📌TWENTY-NINE

Magsimula sa umpisa
                                    

"Hahaha.. Pinapasaya mo talaga ako Prinsesa.. Bakit hindi ka nalang sumama sa akin? Pagharian natin ang iba pang kaharian.. Hayaan mo na ang magulang mong magluksa sa hirap at mamatay.. Gagawin kitang kanang kamay ko.." - Vana.

"Talaga? Parang ang ganda ng plano mong yan." kunwaring namamangha na sabi Alyssa habang humahawak sa magkabilang pisngin nito..

Nakangiting tumango ang Reyna sa kanya..

"Kaso....." naglungkot lungkutan si Alyssa sabay ngisi ng nakakaloko.. "Ayoko sa mga pangit na kagaya mo... Wind Storm."

Pagkasabi ni Alyssa nun ay mabilis syang lumayo kay Reyna Vana..

Hinawi lang ni Reyna Vana ang ginawang atake ni Alyssa.

Malawak ang pasilyo kaya medyo makakagalaw sila..

"Hahahah... Sa tingin mo ba tatalab pa sa akin yan? Mali ka nang kinalaban mo.." - Vana.

Napangiti si Alyssa sa inasta ng Reyna..

"Simpleng tira pa lang yan.." - Alyssa.

"Hahaha.. Wag mo naman akong pasabikin.. Baka maging abo agad ang kaluluwa mo." sabi ni Vana na prente lang na nakatayo..

"Bakit hindi mo subukan?" - Alyssa at ngumiti ng malademonyo..

----

Allan POV

Nang makalabas ako sa bag ni Alyssa.. Mabilis akong kumilos para hanapin sina Ina..

Lumabas ako ng silid dahil di ko sila maramdaman..

Nang makalabas ako, may nakita sinulid na pula sa dibdib ko. Tinitigan ko kung saan ito patungo.. May nagsasabi sakin na sundan ko ito.. Pero natatakot ako.. Baka may makakita sakin..

'Pero na patay ko na naman si Sais at nasa akin din ang kalahating kapangyarihan ni Ina.. Bakit pa ako matatakot?'

Para akong tanga kakaisip, hindi ko namamalayan na patungo na pala ako sa dulo ng sinulid..

Himinto ako sa malaking larawan ng dating hari..

"Dito patungo ang sinulid.. Baka andito sila Ina.."

Dahil sa naisip kong iyon naghanap ako ng maaring pwedeng hilahin o itulak.. Pero wala akong makita..

Inis kung sinipa ang pader at laking gulat ko nang magbukas iyon..

"Sikretong silid.." mahina kong sabi..

Maigi nang maingat, baka may makarinig sakin dito.. Agad naman akong pumasok sa silid..

Madilim dito at tanging liwanag lang ay nasa dulo ng silid..

Dahan dahan akong pumunta patungo dun at napatakbo ng may makita ko ang dalawang taong pamilyar na nakahiga sa isang kama..

"Ama, Ina." mangiyak ngiyak kong sabi at nilapitan sila..

Hahawakan ko na sana sila ng may kuryente akong naramdaman.. Kaya tinitigan ko silang mabuti.. May itim na usok ang nakapalibot sa kanila..

"Ano to?"

"Yan ang kapangyarihan ni Kwatro.."

Bigla akong napatingin ng may mag salita sa gilid.. At prenteng nakaupo doon..

"Mang Riko." sabi ko at inihanda ang sarili ko..

"Kamusta prinsipe Allan?" sabi nya at tumingin sakin.. "Wag kang matakot dahil hindi kita sasaktan at wala akong balak na labanan ka."

Napaayos naman ako ng tayu sa sinabi nya..

"Bakit po, Mang Riko?" tanong ko..

"Hahaha.. Ayokong laban ang taong may mabuting puso.." sagot nya. Taka ko naman syang tinignan.

ALEXIS ADVENTURE 'In a Baby Body'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon