"Nais sana kitang ipasyal. Nais din kitang isakay sa kabayo. Dibat hindi kapa nakaka sakay sa kabayo?" Nakangiting tanong ni Antipatiko sa akin. Nangunot ang aking nuo sakanyang sinabi. "I-Ipasyal?" Takang saad ko. Tumango tango si Antipatiko sa kunot nuong tanong ko.

"Oo Eeya, ipasyal. Ikaw ay aking napaalam na. Diba Tiya Eleha?" Nakangiting saad ni Antipatiko. Napatingin naman ako kay Tiya Eleha. Nakagat ko ang ibaba kung labi nang makita ko ang napaka taray na mukha ni Tiya Eleha. Napanguso ako nang umirap si Tiya Eleha. "Syang tunay, nag paalam sa akin at sa iyung Ama ang batang Buenaventura nayan kaninang umaga. Kung kaya't maari na kayong umalis. Basta't alamin nyo ang inyong limita. Kayo ay mamasyal lang. At kapag may mangyari sainyong dalawa. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa salitang pasyal na iyan." Mariing saad ni Tiya Eleha sa amin.

Narinig ko ang mahinang pag hagikhik ni Antipatiko. Sinanggi ko ang kanyang balikat nang samaan sya nang tingin ni Tiya Eleha. "Ikaw batang Buenaventura, ikaw ay aking pinag kakatiwalaan. Huwag mo sanang gayahin ang iyung Ama at kapatid kung hindi. Baka maging isa na ako sa mag kakaroon nang puot sa pagiging mabilis nyo." Iritang saad ni Tiya Eleha. Nakita ko ang pag taas nang kilay ni Antipatiko.

"Aking kapatid?" Takang saad ni Antipatiko. Agad akong napalunok dahil hindi nya nga pala alam. Mabilis na tumikhim si Tiya Eleha. "Ikaw ay mag linis na nang iyung katawan Estela. Ayokong umabot kayo nang madaling araw nang Buenaventura nayan sa pag papasyal." Sarkastikang pag babago ni Tiya Eleha sa usapan. Mukhang hindi naman yun nahalata ni Antipatiko.

"Huwag po kayong mag alala Tiya Eleha, may respito mo ako sa inyong anak. Kung kaya't makaka siguro kayo na hanggat hindi kami kasal ni Eeya ay hindi namin gagawin ang nasa isip nyo." Nakangiting saad ni Antipatiko. Napangiwi naman ako. Nakakakilig sana pero masyado nang corny. Just kidding. Napairap si Tiya Eleha. "Asus, sa aking pag kakaalam ay yan ang sinabi ng iyung Ama sa iyung ina nang sila ay mag nobyo pa." Sarkastika nanamang saad ni Tiya Eleha. Napakamot naman ako sa aking ulo nang ngumiti lang nang tipid si Antipatiko.

"O sya ikaw ay mag ayos na. Nakakahiya naman sa Buenaventura na ito." Saad ni Tiya Eleha. Napanguso nalang ako bago nag lakad papunta sa kwarto namin. Ngumiti lang ako nang tipid kay Antipatiko bago ko isara ang kwarto namin. Nakita ko si Andrea na nag papadede kay Calista. Napatingin ito sa akin pero nag lakad ako papunta sa damitan namin. Nakakainggit kasi eh. May laman yung sakanya. A-Ako wala. Tsk.

"Eeya? Andyan ang iyung Antipatiko?" Mahinang tanong ni Andrea. Tumango tango ako rito. Kumuha ako nang maayos na baro't saya na mukhang desente suotin kapag kasama si Antipatiko. Nakakahiya naman sakanya eh. Baka pag kamalan ako na mag nanakaw o katulong nya. Tsk. "Oo Andrea, kung kaya't hindi na kita matutulungan sa pag bantay kay Calista mamaya. Hindi ko alam kung kailan ang uwi namin eh." Saad ko sabay tupi nang baro't saya.

Marahan na ngumiti sa akin si Andrea. "Walang problema yun Eeya, tulog na tulog narin naman si Calista kaya hindi ko na kailangan nang iyung tulong." Nakangiting saad ni Andrea. Ngumiti nalang ako rito. Lumabas ako sa kwarto namin. Nakangiti pang tumingin sa akin si Antipatiko pero inirapan ko lang sya. Nag lakad ako papunta sa banyo namin habang may dalang lampara.

Buti nalang may tubig kung kaya't hindi na ako nahirapan. Nilapag ko ang aking susuotin sa gilid bago sinara ang pintuan na gawa lamang sa kahoy. Sinabit ko ang lampara at nag simulang mag linis nang aking katawan. Nang matapos akong makaligo ay agad akong pumasok sa loob nang kubo. Nag patuyo ako nang buhok gamit ang tuwalya saka ko sinuklay ang aking buhok.

"Kay bago naman nang aking kapatid." Narinig kung hagikhik ni Andrea. Nginiwian ko sya. "Hindi naman, naligo lang." Saad ko. Mahina lang itong tumawa. "Mag ingat ka sa isang Buenaventura nayon Eeya, baka mag karoon nang kalaro si Calista." Nakangising saad ni Andrea. Sinamaan ko sya nang tingin ngunit mahina lang itong tumawa. Ngek? Proven and tested yan?

Volviendo Al Pueblo HundidoOnde histórias criam vida. Descubra agora