"H-Hoy Antipatiko......." Kinakabahang saad ko dahil baka may makakita sa amin. Napataas ang aking kilay nang biglang humagakhak si Antipatiko. "Ang lakas nang tibok nang iyung puso Eeya, rinig na rinig nang aking dalawang tenga. Ang lakas talaga nang aking kakisigan sa iyung mga mata. Kitang kita ang pruweba sa iyung mukha na namumula." Hagikhik na tawa ni Antipatiko.

Inis ko syang tinulak papalapit sa akin. Agad akong nag cross arms bago lalo syang sinamaan nang tingin. "Niloloko mo talaga ako no?" Inis na saad ko kay Antipatiko. Nakangiti itong umiling sa akin. Mukhang maganda ang kanyang araw. Aish! Buti pa sya maganda ang araw. Samantalang ako? Ano?Pagod na araw. Aish.

Ngumiti lalo nang napaka lawak si Antipatiko sa akin. "Hindi kita niloloko Eeya." Nakangiting sagot ni Antipatiko. Napairap naman ako. "Ano namang ginagawa mo dito ha? Kapag ikaw nakita ni Tiya Ele------" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang biglang may tumikhim sa likod ko na ikina lamig nang buo kung katawan. "Sino ang hindi ko maaring masilayan?" Nakagat ko ang ibaba kung labi. Sinamaan ko muna nang tingin si Antipatiko na nakangiting nakatingin sa akin bago dahan dahang lumingon sa likod ko.

"T-Tiya Eleha. Ano po. Wala po." Saad ko habang may peke na ngiti sa aking labi. Narinig ko ang mahinang tawa ni Liwayway sa gilid kaya sinamaan ko sya nang tingin. Pinag taasan ako nang kilay ni Tiya Eleha. "Anong wala Eeya? Sino ang panauhin na nasa iyung likuran?" Seryosong saad ni Tiya Eleha. Mas lalo akong kinabahan sa tanong nya.

Para akong mahihimatay lalo nang marinig ko ang mahinang pag tawa ni Antipatiko na parang gusto talagang iparinig kay Tiya Eleha. Aish! Gusto ba talaga akong mapahamak nang isang ito ha?! Ang bwesit na lalaking ito. Hindi nya ba alam na galit si Tiya Eleha sakanya?! Aish! Hindi nya nga alam! Kaya kailangan nyang malaman! Kailangan nyang----bwesit naman! Lagot ako nito kay Tiya Eleha eh!

Sinabi nyang layuan ko si Antipatiko! Pero?! Tsk. Hindi ko naman kasalanan na palay na ang lumalapit sa magandang manok diba? Well. Bumuntong hininga ako habang kumakalabog parin ang aking puso sa kaba na baka magalit sa akin si Tiya Eleha dahil nandito si Antipatiko. Mukhang ayaw nya sa mga Buenaventura dahil sa nangyari nang mga nakaraang buwan.

"T-Tiya ano po kasi eh, ano p-----" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang maramdaman ko ang pag hawak ni Antipatiko sa aking kamay. Nanlaki ang aking mata nang pumasok sya sa aming kubo habang may malaking ngiti sakanyang labi. "Magandang gabi po Tiya Eleha." Nakangiting saad ni Antipatiko.

Mas  lalo akong napakagat sa aking ibabang labi nang makita ang pag taas nang kaliwang kilay ni Tiya Eleha. Aish. Ito naba yun mapapalayas na ba ako ni Tiya Eleha? Kapag ba napalayas ako? Eh. Gagawin akong may bahay ni Antipatiko? Kahit katulong ayos na. Basta may bahay. Bwesit. Baka mapalayas ako ni Don Fortunato. Sinabi nya na layuan ko ang kanyang anak. Pero heto ako. Naka holding hands kami ni Antipatiko! Omg! Naka holding hands kami?!!

"Ikaw pala batang Buenaventura." Masungit na saad ni Tiya Eleha. Nakita ko pa ang lalong pag taas nang kilay ni Tiya Eleha nang bumaba ang kanyang tingin sa kamay naming mag kahawak ni Antipatiko. Mabilis kung hinila ang kamay ko sa pag kakahawak ni Antipatiko. "T-Tiya Eleha. Uuwi n-na po si Antipatiko. T-Tama. Uuwi na po sya." Kabadong saad ko sabay hawak sa palapulsuhan ni Antipatiko. Nakangiti parin ito sa akin na parang isang artista. Bwesit!

Itutulak ko na sana si Antipatiko palabas pero napahinto ako nang biglang mag salita si Tiya Eleha. "Uuwi na ang batang Buenaventura? Kung ganoon ay hindi kayo tuloy sa lakad nyong pag pasyal rito sa silayan?" Kunot nuong tanong ni Tiya Eleha. Agad naman akong nagulat sakanyang sinabi. Gulat kung tiningnan si Antipatiko na ngayon ay nakangiti parin sa akin bago tumingin kay Tiya Eleha.

"P-Po? Kami mamasyal?" Gulat na tanong ko. Sunod sunod na tumango si Tiy Eleha. "Oo yan nga ang aking itatanong saiyo, mukhang hindi mo pa batid." Nakangising saad ni Tiya Eleha. Agad akong napatingin kay Antipatiko. Pinanlakihan ko sya nang mata. "Anong pasyal pasyal yan ha?" Nanlalaki ang aking matang saad. Ngumiti nang malawak si Antipatiko.

Volviendo Al Pueblo HundidoWhere stories live. Discover now