CHAPTER THREE

162 25 1
                                    

"GOOD morning Claish"

"Morning" ani nito at tiningnan ang suot ko. "Magjo-jogging ka?"

"Yap"

"Pero wala kang kasama. Wait sasamahan kita" sabi nito at pumasok na sa kanyang silid.

"Let's go?" sabi ko ng nakapagpalit na sya.

Nagstretch muna kami bago tumakbo para hindi mabigla ang katawan niya. Nasa kalagitnaan na kami ng pagjo-jogging ng may tumawag sa akin mula sa likuran.

"Andrea!" aniya bago naglakad papunta sa pwesto ko. "Good morning"

Tiningnan ko naman ito si Napkin Boy pero hindi ito nag iisa may kasama itong brown na aso. Medyo malaki ito kaya napaatras kami ni Claish.

Agad naman niyang napansin ang pag atras namin "Don't worry, he's kind" aniya at hinaplos ang ulo ng aso.

"G-Good morning. Your dog?" sabi ko habang nakatingin sa aso na nasa gilid niya.

"No. Sa kapatid ko. Isinabay ko s'ya sa pag jo-joging ko dahil matamlay sa bahay" tumango ako.

"Anong pangalan niya?"

"Rocky"

"Breed?"

"Boxer Dog" aniya at tumango naman ako sa sinabi niya.

"By the way, bestfriend ko, si Claish"

"Hi! Good morning"

"Good morning" ani naman ni Claish.

"Kanina pa ba kayo?" tanong nito habang sumasabay na rin sa pagtakbo ganon din ang dala niyang aso.

"Ahm kasisimula pa lang namin" sabi ko tiningnan ko naman si Claish na mukang nagtataka sa nakikita niya . Tumingin naman ito sa'kin, ngumiti naman ako sa kanya.

Halos nangalahati na kami sa pagtakbo at napagdesisyunan namin na tumigil muna sa park. Nang may nakita kaming upuan ay agad kaming pumunta doon.

"Just wait here. I will buy water for us" aniya. "Pwede bang dito muna si Rocky?" tanong niya.

"Pwede naman" sabi ko at ibinigay sa akin ang tali nito at umalis na.

"Siya 'yong ipinakilala sayo ni Clay di'ba? Mukang close agad kayo" sabi ni Claish sa tabi ko.

"Yap," tumingin ako sa kanya "I met him in the store. Nung pinabili ninyo ako ng chips, nakita ko s'ya doon"

"Tapos? Paano kayo nagkakilala doon?"

"He ask me what's the better brand of sanitary napkin"

"A what?!" sigaw nito siguro nagulat din si Rocky dahil tumahol ito.

"Sorry Rocky" hingi niya ng tawad sa aso.

"Funny right?. I help him, akala ko para sa girlfriend niya iyong bibilhin niya pero sa kapatid pala"

"Siguro mahiya hiya 'yon nung nagkita pa ulit kayo"

"Oo. Nagulat nga s'ya ng makitang ako yung ma-memeet niya. Actually same lang kami. Binigyan din niya ako ng pusa pero ipinaalagaan ko muna sa kanya dahil hindi ko naman maaalagaan sa condo"

Tiningnan ko naman si Rocky na nakaharap sa amin animo'y nakikinig din sa pinag uusapan. Maya-maya pa ay dumating si Jaz at binigyan kami ng tubig.

"Thank you" sabi ni Claish.

"Salamat dito" sabi ko sa kanya habang hawak ko pa rin ang tali ni Rocky habang siya naman ay umupo sa harapan ko, hinawakan niya si Rocky at pinainom niya ito mukang uhaw na uhaw din ang aso dahil sa bilis nitong uminom.

DOCTOR SERIES 2: STUCK WITH YOUWhere stories live. Discover now