"Mmm, yeah. I'm full. Ikaw? Kumain ka na ng breakfast?" he asked.

Para akong nabuhayan roon!

"Ah, oo naman! Ang dami ko ngang nakain, e. Pero gusto ko talagang tikman ang red velvet nila rito kaya kahit busog na ako, kakain pa rin ako," kwento ko kahit hindi naman na kailangan.

Kinagat ko ang labi ko.

"Ikaw? Uh... kumain ka na ng breakfast?" I asked softly and looked at him.

"Yup. I already ate at home," he answered and smiled.

Why does it seem like even though he is smiling, I still feel that something is wrong?

"Kumusta nga pala yung exam niyo? Did it turns out well?" nakangiti kong tanong.

"I still don't know. Hindi pa lumalabas ang resulta but I know I did it well so..."

"Yabang!" bahagya akong tumawa.

Marahan siyang ngumiti.

"Ikaw? How's your exam?" he asked.

"Uh, hindi pa rin namin alam pero... siguro ayos lang naman ang magiging resulta noon!"

He nodded. "I'm sure it will turns out well. You did well, I'm sure."

I smiled. "Thank you."

Dumating ang order namin kaya natigil kami sandali sa pag uusap. Natakam agad ako sa red velvet cake na naka hain sa akin. Siya na naman ang nagbayad nito. Wala na talaga akong nagagawa sa tuwing sinasabi niya na siya nalang ang magbabayad.

"Masarap?" Lee asked when I tasted the cake.

Tumango ako. "Mmm! Masarap! Gusto kong tikman ito dahil balak kong i-try gawin. Masarap pala talaga! Pareho lang ang lasa sa iba't ibang shops pero masarap! I'll do this, for sure."

"That's good. Try everything you want to try. Trying everything is the best you can do when you're starting."

Ngumiti ako habang tinititigan siya. Kanina pa ako may nararamdaman na kakaiba pero natuwa ako sa sinabi niya.

"Gusto mo rin bang tikman?" alok ko sa kanya ng cake.

Umiling siya. "I'm fine. Busog na ako."

Oh. I nodded and just continued eating. Sumulyap ako sa kanya na seryoso akong pinagmamasdan. Tumikhim ako.

Kabado ako sa titig niya pero may kakaiba talaga akong nararamdaman. May kakaiba sa kanya. At hindi lang ito ngayon. Noong mga nakaraang araw rin. Noong mga nakaraang araw pa. Ayaw ko lang punahin o tanungin dahil natatakot ako... sa hindi malamang dahilan... o sa hindi ko mapangalanang dahilan.

Naglalakad kami papunta sa mga sasakyan namin, sa parking lot. Nauuna si Lee habang nasa likod niya lang ako. Kumikirot ang puso ko habang pinapanood ko siya ng ganito. Kahit pala talaga nakatalikod... kuhang kuha niya si Seb.

"Lee..." I called.

Tumigil siya sa paglalakad, hindi agad humarap sa akin. Simula nang mabanggit ko si Seb sa kanya, naging ganito na siya. Napaka sensitive ko. Hindi ko manlang inisip ang mararamdaman niya. Kaya rin siguro siya nagkakaganito.

But then... bakit pakiramdam ko hindi lang dahil roon? Bakit pakiramdam ko... meron pa? Meron pang ibang dahilan?

Hinawakan ko sa braso si Lee. Humarap siya sa akin. I saw his serious and cold eyes. Nakatingala ako sa kanya habang pinapanood siyang nakatitig sa akin ng ganon. At sa pagkakataong iyon, hindi ko na talaga napigilan.

"May problema ba?" marahan kong tanong.

Hindi siya sumagot. He just stared at me with his serious eyes and I couldn’t help but be nervous. I let go of his arm and thought of something else to say. Kabado ako pero mas tinibayan ko ang loob ko.

Every Beat of Heart (Agravante Series #2)Where stories live. Discover now