Naalala ko lahat ng ginawa para sa akin ni Uno. Mula noon hanggang ngayon, masyado siyang selfless na sa lahat ng bagay ay ako ang inuuna niya bago ang sarili niya. Mali na nga ba? Hindi na nga ba tama? Hinihila ko lang siya pababa at natatakot ako na baka tuluyan siyang bumagsak dahil sa akin.

"He was currently on a mission now, that's what we knew. But, awhile ago before you called, his Director called first to tell us that Uno left for something during a mission"

Unti unti nang tumulo ang luha niya na para bang hindi niya kinakaya ang ginagawa ni Uno.

"He was hospitalized and needs an operation, he got suspended for a month and worst he could be demoted. And that's all because of you."

Nanginig ang labi ko at hindi na napigilang umiyak. Masakit pero tama ang lahat ng sinabi ng Mommy niya. Hindi na maganda ang epekto ko sa kaniya at baka tuluyan siyang masira.

Napansin kong nakatingin siya sa singsing na suot ko. Ang singsing na binigay ni Uno noong anniversary namin, noong nagpropose siya. Hindi. Hindi ko kayang iwanan siya. Nangako ako. Tumayo ako pero hinawakan niya ang kamay ko.

"I know that he's planning to marry you, that's why as his mom. I'll do everything to get you out of his life" unti unti ay lumuhod siya sa harapan ko. Parang nabasag ang puso ko ng makita siyang nakaluhod at hindi matigil sa pag iyak. Kilala siya bilang isang mahusay na abogada kaya hindi ko naisip na magagawa niya ito. Sigurado akong masasaktan si Uno kung nakikita niya ang kalagayan ng Mommy niya.

"Parang awa mo na Meisha, iwan mo na ang anak ko. Mahal mo siya hindi ba? Hayaan mong maging matagumpay siya, layuan mo na siya dahil ikaw ang pumipigil sa kaniya" alam kong gusto niya lang kung ano ang makakabuti sa anak niya. Mahal na Mahal niya ito. Mas mahal niya ito kumpara sa kung gaano ko kamahal si Uno.

Masakit man pero alam kong tama siya. Madami pang iba na mas deserve ni Uno. Noon pa man ay hindi ko na siya deserve pero pinilit ko pa rin. Kasalanan ko lahat ng ito. At nang oras na iyon ay natagpuan ko ang sarili kong tumatango sa kaniya.

Agad siyang tumayo at niyakap ako sinuklian ko ang yakap niya hindi dahil gusto ko. Kundi dahil wala akong ibang mayakap ngayong kailangang kailangan ko. Aaminin kong masama ang loob ko sa kaniya dahil sa mga nakalipas na taon, siya ang itinuring kong pangalawang ina. Naging maganda ang pakikitungo niya sakin kaya naman hindi ko alam kung paano niya nagawa sa akin ito. Ang tapunan ng tanong na walang pilian. Ang pagdesisyunin na iisa Lang ang pwedeng hantungan. Siguro dahil sa pagmamahal niya kay Uno. She's his mother.

"Balang araw maiintindihan mo na bilang ina ni Uno, gagawin ko lahat para sa kaniya, para sa ikabubuti niya. Dahil ganoon kapag Ina Meisha." hindi ko magawang sang ayunan o kontrahin ang sinabi niya dahil sa mga oras na iyon. Si Uno lang ang inaalala ko.

Napatayo si Tito Zero nang pumasok ako at makitang umiiyak.

"What happened?"

"Wala po Tito." napunta ang tingin niya sa asawa, nilagpasan ko siya at dumiretso kay Uno.

Ang himbing ng tulog niya, napakagwapo niya talaga sa kahit anong sitwasyon. Hinawakan ko ang kamay niya at tinitigan siya nang matagal. Parang hindi ako magsasawang titigan ang mukhang ito, pero kailangan kong tanggapin na hanggang dito na lang ito.

"Patawarin mo ako Uno. Mahal na Mahal Kita."

Bago ako lumabas ay niyakap ako ni Tito, ramdam kong nakikisimpatya siya sa akin pero hindi niya magawang mapigilan ang nangyayari dahil siguro ay alam niya ring ito ang makakabuti.

Sa pag tungtong ko sa labas ng Hospital ay tuluyang gumuho ang mundo ko, iniiyak ko lahat ng sakit hanggang sa maubos ang luha ko.

Natigilan ako ng may isang kotse ang tumigil sa harapan ko. Bumaba roon ang Isa sa pinaka ayaw kong tao. Ang Lolo ni Uno. Pinaliligiran siya ng mga tauhan niya.

Galit na galit siyang lumapit sa akin, at madiing hinawakan ang dalawang braso ko. Wala na akong lakas na manlaban dahil sobrang nanghihina ako.

"I fucking told you already to know where you belong to avoid causing trouble. Leave! And don't fucking show yourself again" sinigawan niya ako sa mukha at marahas na itinulak bago siya pumasok sa loob.

Akala ko ay wala na akong iiiyak pero nang makita ang dugo na nanggagaling sa pagitan ng mga hita ko ay kinabahan ako at natakot. Parang umiikot ang paningin ko at natagpuan ko na lamang ang sarili kong nasa isang hindi pamilyar na kwarto.

"Gising ka na pala!" isang hindi pamilyar na boses ang narinig ko.

Medyo may edad na siya pati na rin ang matandang lalaki na nasa tabi niya. Nasabi nila sa akin na nakita nila akong walang malay sa labas ng Hospital. Doon daw sana nila ako icoconfine kaso ay nagmakaawa akong huwag dalhin doon kaya nagtawag sila ng family doctor. I had a miscarriage.

Parang gusto ko na lang mamatay ng mga oras na iyon dahil sa sunod sunod na pagkawala sa akin ng mga Mahal ko. Pero naalala ko ang mga kapatid ko.

Ilang araw muna akong nanatili roon bago nagdesisyong umuwi. Pero nagimbal pa Lalo ang mundo ko ng madatnan doon si mama at ang mga kapatid ko . Napatitig ako sa mga maleta na nasa tabi nila. Aalis na rin sila?

"S-saan kayo pupunta? Mon? Mai? Iiwan niyo si ate?"

"Meisha sasama na kayo-"

"Hindi ako sasama sayo!" matigas kong sagot sa kaniya.

"Pero paano ka?"

Hindi ako sumagot sa kaniya at lumapit sa mga kapatid ko para yakapin sila. Hindi na ako nakipag talo dahil alam kong mas mapapabuti sila roon. Babalikan ko kayo. Kapag kaya ko na.

Nang gabing iyon, lahat ay nawala sa akin. Lahat ay kinuha sa akin. Walang natira kundi ako lang. Wala akong kasama, wala na.

Si papa. Si mama. Si Mon. Si Mai. Si Uno. At ang a-anak ko. Pagod na pagod na ako pero wala akong ibang magawa kundi mapagod na lang dahil wala na ang aking pahinga.

What a Merry Christmas for me.

~💙

Under A Rest | ☁️Where stories live. Discover now