Track 20: Me Again

Magsimula sa umpisa
                                    

He was about to say something but he didn't continue.

Nang tingnan ko kung saan siya nakatingin, nakita ko si Kelsey kasama si Ysabella. Nag-uusap sila habang naglalakad pero nang makita nila kami ni Dex ay parehas silang napahinto.

Naging seryoso ang mukha ni Kelsey at tumaas na naman ang isang kilay ni Ysabella.

"What's going on here? Why are you together?" tanong ni Ysabella.

Based on her reaction, she really knows about their relationship. Pero wala pa rin silang idea kung sino ako.

"Paki mo? Close ka ba namin?" irap ko sa kanya.

Halos umusok na naman ang ilong niya dahil sa sinabi ko. Magtatanong tanong pa kasi. Akala mo naman obligado kaming magreport ng nangyayari sa kanya. Sino ba siya?

Bago pa siya makapagsalita ulit ay mas lumapit ako kay Dex at bumulong.

"Tingin mo deserve mo 'yung klase ng relasyon na tinatago lang, at ang partner na gustong isikreto ka lang?"

And with that, I left.



Nang makarating ako sa cafe, hindi pa man din ako nakakalapit sa counter ay napansin na agad ni Melody na wala ako sa mood.

"Is it about them?"

By them, I knew she meant Kelsey and Dex. I nodded.

"Tell me what happened after ng shift ko."


When the food arrived, may patangay pa na cake. "This one's on me," sabi ni Melody at tinuro ang cake.

I started eating when she left.

Kahit papaano ay nakakabawas ng inis ang pagkain. Kaya lang kapag naaalala ko na naman ang nangyari kanina at kung paanong nanahimik na naman si Kelsey ay bumabalik ang inis ko.

Ang daldal daldal niya kapag nagtatanong ng tungkol kay Dex pero ngayon hindi siya nagsasalita.Playing safe masyado.

"Kung galit ka, 'wag mong ilabas ang galit mo sa pagkain."

Saka ko lang napansin na sobrang liit na pala ng pagkakaputol sa cake na kinakain ko. Halos durog na.

I'm sorry, cake.

And when I looked up, I saw Aiden in front of me. May dala siyang tray.

"Is that seat taken?" Umiling ako. "Do you mind if I'll sit there?" Tulad kanina ay umiling na naman ako.

This guy is tolerable.

"Kahit naman siguro durog na ang cake parehas pa rin ang magiging lasa 'di ba?"

Or not.

"Napansin ko lang na ang hilig mo sa cake. Marunong ka ba magbake?"

"No."

"Ako rin. Nasubukan ko na isang beses. May sinundan kong recipe. Madali lang naman sundan ang recipe kasi may saktong measurements. Hindi ko lang nagawa ulit kasi hindi naman ako mahilig sa sweets."

"Eh 'di sana binigay mo sa pamilya mo."

He smiled and shook his head. "Hindi rin sila mahilig. At busy sila."

Nagpatuloy pa siya sa pagkwento habang nagfocus naman ako sa pagkain.

Pero hindi ko rin mapigilan makinig sa mga sinasabi niya kasi katapat ko lang siya. Para hindi rin siya magmukhang tanga na nagsasalitang mag-isa, tumatango ako minsan sa mga sinasabi niya.

Naikwento na nga rin ata niya ang mga nangyari sa kanya buong araw.

"Sa sobang dami nga ng pinagawa ng mentor ko kanina ginabi na ako. Kaya ngayon lang ako nakakain ng dinner. Buti na lang din nakalimutan ni Kelsey magschedule ng studio ngayon. Hindi rin naman ako makakapunta."

Nag-init na naman ang ulo ko nang marinig ang pangalan ni Kelsey.

Kaya habang nagsasalita pa siya ay padabog kong ibinaba ang tinidor na hawak ko at tiningnan siya nang diretsyo. Nanglalaki ang mata niya at halatang nagulat sa ginawa ko.

"Have you ever felt wronged?" Seryoso kong tanong.

Tumango siya nang mabagal.

"It's annoying, right? Ang nakakainis pa, akala niya naiinis ako dahil lang sa matigas ang ulo ko. Akala walang dahilan o mababaw lang ang dahilan. Sinisi ako agad kahit hindi niya alam ang dahilan ko. Parang kapag may nangyaring di maganda, kasalanan ko agad."

I took a bite of the cake, swallowed it and started talking again.

"Aminado naman akong hindi ako mabait at marami akong hindi magandang ginagawa. Pero hindi naman ibig sabihin no'n na palaging ako lang ang may kasalanan. I mean, yes, Melody told me I was wrong kasi mali ang means ko but may mali rin sila."

I took the juice and drank.

"I was just trying to protect him while he protects her. Pero sa tingin nga niya, ako pa rin ang may kasalanan. He cares about her so much. Sino ngayon ang mag-aalala para sa kanya? Ako!"

Binitawan ko ang baso at napabuntong hininga.

"I just thought that he deserves someone better, you know. He deserves someone who'll be proud of him. Hindi 'yung tao na maski sa pamilya hindi siya mapakilala at hindi niya maipakilala."

Nang matapos na akong magrant ay sumandal ako sa upuan. Napagod ako sa mga sinabi ko.

Ganoon din naman ang ginawa niya. Baka napagod din siya sa pakikinig sa mga sinabi ko.

"I don't exactly know the whole story. All I know is that you're a nice person, Ingrid. Mali man ang paraan mo, pero dahil totoo ang pag-aalala mo, alam kong magiging maayos din ang lahat para sa 'yo. Hindi man ngayon agad, pero maayos. Swerte ang mga taong pinahahalagahan mo."

And They Say...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon