hindi alam kung tatapusin na ba
ang storya nating dalawa
dahil ako'y litong-lito pa
sinimulan natin ito ng magkasama
ngunit ako'y naiwan magisa
nawawala,
naliligaw ang landas simula nung nawala ka
sabay natin tinahak ang bawat pagsubok at problema na dumaraan sa ating buhay nung una
ngunit dumating tayo sa punto na mundo natin ay nawalan ng kulay at pag-asa
away ang laging bungad sa tuwing kakausapin ka
siguro nagsawa ka na,
dahil paulet ulet nalang ang nangyayare sa ating dalawa
hinde ko ramdam na mahal mo pa ko
ngunit parang kailangan mo nalang ako
hinde na ganon ang iyong pagtitig sa aking mga mata
para bang ang pinapatiwatig nito ay iba na
sapagkat wala ng halong kilig na nadarama
pagod na kong magpanggap na ayos lang ako
pero ang totoo nasasaktan at nadudurog na ko
dahil ito ang realidad ng ating istorya
siguro nga hanggang dito nalang tayo at di na muling lalagpas pa
ang pusong duguan pinapanatiling buo pero nawasak ng dahil sayo
at ito ang kinakatakutan ko
sa isang paglingon ko ako ay pinalaya mo
hindi mo na ko hinabol pa nung ako ay lumisan na sa piling mo
wala ng naramdaman yang puso mo
dahil ako nalang ay kailangan mo
hindi na kailangan magpanggap pa
dahil ako'y nalimutan mo na
awa nalang siguro ang natitira
ngunit mahal pa kita
wala kong magagawa dahil dito na nagtatapos ang ating storya
Kung tunay ang paalam wag ka ng magparamdam
wag ng magbigay ng motibo kung iiwan at tatapusin mo rin lang.
YOU ARE READING
Mga malayang tula na para sa'yo ay nilikha.
Poetrypahina ng ating istorya at memorya.
