𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 𝟸𝟿

Начните с самого начала
                                    

"Maka-utos kala mo hindi mas matanda ang kausap." Bubulong-bulong na ani ni EZ.

"Zia..." Nanigas ako sa pwesto ko nang marinig ko ang malalim na boses na iyon.

Humay gulay boses palang huhu

"K-kuya." Oh, hindi ko pa nga pala siya nai-introduce sainyo.

He's Luke Zian Montefalco. 25 years old. Same age of Kuya DZ. My brother. Owner of the Montefalco Airlines, LZ Corporation, a model and an artist. Oh diba kabog.

"How are you?' Tanong niya at ibinaba ang dala nilang fruits sa basket na katabi ng kama ko.

"I-I'm fine." Hindi ko mapigilang mautal. "Kailangan pala may mangyari muna sakin bago ka umuwi." Bulong ko pero alam kong narinig niya yon.

"Sorry. Kuya's sorry. Masyado lang busy." He said and hugged me. Hindi ko mapigilang hindi maiyak.

"You didn't even call me." I said and buried my face on his chest.

"Sorry na. Binilhan na nga kita neto oh." Sabi niya sabay pakita saakin nung limited edition na pikachu necklace. Tiningnan ko naman siya ng masama.

"Yan tayo eh. Sinusuhulan niyo ko eh. Hmp bala ka jan kuya." Sabi ko at nagkunwaring galit.

"Ayaw mo? Edi wag." Sabi niya at binulsa yung kwintas.

"Eh akin na yun. Sabi mo para sakin yun ihh." Bawi ko at nilahad ang kamay ko.

"jinsim-eulo, eotteohge jinae?" ("Seriously, how are you?") Dad asked.

"malhaessjanh-a, nan gwaenchanh-a" ("I told you, I'm fine.") I answered.

"Maayos na pala eh. Go na LZ pwede mo nang simulan." Sabi ni kuya DZ na nakasandal sa may pintuan.

Bigla nalang akong pinitik sa noo ni kuya. Shutanggala!

"Aray putik! Ang sakit kuya!" Reklamo ko habang hinihimas yung noo ko. Bigla niya uli iyong pinitik.

"Wah! Torture! Help tino-torture na ako dito! Kuya BZ!" Tawag ko. Itinaas lang ni kuya BZ ang pareho niyang kamay habang tumatawa.

"Sorry princess. That's beyond kuya's power. Sabi ko sayo madadagdagan yan kapag dumating dito ang kuya mo." Nang-aasar na sabi niya.

"Dad! Dad oh si kuya!" Sumbong ko pero yawa tinawanan lang din ako.

"Bad! Ang bad niyo!" Sabi ko habang hinihimas ang namumula kong noo.

Sabay sabay kaming napatingin sa pintuan nang makarinig kami ng katok. Binuksan iyon ni EZ.

"Oh, Ice! Pre! Napadalaw ka?" Kinakabahang tanong ni EZ. Seryosong-seryoso naman si Ice. Walang emosyon ang makikita sa mukha niya.

'Where's the others?" Tanong niya. Nagkatinginan naman kami nina KZ.

"H-ha? Anong others? Ikaw lang andito hehe." Sabi ko. Nagu-umpisa nang magpawis yung kamay ko.

Shet sana hindi nila sinabi na—

"Andito daw sila. Nasa loob ng banyo." Parang walang kaalam-alam na saad niya. Kumunot ang noo ni kuya Luke at tumayo.

"What the hell?" Rinig kong bulong niya at naglakad palapit sa banyo. Salubong din ang kilay ni Dad. Sinenyasan ko sina KZ pero huli na ang lahat.

Bumukas na ang mahiwagang pinto papuntang kabilang buhay—este banyo pala.

Kita ko ang gulat sa mukha nilang lahat. Agad namang napaayos ng tayo si Renz at kumaway pa.

The Only Girl Of Section 5Место, где живут истории. Откройте их для себя