall, kailangan ko kasing bumili ng school supplies para sa bago kong school..

Kasi naman.. bakit sa school na iyon pa ako dapat mag-aral? Hindi ba pwedeng sa ibang school nalang? Ts

"Hoy! Tanga ka ba? Mukha ba akong book shelf? Balit saakin mo nilaglag laha ng libro na to?!" Sabi ko sabay pulot at hampas ng mga libro sa lalaking naglaglag ng mga libro sa akin

He smirked "Pangit" sabi niya sabay lagay ng mga kamay niya sa bulsa at lakad palayo

Ano raw?

Pangit

Pangit

Pangit

"Hoy! Unggoy! Sana paglabas mo dyan may bumaril sayo! Bwisit!" Naiinis kong sabi sabay cross arms

Ang gagong iyon! Siya na nga itong may kasalanan saakin siya pa itong may ganang yurakan ang pagkatao ko?

Alam ko namang pangit ako.. given na yon.. pero hello? Considered as human pa rin naman ako ah! Kaya sana manlang nag sorry siya! Hindi yung ako na nga nabagsakan ako pa inasar niya!

*end of flashback*

At isa pa! Yung katangahan na ginawa ko kanina sa harapan nung stanley.. uso ba talaga ang mga bumabagsak na mga bagay sa araw na ito?

Pati yata yung loob ko nahulog sakanya..

Whoa! Ang pangit ko na nga ang baduy ko pa!

Please kill me now!!!

***

Author's note!!!

Nasaan na nga ba si gabriel?

Sino si Sydney roberts?

Is she a friend? Or a foe?

Please do follow me on ig: mnamonster

Thankyou!

Gabriel's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon