Kiss 1 ♥

11.8K 316 9
                                    

~ ♥ ~

JAIRUS' POV

Nakita ko 'yung anino nung tao at agad akong naglakad papunta sa kanya at ginawa ang dare ko.

"Woaaah ~~" sigaw nila Juliana. Yumuko ako at naglakad kung nasaan 'yung tao. Pumikit ako at hinalikan 'yung tao. Humiwalay ako sa paghalik at tumakbo na ako palayo. Binilisan ko ang pagtakbo ko para hindi ako makita nung hinalikan ko.

Sino naman kaya 'yung hinalikan ko? Hindi ko alam kung babae o lalaki. Kung sino man siya, aaarrrgh!!! Nakakahiya 'yung ginawa kong 'yun. Bakit kasi dare ang pinili ko eh pwede namang truth na lang.

Nakarating ako sa library at naupo ako. Napagod ako kakatakbo eh. Ayokong mahabol nung hinalikan ko hahaha. Kakahiya eh. First kiss ko pa naman 'yun.

"Nandito ka lang pala" sambit ni Juliana. Nakita nila ako. Ang bilis naman nila akong mahanap. Mamaya kasama nila 'yung hinalikan ko.

"Kilala mo 'yung hinalikan mo?" pagtatanong nila. Paano ko makikilala kung nakayuko ako at nakapikit? Luuuh ~~

"Paano ko makikilala kung nakayuko at nakapikit ako? Isip isip din Juliana" sabi ko at tinignan sila ng masama. Lang'yaaaa ~~ 'wag na nilang ipaalala sa akin.

"Kyaaah ~~ Si Zero Lee Fuentes ang hinalikan mooo!" sigaw ni Juliana. Ang ingay niya. Hindi niya ba alam na nasa library kami? Kung makasigaw.

"Ms. Juliana, please be quiet" sabi nung librarian. Natahimik si Juliana.

T-tekaaa? Sino daw 'yung hinalikan ko? Si Zero Lee Fuentes? That Campus Heartthrob? Weh? Hindi nga? Patay akooo!!!

"Namutla ka ata Jai? May sakit ka ba?" pagtatanong ni Arnold. Tumingin sila Juliana sa akin at ngumiti ng nakakaloko. Ayan nanaman 'yung ngiti niya.

"Kasi nga ang hinalikan niya ay ang Campus Heartthrob" sabi ni Juliana. Waaah ~~ lang'ya!!! Ayoko naaa. Hindi na ako papasok simula bukas. Gusto ko ng umuwi.

"A-ah. Guys, uwi na ako ah. P-papasundo lang ako" sabi ko sa kanila.

"At sinong nagsabing uuwi ka?" tanong. Sino 'yun? Ngumiti nanaman ng nakakaloko si Juliana at tinuro ang nasa likod ko. Dahan dahan akong lumingon at nakita ko si...

"Z-zero?" nanginginig kong sambit. Tinignan niya ako ng masama at hinatak kung saan. Nagpupumiglas ako kaso ang lakas niya.

"B-bitawan mo nga ako" sambit ko mas lalo niyang hinigpitan ang paghawak sa akin at hinihila pa rin ako kung saan. Waaah ~~ kidnap!!!

"Z-zero! Sorry na. Hindi ko naman gusto 'yun eh" sabi ko sa kanya. Huminto kami at hawak niya pa rin ako. Waaah ~~ ang sakit ng ng braso ko.

"Hindi mo pala 'yun nagustuhan. Hahaha, ang sarap kaya" sambit ni Zero. Ano daw? Masarap? Nasarapan siya? Ang hot ng tawa niya shiiit ~~

"M-masarap? S-seryoso ka?" pagtatanong ko. Shit!!! Hindi ko maimagine. Ang Campus Heartthrob ay nasarapan sa halik ng isang ordinaryong estudyante at sa lalaki pa? Waaah ~~

"Tsss. Uulitin ko pa? Masarap nga. May kapalit ang paghalik mo sa akin Mr. Carl Jairus Dela Peña" sabi niya at tumingin ulit sa akin.

"Kapal mo naman. Nasarapan ka na nga sa paghalik ko tapos may kapalit pa? Peste" sabi ko sa kanya at tinignan ng masama.

"Dapat may kapalit. Nakahalik ka ng isang katulad ko. Gwapo na hot pa" sabi niya at ngumisi. Mayabang din pala 'to eh. Sarap sapakin.

"Gwapo? Hot? Hindi ka gwapo 'wag mong puriin sarili mo. Hot ka? Oo hot ka. Para ka ngang apoy eh. Kapag may lumalapit sa'yo, nasusunog sila" sabi ko. Hahaha, ang sama ko talaga kahit kailan.

"Talaga lang ha" sabi niya at hinili nanaman niya ako. Pesteng 'to kung makahila. Close ba kami?

"M-masakit na ah" sabi ko sa kanya. Parang walang narinig. Aaaahhh!!! Napipikon na ako ah. Magkakapasa ako sa ginagawa nito eh.

"Nakikita mo 'yun?" tanong niya at tinuro 'yung babae. Ang ganda naman nung babaeng 'yun.

"Malamang may mata ho ako Mr. Zero" sambit ko sa kanya. Ang sarap asarin nitong lalaking 'to.

"Tsss. Tulungan mo akong manligaw. Gusto kong mapasagot 'yan" sabi ko sa kanya at tumingin dun sa babae. Sheeez ~~ bakit ako pa? Ay may kasalanan nga pala ako sa kanya. Leng'ye.

"Kapag napasagot ko 'yan dahil sa tulong ko may Unli Kiss at Unli Hug ka"

"Excuse me?! Mukha mo unli. Ayoko ng ulit makatikim ng halik sa kagaya mong mayabang at torpe" sabi ko at ngumisi. Woooh ~~ sarap talaga asarin.

"Siguraduhin mo 'yang sinabi mo" sabi niya at ngumiti ng nakakaloko.

"Kapag nahulog ka sa akin tignan na lang natin" . Ano daw? Hindi ko narinig 'yung huli niyang sinabi.

Tumunog na ang bell. Uwian na namin. Buti at mahaba ang vacant namin. Makakatakas na ako dito.

"Magkita tayo bukas 1pm sa may mall. Kapag hindi ka dumating magpaalam ka na sa mundo mo" sabi niya at umalis na. Ang samaaaa ~~

Bumalik din siya at humarap sa akin waaah ~~ 1 inch na lang at maghahalikan na kami. Bigla niya akong hinalikan.

Pero this time hindi na 'yung ordinaryo kundi... Kundi...

One passionate kiss

Umalis na ulit siya at nabato ako sa kinatatayuan ko.

Nabakla na ata siya. Bigla bigla na lang nanghahalik.

Pero para saan 'yun?

~ ♥ ~

Kiss: It's Started with a Dare [BoyXBoy] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon