Bakit ako?

30 1 0
                                    

Malaking palaisipan kung bakit ako ang minahal mo
Sa daming magaganda na nirereto sayo
Maaaring dahil ako ang unang nagpakita ng motibo
O ako lang ang nandyan sa tabi mo?
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mawari
Kung seryoso ka sakin o hindi
Pero pinilit kong unawain ang damdamin mo
Nag-intay kahit napakaalanganin ng sitwasyong to
Umaasang ipapanalo ako ng taong napili ko
Ilang buwan na ang nakalipas at sayo pa rin ako
Masaya ka ba na kasama ako?
O napipilitan ka na lang sa presensya ko?
Maraming tanong sa isipan ko
Mga agam-agam na bumabagabag sa puso ko
Na hanggang ngayon ay inaantay ang sagot mo
Ngunit nais kong ibigay ang buong tiwala ko
ang mahalin ka ng totoo at ipakita ang halaga mo
Masaktan man ako sa pagsugal ko,
ang mahalaga ay naparamdam ko ng buo ang pagmamahal ko
Walang pagsisisi sa huli kung ano man ang kahahantungan nito
Dahil masaya na ako na may ikaw na minsang dumating sa buhay ko.

Inner ThoughtsWhere stories live. Discover now