𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 𝟹𝟻

Start from the beginning
                                    

Matapos magwalis ay pinunasan ko naman ang bintana. And dzaii, parang isang milyon ng microorganism ang nakatira dito.

Ay shala ang OA ko lels.

Pagkatapos ko sa bintana ay yung blackboard naman.

Bakit kaya tinatawag na black board 'to kung kulay green naman siya?

Hay nako. Dami ko na ngang problema dagdag pa 'tong bulateng 'to.

"I keep the part going all night, all night
I set the trends that you all like, all like
I make an entrance when I don't try, don't try
'Cause all I see is all eyes on me
I only lead, I never follow, follow
I never open, 'cause it's my show, my show
Don't know if people think I'm shallow, shallow
But all I see is all eyes on me."

Nang matapos na sa paglilinis ay nagpintura naman ako. I painted it yellow. Then kinuha ko yung blue spray paint na dalawa ko at nilagyan yung pader ng

S-5 PROPERTY ONLY

Pumunta naman ako dun sa board at gamit ang permanent marker, sinulat ko doon ang surnames naming lahat. Natapos din yung kanta.

I finished singing with a pose. Nang ma-realize ang ginawa ko na pag-pose ay tumawa ako ng tumawa.

"Delikado ka pala kapag nag-iisa." Biglang sabi ng kung sino kasunod ng sunod-sunod na tawanan.

Agad akong lumingon at nagulat ng lahat pala sila nandito an sa loob, mga nakaupo sa sahig at kanina pa pala ako pinapanood.

"Kanina pa kayo?" tanong ko. Tumango sila.

Mga kumag, hindi man lang ako tinulungan hmp.

"Oo. Napanood namin ng buo yung mini concert mo." Sabi ni Mykel at tumawa. Binato ko sakaniya yung basahan an ginamit kong pang punas kanina ng bintana. Agad naman siyang umiwas habang tumatawa.

"Excited ka bang maglinis mamaya at inumpisahan mo na dito?" tanong ni Klarenz.

"Hindi ah. Trip ko lang." Sabi ko at niligid ang tingin ko. Malinis na. Hindi ko iyon napansin dahil nalilibang ako dun sa kanta.

"Kamusta ka?" Tanong ni Kyle. Ngumiti ako at nag thumbs up.

"Ayos na ayos lang." Sabi ko. "Hindi naman pwedeng habang buhay magmumukmok ako. May buhay din naman ako noh. Sapat an yung isang linggo akong MIA. Tsaka sports fest Ngayong week. Aarte pa ba ako?" Sabi ko pa at tumawa. Inilagay ko na dins a garbage bag yung mga basahan na ginamit ko dahil hindi an toh malalabhan sa sobrang dumi.

"Okay, next one, kuryente." Sabi ko at hinila palabas ang garbage bag.

"Huh? Kuryente? Aanhin mo yung kuryente?" Tanong ni Kyle. Ngumit lang ako at binuhat yung garbage bag.

"Akin na nga." Sabi ni Riu at kinuha yung garbage bag. "Ang liit liit mo tapos magbubuhat ka ng ganito kabigat. Kaya hindi ka tumatangkad eh." Sabi niya.

"Ano kamo Riu Mendoza?!" Singhal ko at hinabol siya pababa ng hagdan. Tawa lang siya ng tawa habang tumatakbo pababa hawak pa rin yung garbage bag.

"Ano yan ganyan ka hanggang mamaya?" tanong ni Dev. Umiling ako.

"Hindi. Uuwi ako saglit tas magpapalit then babalik din agad. Eh kayo? Nag practice na ba kayo?" Tanong ko. Tumango siya.

"Ate! Ate! Gusto mo pakitaan kita ng moves ko?" Sabi ni Renz. Sila kasi nina Mykel, Luis, Renz, Dev at James ang mga dancers namin. Tapos battle of the bands naman, sina Clover, Riu, Uno, Kenneth and Leo ang representative namin. Sa singing contest, wala pa. Paano ko nalaman? Sa GC nila pinag-usapan. Ako naman ay tamang seen lang at hindi nagre-reply kasi why not?

The Only Girl Of Section 5Where stories live. Discover now