Sa nanginginig na kamay ay sinindihan ng lalaki ang sigarilyong nasa bibig niya. Ngumisi siya habang binubugahan ito ng usok ng sigarilyo.

"H-Huwag mo a-akong sasaktan," pakiusap nito.

Tahimik niyang pinagmasdan ang mukha ng lalaki. Dahan-dahan ay bumaba ang tingin niya sa plato na may lamang pagkain na nasa tabi ng kinauupuan nito.

Kinuha niya iyon at hinawakan ang kutsara.

"My butler cooked this for you yet you didn't eat this. It's rude to refuse the foods, don't you know that?" aniya habang kumukuha ng pagkain gamit ang kutsara.

"I don't want to eat that! Lalasunin ako ng alalay mo! Ayoko pang mamatay! Pakawalan niyo ako dito. Palabasin niyo ako dit—"

"Open your mouth," mariing utos niya.

Paulit-ulit itong umiling.

"Ayoko! Ayoko! Ayokong kainin ang pagkain na 'yan! Ayokong mamata—" Natigil ito sa pagsasalita nang marahas niyang hinawakan ang magkabilang pisngi nito gamit lamang ang isa niyang kamay.

"Kapag sinabi kong buksan mo ang bibig mo, buksan mo," mariing sabi niya, ibinuka ang bibig nito gamit lang ang kamay niya.

Nakangising sinubo niya ang kutsara na may lamang pagkain sa loob ng bibig nito.

"Nguyain mo," muling utos niya.

Napilitan itong nguyain ang pagkaing isinubo niya. Nang malunok nito ang pagkain ay muli niyang ipinasok sa loob ng bibig ng lalaki ang hawak niyang kutsarang walang lamang pagkain.

Marahas niyang itinulak ang kutsara hanggang sa masigurado niyang umabot iyon sa lalamunan ng lalaki. Nagpupumiglas ito pero hindi kaya ng lalaki ang lakas niya.

Nang makitang tila mauubusan na ito ng hininga ay marahas niyang hinugot ang kutsara mula sa bibig ng lalaki.

Paulit-ulit itong napaubo, hinahabol ang sariling hininga. Marahas niya itong hinawakan sa buhok dahilan para mapatingala ang lalaki.

"You know very well what can I do. Iniiwasan kong pumunta dito dahil ayaw kong makita itong lintik na pagmumukha mo. Huwag mong hahayaang pupuntahan kita dito sa pangalawang pagkakataon, naiintindihan mo ba?"

Nanginginig na tumingin ito sa kaniya.

"Sagot!" Dumagundong ang boses niya sa kabuuan ng basement.

"O-Oo...n-naiintindihan ko," tugon nito.

Marahas niyang binitawan ang buhok ng lalaki. Walang imik na kinaladkad niya ito at malakas na inuntog ang ulo ng lalaki sa pader. Paulit-ulit niya iyong ginawa hanggang sa mawalan ito ng malay.

Binitawan niya ito at hinugot ang cellphone mula sa bulsa niya. Nang dumating ang lalaking tinawagan niya ay kaagad siyang nagsalita.

"Clean this basement and tie him again. No, chain that fucking asshole," mariing utos niya at humakbang papalabas ng basement.

Lumabas siya mula sa lumang building at inayos ang sarili. Tiningnan niya ang mga kamay sabay ngisi. Why it was always satisfying?

Tumingala siya sa kalangitan, pinagmasdan ang malaki at maliwanag na buwan.

His name is Hunter Wright. A name that people don't want to hear. Hearing his name makes people around him shivered. They call him ruthless, dangerous, cold, cruel, cold-blooded, and violent. Kinakatakutan ang pangalan niya, iniiwasan ng lahat.

It's true that he don't feel anything. His heart is like an empty shell. He only live for himself. He had done everything just to survive from this cruel world.

Isla Fontana Series #4: Ruthless Slave (COMPLETED)Where stories live. Discover now