Bumaba ako sa aming SUV nang nakarating sa mall. Nakita ko ulit si Lee na naghihintay sa may labas. Hindi tulad noon, hindi na umuulan ngayon. He's wearing a white t-shirt and jeans. I can see his muscle in his arm and also in his thigh because the pants he was wearing were so tight. Suot niya pa ang napaka ganda at siguradong napaka mahal niyang relo kaya agaw pansin siya. Well... sa kagwapuhan palang ng kanyang mukha, agaw pansin naman na talaga siya.

"Goodmorning!" bati ko nang nakalapit sa kanya.

Nakatingin siya sa ibang bahagi kaya hindi niya ako nakitang palapit. Bumaling siya sa akin. Nakita ko agad ang pagtingin niya sa katawan ko mula ulo hanggang paa gamit pa ang seryoso niyang mga mata. Napalunok ako at bahagyang nag init ang pisngi dahil sa ginawa niya.

"Goodmorning," tsaka palang siya tumingin sa akin. "You look good."

Mas lalong uminit ang pisngi ko!

"Uh, thanks," sabi ko.

Amoy na amoy ko ang bango niya! Pinampaligo yata niya ang pabango niya at amoy na amoy ko! Ang bango!

A playful smile crept on his lips before raising his hand for me. "Let's go?"

Napatingin ako sa kamay niyang naka angat para sa akin. I bit my lower lip and slowly raised my hand to reach his hand. Mabilis niyang hinawakan ang kamay ko at hinigpitan ang kapit roon. Nag angat ako ng tingin sa kanya.

"I want to buy you something," he said.

"Mmm? Ano naman?" tanong ko.

Ngumiti lamang siya at hinila na ako papasok sa loob ng mall. Nagpahila na lamang ako at agad pinakiramdaman ang lamig sa loob kung saan marami ring tao. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang ngiti nang nasulyapan ang aming mga kamay na magkahawak.

Ano kaya ang ibibili niya sa akin? Nahihiya na akong siya nalang palagi ang gumagastos sa amin pero wala naman akong magawa. Sigurado akong kapag sinabi kong ako na ang magbabayad ay hindi siya papayag.

Nagtungo kami sa mga accessories. Natigilan agad ako nang dalhin niya ako sa bilihan ng mga bracelets. Marami ring bumibili roon pero kaunti lang dito sa bracelets.

Lee picked up a pearl bracelet and in the middle was the cross pendant. Lumapit sa amin ang isang sales lady ngunit kinuha ni Lee ang kamay ko at sinukat na ang bracelet. It was just a local bracelet and the pearl was definitely not real but... it was very beautiful. Simple but beautiful.

"Do you like this?" tanong ni Lee.

I stared at the bracelet for a moment before nodding and looking at Lee. Ngumiti ako.

"I love it."

"Then I'll but it for you," anya at sinenyasan na ang sales lady.

Lumapit sa amin ang babae at marahang kinuha sa akin ang bracelet at pagkatapos ay dinala na sa kung saan.

"Pero bakit mo naman ako bibilhan?" tanong ko at tumingin kay Lee nang nakitang naka alis na ang sales lady.

"I just want to. Naisip ko lang na bigyan ka dahil gusto ko palagi mo akong naaalala," anya sabay ngisi.

Nanlaki naman ang mga mata ko at naramdaman agad ang pag iinit ng pisngi.

"A-Ano?"

He chuckled. "I just want to buy you things. It's not like other expensive ones but I hope... you'll take care of it."

I sighed. Nakabawi ako at bahagyang napangiti sa sinabi niya. Mukhang wala na naman akong magagawa kung gusto niya akong bigyan ng bracelet ngayon.

Every Beat of Heart (Agravante Series #2)Where stories live. Discover now