"Kung ganoon ay mauna na ko, salamat sa pagtulong niyo sa amin your highness," pagpapasalamat ko sa kaniya at tumango sa harapan niya.

"Walang anuman sir Viggo, ipangako mo lang sana sa 'kin na iingatan mo ang kaibigan ko at walang mangyayari sa kaniya," sagot nito at tumango naman ako saka mulingn bumalik sa bintana ng opisina niya.

"Tatalon ka riyan?" Gulat niyang tanong at sumenyas lang ako sa kaniya gamit ang hintuturo ko at tinuro ang pinto saka siya nakarinig ng tatlong katok at nung lingunin niya iyon ay mabilis akong tumalon mula sa tore at nagtago sa hardin kung saan wala ganung bantay.

Mabilis akong nakalabas sa likod ng imperial palace at tumakbo papunta sa summer grave ngunit habang naglalakbay ako gamit ang aking bilis sa pagtakbo ay bigla akong nagkamali ng tapak sa sanga ng puno at bumagsak sa lupa.

Agad konv hinawakan ang ulo ko dahil nakaramdam ako ng matinding sakit mula rito at nang hawakan ko ang aking leeg, pansin kong unti-unting lumalabo ang kadenang nagdudugtong sa 'ming dalawa ni Cana.

Halos kumabog nang sobrang lakas ang dibdib ko nang makita ko ang paglabo ng kadenang nagdudugtong sa aming dalawa at para namang binibiyak ang ulo ko ng maso dahil sa sobrang sakit ninto.

Isa lang ang na iisip kong dahilan bakit ganito kasakit ang ulo ko at pakiradmam ko ay mapapanawan ako ng malay, iyon ay nasa panganib si Cana o hindi kaya ay lumalayo siya sa akin ng sobra.

Sobrang layo na kahit nakainum ako ng dugo ng dragon ay ramdam ko ang kabayaran ng kontrata na namamagitan sa aming dalawa.

Kaya naman buong lakas akong tumakbo nang sobrang bilis para lang makapunta sa kinaroroonan niya ngunit habang palapit ako nang palapit sa Moonvault empire ay sariwa kong na aamoy ang nagkalat na dugo sa daan.

Alam kong hindi ito galing sa kaniya ngunit hindi ko maiwasang mangamba sa kung anong nangyari sa kaniya.

Ang layong aabutin ng ilang araw ay sinaglit ko lang sa sobrang kaba na baka mawala sa akin si Cana kaya naman nang makita ko ang isang bangkay na nakahandusay sa daan ay agad akong napaluhod at kabadong tumingin sa direksyon ng mansyon.

"Anong ginagawa rito ni Miranda?" Tanong ko nang makita ko ang bangkay ng batang ito na nakahandusay sa daan, naglawa ang bakas ng dugo niya sa lupa na natuyot na sa tagal at halos malamig na bangkay na ang kaniyang katawan.

Hindi ko na naintindi pa ang bangkay o hindi ko na inalam pa kung anong nangyari sa kaniya bagkos ay dali-dali akong tumakbo papasok ng mansion at agad na hinanap siya sa bawat silid na naroon.

Sobrang laki ng Alfonso mansion at inikot ko lang ito sa loob lamang ng ilang minuto dahil sa sobrang kaba ko nang hindi ko makita si Cana sa loob ninto.

Iniwan ko lang siya sa isang silid at hindi ko na siya makita sa bawat kwarto na andito sa mansion.

"Cana na saan ka ba?" Kabado kong tanong sa sarili ko at agad na bumaba sa hagdan at nagtungo sa labas ng mansion kung nasaan ang green house at doon ko nakita ang nagkalat na mga purtas at gulay na halatang bagong pitas kasama ng isang basket na nagkalat sa lupa.

Napalangitngit ang mga ngipin ko sa galit nang pumasok sa isip ko ang mga maaaring ginagawa nila kay Cana, hindi ko mapigilan ang sarili ko na maglabas ng mahahabang kuko at ang matulis na pangil sa bibig ko.

Blood Contract with her Royal VillainessWhere stories live. Discover now