CHAPTER FIVE

70 21 0
                                    

I'M on my bed. Maya maya ay may narinig akong tunog na nanggagaling sa cell phone ko. My eyes are still closed.

"Hello" I said in a sleepy tone.

"Good Morning Andrea. Are you ready? Pupunta na ako dyan"

Napamulat naman ang mata ko saka ko lang naalala na ngayon nga pala kami pupunta ng clinic niya.

Gosh! Hindi ko pa nakukuha si Ophie.

Agad na akong pumunta sa shower room at pagkatapos ay dali daling lumabas sa silid. Nakita ko naman si Claish at si Luke sa kusina.

"Oh Andrea bakit ka nagmamadali may lakad ka?"

"Ahm pupunta ako kay Mum pasabi na lang kay Jaz pagpumunta dito. Kukunin ko lang si Ophie" sabi ko at kinuha na ang bag.

"Sige sasabihin ko. Doon kana ba kakain?"

"Siguro. Sige una na ako"

"Sige ingat!" pahabol niyang sabi.

Pumunta ako sa basement para sumakay na sa kotse. Nasa daan na ako ng tumunog ang cell phone ko kaya sinagot ko ito.

"Hello Andrea"

"Nasa condo kana ba?"

"Wala pa bakit nasan kaba?"

"I'm going to our house para kunin si Ophie"

"Okay take care hihintayin kita dito"

"Okay sige. Bye"

Pinatay ko na ang hanggang sa makarating na ako sa bahay namin agad naman nilang binuksan ang gate.

"Magandang Umaga Ma'am Andrea"

"Good Morning po Ma'am Andrea"

Bati sa akin ng mga nakakasalubong kong mga katulong at driver namin.

"Good Morning din po" sabi ko sa kanila

Pumasok na ako at nakita ko naman si Mum na pababa pa lang ng hagdan.

"Hija hindi ko alam na pupunta ka ngayon. Isasama mo ba si Ophie?"

"Yes Mum" sabi ko at niyakap sya.

"Si Dad po?"

"Umalis na sya"

Tumango ako "Si Ophie, Mum?"

Nakita ko naman agad si Ophie na tumatakbo papunta sa akin kaya lumuhod naman ako para salubinhin sya.

"Baby" sabi ko at niyakap siya. Bumatok ito.

"You miss me baby?"

Bumatok ulit ito sa akin.

"Okay"

Binuhat ko si Ophie.

"Mum una na po kami"

"Nakapagbreakfast kana ba?"

"Doon na lang po Mum"

"Ingat ka" aniya at bumaling kay Ophie "Bye Ophie"

"Bye Mum" sabi ko at humalik sa kanya.

Lumabas na ako at nakita si Manang Soli na nagdidilig at kasama niya ang kanyang apo.

"Magandang Umaga po Manang Soli, Marissa"

Tumingin naman sila sa akin.

"Magandang Umaga din po Ma'am Andrea" si Marissa nginitian ko naman ito.

"O hija aalis kana agad?"

"Yes po Manang ipapasyal ko po si Ophie"

"Ah sige mag iingat ka"

DOCTOR SERIES 2: STUCK WITH YOUWhere stories live. Discover now