Life as we know it

Start from the beginning
                                    

Age of 23:
My life took a big turn, napili ako ng President na magpunta sa Japan for two months para magtaining sa supplier namin. Lahat ng expenses ay sagot ng company ni piso ay wala akong nagastos. Pag balik ko ay tumaas rin ang sahod ko, nagsimula akong mag-ipon pangpagawa ng bahay namin, gusto ko kasi sanang pataasan para sama sama na kaming magkakapatid dun pero alam kong mahabang ipunan ito. Madalas na rin akong gumala kasama ang mga kaibigan ko, unti unti naming tinutupad yung mga pangarap namin noon.

Age of 24:
Pag pasok ng bagong taon ay magandang balita ang bumungad sa akin. Napromote ako bilang isang sales coordinator at may sarili na akong area na hinahawakan. Binigyan ako ng company ng kotse dahil ang trabaho ko ay kadalasang mag ikot sa mga customer namin. Madalang na rin akong pumunta sa office dahil lagi akong nasa mga probinsya. Mas tumaas pa ang sahod ko, nakakapag grocery na kami tuwing Linggo, nailalabas ko ang pamilya ko, hindi na kami kinakapos sa budget, nabibili ko pa ang mga kaluhuan ko.

"Okay ka lang ba sa trabaho mo?" Tanong sa akin ni mama nung umuwi ako.

"Oo naman ma! Medyo malaki na rin yung kinikita ko. Malay mo next year makapagpataas na tayo" biro ko

"Hindi ba masyadong mabilis? Ilang taon ka pa lang nagtatrabaho pero pataas ka na ng pataas" sabi niya at bahagyang ngumiti.

"Well, ma magaling tong anak mo" proud na sabi ko.

"Sa akin nagmana ang talino." Sagot naman ni papa kaya mabilis akong sumang ayon.

"Basta hinay-hinay. Sapat na yung kumikita ka at nabibili mo ang gusto mo, wag mo na hangarin na mas tumaas pa" paalala ni mama. Ngumiti na lang ako bilang tugon. I can't stop pursuing my goals. Ni wala pa nga sa kalahati yung mga naabot ko sa pangarap ko. Patuloy lang akong magsisikap hanggang sa makuntento ako sa naaccomplished ko, yung may maganda na kaming bahay, hindi na kailangan ni papa magtrabaho, natutulungan ko mga kapatid ko, nabibigay ko gusto ng mga pamangkin ko. Kapag nakamit ko na iyon saka ako makakampante at maghihinay-hinay.

Age of 25: Management trainee

"Tawag ka ni Ma'am sa office niya" sabi sa akin ng katrabaho ko. Bigla naman akong kinabahan at napaisip kung may nagawa ba akong mali. Hay! Minsan na nga lang ako dumaan sa office, magkakaproblema pa ata.

Tatlong beses akong kumatok bago ko buksan ang pinto at laking gulat ko nung makita ang Manager ko, HR Head at ang President.

"Good afternoon po" bati ko sa kanila.

"Have a seat here" sabi ni Manager na agad ko namang sinunod. Naupo ako sa tabi niya at kabadong humarap sa President. Magamis naman itong ngumiti sa akin.

"Alam mo ba bakit ka nandito ngayon?" Seryosong tanong ng HR Manager. Alanganin naman akong ngumiti bago sumagot

"Hindi po e"

"Honestly, I saw a potential in you, You are good at leading people. You're driven to make improvements and you always bring out the best in you in handling customers thus I suggested to promote you as a management trainee and you manager agree." Paliwanag ng President. Naoverwhelmed ako sa narinig ko, sobrang karangalan ang mapuri ng president ng company. Nakaaktuwang isipin na nakita niya yung effort at pagsusumikap ko sa trabaho.

"I have the contract here. You can read it then decided if you will take it. Note that it is just a one-year position. After a year, we will decided if you're up to a much higher position" dugtong ng HR habang inaanot sa akin ang kontrata.

——-

Isang araw ang lumipas at napag-isipan ko na rin na tatanggapin ko ang offer nila. Wala namang mawawala kung magtry ako. Way ko rin naman to para maachieve yung pangarap ko. Nakakalungkot lang dahil malilipat ulit ako ng ibang department, starting a month from now, direkta na ako laging magkoconsult sa President. I will no longer be part of my manager's team, ang bait pa naman niya.

Inner ThoughtsWhere stories live. Discover now