Ilang araw pagkatapos ilibing ni papa ay bumalik na sila ate sa kabilang bayan kaya naman naiwan sa akin ang responsibilidad sa dalawa kong kapatid. Kahit nasasaktan, kahit nagluluksa ay kinailangan kong magtrabaho para tustusan ang pangangailangan namin. Halos naubos ang ipon ko sa pagpapalibing kay papa, ginusto kong iyon ang gamitin para kahit sa huling pagkakataon maiparamdam kong mahal ko siya. Mas lumalim ang tampo ko kay mama ng hindi manlang siya nagpakita sa burol ni papa.

"Meisha kumain ka na ba?"

"Kumain na ako" ngumiti ako sa kaniya ng pilit pero alam kong hindi siya makukumbinsi noon.

"Huwag mo namang pabayaan ang sarili mo" malambing na saad ni Uno pagkatapos ay niyakap ako.

"Happy birthday and happy anniversary baby" nakalimutan ko nanaman. Nagulat ako ng lumuhod siya sa harapan ko at naglabas ng isang kahon.

"Alam kong madami pang pwedeng mangyari pero sigurado na ako sa iyo. You're the only woman whom I can imagine to spend my whole life with. Meisha, with the permission vested to me by your father, will you marry me?"

Sunod sunod na tango ang isinagot ko sa kaniya kasabay ng pagdaloy ng luha sa mga mata ko.

Nang gabing iyon ay naramdaman kong muli ang saya. Nang gabing iyon ay hinayaan ko ang sarili kong malunod sa mga halik niya na puno ng pagmamahal hanggang sa maibigay ko ng buo ang aking sarili, walang alinlangan at walang pagsisisi.

--

Nang sumunod na mga buwan ay pinilit kong alisin ang lungkot sa puso ko at ginamit ang pagmamahal ni papa para magpatuloy. Ginamit ko ang pagmamahal ni Uno para tatagan ang loob ko. Ginamit ko ang pagmamahal ko sa mga kapatid ko para maging matapang. Ako rin ang nagpaanak kay Hershel dahil ayaw niyang may makaalam na iba. Naging emosyonal pa ako noon dahil sobrang gandang biyaya ang natanggap niya.

Kahit papaano ay masaya ako sa nangyayari sa buhay ko ngayon. Madalas ay sa bahay umuuwi si Uno dahil wala kaming kasamang lalake, nauuso pa naman ngayon ang nakawan dahil December na.

"Baby?" sa tono ng pananalita ni Uno ay parang may gusto siyang sabihin sa akin kaya itinuon ka ang atensyon ko sa kaniya.

"Ano iyon?"

"I.. I already found your Mom" bumilis ang tibok ng puso ko dahil doon.

Kaagad akong bumangon mula sa pagkakahiga at tinignan siya.

"P-paano? Nasaan siya? Puntahan natin siya Uno. Gusto ko siyang makita"

"Sasamahan kita"

Nabuhayan ako ng pag asa sa ibinalita ni Uno, kaya naman nagdesisyon akong lumuwas agad. Sinamahan niya ako at kinailangan niya pang magleave sa trabaho ng ilang araw.  Ang mga kapatid ko naman ay ibinilin ko sa kapitbahay namin na si Aling Sol. Siya ang madalas na nagbabantay sa kanila kapag wala ako.

Sabi ko kay Uno ay kaya ko ng mag isa pero mukhang kilala na niya ako ng lubusan para malaman kung kailan ako nagsisinungaling o hindi. Ginamit namin ang sasakyan niya para sa pagbyahe. Hindi siya mapalagay at parang may bumabagabag sa kaniya, pero binalewala ko iyon.

Buong byahe ay grabe ang kaba at excitement kong nararamdaman. Sa wakas, makakasama na rin namin siya. Sigurado akong matutuwa ang mga kapatid ko. Alam kong nangungulila rin sila kay mama. Ilang taon na ba ang nakalipas? Apat? Halos limang taon na namin siyang hindi nakikita at nakakasama.

Sana ay nasa maayos siyang kalagayan. Sana nakakakain siya ng maayos at hindi pinapabayaan ang sarili niya.

Nagising ako dahil sa mahinang pagtapik sa pisngi ko. Nakatulog na pala ako sa sobrang pag iisip.

"Nandito na tayo" inayos ko ang sarili ko at tumingin sa paligid.

Nasa tapat kami ng isang malaking bahay. Mas malaki ang kila Uno pero hindi maipagkakaila na maganda rin ito.

Lumabas kami ng kotse niya at napagtanto ko na nasa isang village kami.

"Dito na ba siya nagtatrabaho?" nag iwas ng tingin si Uno. Sinundan ko iyon at napunta ang tingin ko sa isang batang lumabas mula sa gate. Medyo pamilyar ang itsura niya siguro ay apat na taon pa lamang siya.

Agad na nawala ang atensyon ko sa bata ng lumabas ang isang ginang suot ang mamahaling mga damit at alahas.

Sa unang tingin ay hindi ko siya nakilala ngunit ng ngumiti siya ay napagtanto kong siya ang ipinunta ko rito.

"Mama!" tawag ko sa kaniya at kasabay ng pagsigaw ko ay ang pagtawag niya rin sa akin.

"Anak!" pero nagkamali ako. Hindi ako ang tinatawag niya. Hindi ako ang anak na tinutukoy niya. Ni hindi niya ako nakita.

Bakit? Bakit doon sa batang paslit siya nakatingin bakit hindi sa'kin. Bakit mama?

~💙

Under A Rest | ☁️Onde histórias criam vida. Descubra agora