Malison | One-shot

12 2 0
                                    



Warning!!!
Please Read!!!

Dear Readers,

I'm not a perfect writer so expect too much grammatical errors. I'm sorry if I can't reach your expectation and standards. But I wrote this story with all my heart. The scenes and characters are purely fictional and made by my one and only imagination. So if there are some scenarios that are the same from other person, dead or living are purely coincidental. Please, please, please avoid plagiarizing others work.

Thank You! Have a nice day! And happy reading!



Nagmamadali ang lahat sa pagkopya ng nakasulat na lesson sa nakapaskil na manila paper sa blackboard.

Ngunit agad rin kaming napatigil nang biglang mag-dismissed si ma'am Anabelle.

Sinilip ko ang suot kong relo.

7:20 PM

Hindi pa naman niya time pero bakit nag-dismissed na siya? Dapat 7:30 ang time niya, may ten minutes pang natitira.

"Students, there's an urgent meeting in the Principal's Office now. I need to go there, so puwede na kayo umuwi."

Naghiyawan ang mga kaklase ko, lalo na ang mga lalaki. Samantalang ako napasimangot na lang.

Hindi pa ako tapos kumopya eh, atyaka mag-didiscuss pa dapat siya.

"Riley!" Napahinto ako sa pagliligpit ng gamit at lumingon sa tumawag ng pangalan ko.

"Ohh, Mira anong problema mo? Kung makasigaw ka sa pangalan ko parang nasa kabilang bundok ako." Pagsusungit ko.

"Eto naman ang sungit." Siniko niya ako pero hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa pagliligpit. "Sasabay lang ako sayo pauwi. Remember, magkapit-bahay tayo."

"Oo na, sige na! 'Wag ka na makulit diyan, kitang nag-aayos ako eh." Pagtapos ilagay lahat ng gamit ay humarap ako sa kanya.

"Basta, ilibre mo 'ko ng isaw." At ngumiti ako ng napakalapad.

Syempre kailangan niya akong ilibre, sasabay siya sa 'kin eh.

"Oo na! oo na! Eto talaga napaka——" hindi natapos ni Mira ang sasabihin niya nang tawagin ako ni ma'am Anabelle.

"Excuse me? Ms. Manzano, can you bring these files and artworks in the mapeh faculty? Hindi ko na maihahatid dahil sa meeting, pasensya na kung uutusan pa kita."

"Ahm sige po Ma'am, isasama ko na lang po si Mira, mukhang marami po 'yan eh." alanganin akong ngumiti.

"Pero—-" siniko ko si Mira para tumahimik kaya napilitan siyang tumango.

"S-sige po ma'am, sasamahan ko na lang po si Riley."

"Thank you so much ladies, ang babait niyo talaga. Sige iwan ko na dito ha? Kayo na ang bahala."

Matapos lumabas ni ma'am Anabelle ay lumapit na kami sa teacher's table.

"Thank you so much ladies, ang babait niyo talaga nye nye nye. Che! Sabihin mo tinatamad lang siya! Sino ba namang hindi tatamarin sa heels niyang six inches? Akala mo sasabak sa beauty pageant eh!"

Natawa naman ako sa naging reaction ni Mira kaya binatukan ko siya.

"Hoy baka may makarinig sayo diyan! Sige ka, baka isumbong tayo kay ma'am Anabelle, minus grades pa."

"Sumbong niya! Samahan ko pa siya eh." Natawa nalang ako sa mga sinasabi niya at inumpisahan na maglakad palabas ng room.

Puro illustrations at papers lang naman ito pero ang kakapal kaya mabigat.

Malison | One-shotWhere stories live. Discover now