📌TWENTY-FIVE

763 76 0
                                    

Allan POV

"Hahaha.." tawa ng lalaki sa harap ko.. Di ko sya kilala pero alam kong tauhan sya ng kapatid ni Ina.

At nararamdaman ko din na hindi ko sya makakayang talunin.. Pero di ako susuko..

"Ang tapang mo talaga bata. Pinabibilib nyo akong magkapatid. Nakakagulat na may taglay nang kapangyarihan ang sanggol na yun. At mukhang sa kanya ko din naramdaman ang ang malakas na kapangyarihang yun... Panigurado akong masisiyahan ang kambal."

Di ko akalaing madaldal ang isang to. Daig nya pa si Fragron kung magkwento..

"Bakit hindi ka umiimik bata?" tanong nya pa. "Oo nga pala Prinsipe, gusto ko malaman ang pangalan mo bago kita pitikin."

Hindi ako umiimik at hinahayaan lang sya..

"Alam mo ba nakakainsulto ang ginagawa mo.." nakangiti pero mababakasan mo ng inis sa mukha.. "Bakit hindi mo ako kausapin?"

"Wala akong balak sabihin sa inutil na tulad mo ang pangalan ko." matapang kong sabi.

Nakita ko naman kung paano namula ang mukha nya sa galit..

"Kung ayaw mong sabihin.." ipinuwesto nya ang sarili nya sa atake.. "Pipilipitin ko nalang ang dila mo hanggang sa dumugo ito.." ngumisi pa ito ng nakakaloko..

Narrator POV

"Kung magagawa mo.." mayabang na sabi ni Allan.

"Hahaha, wag mo naman akong panabikin bata.. Baka mauna ka pa sa magulang mo na ngayon ay naghihingalo na.." nakangising sabi ng lalaki.

"Anong ginawa nyo sa magulang ko.."

Dahil sa narinig ni Allan mula sa lalaki ay mabilis nyang sinugod ang lalaki.

Sisipain nya sana ito sa mukha pero sinangga lang ng lalaki iyon. Hinawakan nya ang paa ni Allan at malakas na binalibag sa lupa..

"Hahhaha, ang init mo naman masyado bata.. Wag mo naman akong biglain.." natatawa pa nitong sabi..

Tumayo ulit si Allan at sumugod ulit sa lalaki.

"Wind Storm!!"

Mula sa magkabilang kamay ni Allan ay lumabas ang dalawang ipo ipo patungo sa lalaki.. Pero pinasabugan lang ito ng lalaki ng bomba.

Ang lalaki na kalaban ni Allan ay isang bamer. Sa pamamagitan ng kapangyarihan nya nakakagawa sya ng bomba. Mapamalaki man yan o maliit.

Mabilis na sinugod ng lalaki si Allan at malakas na sinuntok sa mukha.. Napasandal si Allan sa puno ng lumipad sya dahil sa suntok..

Kahit hirap na hirap ay tumayo pa din sya..

"Nakakamangha ka namang bata.. Nagagawa mo pang makatayo sa suntok ko sayo?" sabi ng lalaki at akmang lalapitan nya si Allan ay bigla syang nahigop ng ipo ipo..

Hindi iyon na pansin ng lalaki dahil nung sinuktok nya si Allan ay naglikha na sya ng ipo ipo.

Mabilis namang pinasabugan ng lalaki ang ipo ipo nung makapasok sya sa loob nito.. Agad ding nawala ang ipo ipo at napalitan ng usok..

Hinanap ng lalaki si Allan sa puno ngunit wala na ito..

Nagulat nalang sya ng matamaan sya sa likod ng sandata ni Allan.. Napaabante sya sa ginawa ni Allan.. Seryosong nakatingin si Allan sa lalaki at may galit sa mga mata nya.

"Mukhang kailangan ko na atang magseryoso." sabi ng lalaki at tinanggal ang kanyang jacket na suot, kaya ngayon ay nakahubad nalang sya. Nakita ni Allan ang numero anim sa itaas ng puson nito.

"Isa ka sa mga galamay ni Reyna Vana." galit na sabi ni Allan..

"Oo. E ano naman sayo?" mapang asar na sabi ng lalaki. "Natatakot ka na ba?"

"Hindi ako matatakot sa mga mahihinang tulad nyo.." at mabilis na inamba ni Allan ang hawak nyang Wind Blast patungo sa lalaki..

Mabilis na kumilos ang lalaki at malakas na sinuntok si Allan sya tyan.

Napabuga ng dugo si Allan sa ginawa ng lalaki.. At malakas na inihagis sa puno..

"Ahhh!!" daing ni Allan.. Dahan dahan nyang iminulat ang kaliwa nyang mata dahil sa sakit na nararamdaman nya..

'Ito na ba ang katapusan ko?' tanong nya sa kanyang sarili.

Nakita nyang may hinagis ang lalaki patungo sa dereksyon nya.

'Paalam na Ina' Ama at munti kong kapatid. Iligtas mo sila pati narin ang palasyo.'

ALEXIS ADVENTURE 'In a Baby Body'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon