Magsasalita na sana ako ng bigla akong napahawak sa dibdib ko dahil sa sobrang paninikip nito at hindi na rin ako makahinga.

"Anak, ayos ka lang ba bakit namumutla ka?" Nay Rosie asked worriedly. I immediately nodded and smiled at her.

"Pu-pun-ta l-lang p-po-" Hindi ko na natuloy sa sabihin ko ng maramdaman kong mas lalong sumisikip ang dibdib ko and I can't breath anymore. Hanggang sa maramdaman ko na lang na natumba ako at bago ako mawalan ng malay narinig ko pang tinatawag ni nay rosie si isay.

Nang imulat ko ang aking mata puro puti lang ang nakikita ko at may nakalagay ng oxygen sakin. Nilibot ko ang aking paninngin hanggang sa makita ko si nay rosie na matutulog sa sofa.

"Nay!"mahinang tawag ko sa kanya. Agad naman siyang napamulat at napatingin sakin nang makita niyang gising na ako ay agad-agad siyang lumapit sakin.

"Anak, mabuti naman gising kana. May masakit ba sayo? Nagugutom o nauuhaw kaba?"Sunod-sunod niyang tanong pero ramdam mong sobra siyang nag-aalala.

Nanghihinang ngumiti ako sa kanya. "Nay, okay na po ako. Nasaan po ba tayo?" Tanong ko.

"Mabuti naman kung ganun at nasa hospital tayo anak kasi.... nawalan ka ng malay kanina."mahinahon niyang sabi.

"Kilan po tayo uuwi?" Tanong ko.

"Kapag magaling kana Samantha." Nakangiti niyang sabi.

"Ano daw po.... ang sakit ko?"mahinang tanong ko.

Pero imbis na sagutin niya ang tanong ko, umiyak na lang siya sa harapan ko.  Naguguluhan kong tinignan si nay rosie.

"Bakit po kayo umiiyak? Malala na po ba ang sakit ko? O mamatay na po ba ako?"Sunod-sunod kong tanong kay nay rosie.

Napatingin ako sa may pinto ng bigla itong bumukas at pumasok ang isang babae na doktor at isang lalaking nurse.

"Mabuti naman at gising kana Samantha." Nakangiting sabi ni Doc.

"Opo, ano po bang sakit ko at bakit po umiiyak si nay rosie?"Naguguluhang tanong ko.

"Ilan taon kana Samantha?"tanong ni Doc.

"Thirteen po."Tumango naman siya at alanganing ngumiti sakin.

Lumapit siya sakin at hinawakan ang aking kamay at pinisil-pisil ito. Kung ididescribe ko si Doc napakaganda niya at sigurado akong kaedad lang niya si Kuya Third.

Huminga muna ng malalim si doktora bago siya nagsalita.

"Samantha, alam kong matalino kang bata at alam kong strong ka"nakangiti niyang sabi. "Alam ko ding maiintindihan mo itong sasabihin ko sayo..... Alam mo ba kung bakit naninikip ang dibdib mo at hindi ka makahinga kaya ka nawalan ng Malay. Hmmm..... Samantha huwag ka sanang mabibigla pero...... may sakit ka kasi sa puso. Meron kang Dilated Cardiomyopathy ibig sabihin mahina ang puso mo." Mahaba niyang sabi.

Flashback End.

Kaya simula nun marami ng nagbago.

"Samantha ito ang inhaler mo at mga gamot." Napabalik ako sa tamang katinuan ng inabot sakin ni nay rosie ang inhaler at gamot ko.

The Woman Who Doesn't Believe In Love (Lee Siblings Series#1)Where stories live. Discover now