Special Chapter : The Only Exception

1K 18 2
                                    

A/N: I knew I said I was going to tackle their (Galexia and Red's) high school life up until the present for this special chapter but I'm afraid I'm taking it back now due to my incompetence against my own. I am now finding myself lost again and can't even write a single paragraph now. I decided I will use this platform to start over... Again.

My sincere apologies to those (if there's anyone) who actually waited and hoped for Vanerie and Red's high school story and how they started. May this chapter drown you in the ocean of my words until we find the botomless abyss of our own fiction.

- ciale

• • •

"Bebi!"

Agad akong napalingon sa boses na tumawag sa akin ng ngalan na iyon. If it were from the voice of some other people, I'd feel irritated. But this one's different. I could distinguish his voice from its tone and the way he calls me that cringeworthy call sign. It resonates all over my eardrums and yet I could never find myself wanting to be deaf.

Kunot noo at nakasimangot ko siyang hinarap, taliwas sa binibigay niya sa 'king kumikislap na mga mata at malaking ngiti.

Sinadya kong ituloy ang masama kong tingin habang hinihintay siya sa bungad ng entrance. At aaminin ko ring sinadya kong bagalan ang paglalakad papasok dahil alam kong sa ganitong okasyon, nala-late lagi siyang pumasok.

"Good morning!" he greeted with both hands on his back, trying so hard to cover my sight from something he is hiding.

Papers? Tanong ko sa sarili nang bahagyang makita ang nakatago sa likod niya na unti-unti kong nakikita dahil sa likot ng kamay niya.

"Happy Valentine's!" Kasabay no'n ang pagkuha niya sa likod ng mga papel at saka ito nilahad sa harap ko.

Bouquet paper flowers. I corrected myself.

"Bakit papel?" Tinanggap ko iyon mula sa kanya at sabay kaming naglakad papasok.

"Para hindi namamatay. Hindi nauubos," paliwanag niya. "Parang pagmamahal ko sa 'yo." Sinubukan pa niyang kumindat pero dalawang mata ang napikit niya dahilan para magmukha lang siyang kumurap.

He made a face after realizing his failure. Iniharap niya pa ang mukha sa kabilang direksyon dahil sa hiya. That's when I couldn't keep my laugh anymore. Pero nang marinig niyang tumatawa ako, namumula man ay hinarap niya ulit ang sarili sa 'kin para lang makita ang mukha ko.

"Huwag kang tatanggap ng chocolate sa iba, ha? Baka expired 'yon kasi marami nagsale last week. Sige ka, sasakit tiyan mo," sulsol niya pa.

"Wala rin namang nagbibigay sa 'kin." Rather, walang nagtatangkang magbigay. The only exception is this guy in front of me who shamelessly professes his so-called love for me.

"Sila Storm?" habol niya pa, naniniguro.

Kinibit ko ang dalawang balikat. "Sila lang din naman kumakain ng binibili nila. Ginagawa lang na excuse 'yong valentines para hindi magmukhang patay gutom sa chocolate."

It's true. Bibilhan nila kong apat ng chocolate pero sa huli sila lang din ang kakain dahil magkaibigan naman daw kami at ang magkaibigan, nagbibigayan. Just another bunch of shameless guys. Kaya sila magkasundo nitong pulang 'to eh.

"May performance kayo? Ako ulit sa una, ah!"

"Sa 'yo lang naman ang pwestong 'yon."

"Sa 'yo lang ako?"

Tumigil ako sa paglalakad at pinukpok siya ng bouquet na binigay niya sa 'kin dahil wala sa kamay ko ang drumsticks na laging pinapalo sa ulo niya kapag makulit siya na lagi naman kaya lagi ko rin siyang napapalo. Mukhang hindi naman siya nasasaktan o nagagalit dahil imbes na samaan ako ng tingin o umiyak, nakangiti pa siya at humihiling ng isa pa.

Pounded Heartbeats (Galexia Sound #1)Where stories live. Discover now