"Hi baby" hinalikan niya ako sa sentido nang makalapit ako.

"Eww. Tunog sugar daddy" natawa kami pareho sa sinabi ko.

"Ganda ka?" hinampas ko siya ng mahina at nag asaran pa kami bago dumiretso sa food court.

Umalis siya nang maihatid ako doon at bumalik sa oras ng out ko para maihatid ako sa bahay. Ilang beses ko ng sinabi sa kaniya na hindi niya ako kailangan ihatid sundo pero mapilit siya. Para saan pa daw na pulis siya kung ako mismo ay hindi niya kayang bantayan.

Kinaumagahan ay mabigat ang atmosphere na nadatnan ko sa classroom, hindi ko alam kung bakit pero nagbubulungan sila. Ako ba ang pinag uusapan nila?

Nakayuko akong pumasok at akmang uupo, pero hindi pa man nakakalapat ang puwetan ko ay may tumawag na sa akin. Ang Dean ng department namin.

"Grabe! Mukha pa naman siyang inosente"

"Akala ko matalino talaga siya. Mandaraya naman pala"

"Desperada makagraduate"

Ilan lamang iyan sa mga naririnig ko bago tuluyang makalabas. Sinundan ko ang Dean hanggang sa makarating sa office niya. Nandoon ang professor namin na nanggagalaiti sa galit.

"Ms. Londres! I told you not to open the envelope. Ano bang pumasok sa isip mo at kinuhaan mo ng litrato ang mga test questions at binenta sa mga school mates mo?"

Nangunot ang noo ko sa sinabi niya kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko. Wala pa manlang ay naluluha na ako dahil eto nanaman. Napagbintangan nanaman ako sa mga bagay na wala akong kinalaman. Wala manlang nagtanong. Wala manlang naniguro.

"W-wala po akong kinalaman doon. H-hindi ko po magagawa iyon" napayuko ako dahil alam ko na ang sunod na sasabihin nila.

"Hindi ako naniniwala sa iyo. Imposible! Walang ibang gagawa noon kundi ikaw. Ikaw ang inutusan kong maglagay sa office ko."

"May ebidensya ho ba kayo? Hindi porket ako ang naglagay ay ako na ang nagnakaw. Ni hindi ko nga ho ginusto na ako ang mautusan ninyo"

Napaawang ang labi niya sa pagsagot ko, akmang magsasalita pa siya pero pinigilan siya ni Dean.

"Ms. Londres as of now you're the suspect dahil ikaw ang huling pumasok sa opisina ni Professor. Don't worry we're going to conduct an investigation. Prepare yourself to be expelled kapag napatunayan na ikaw nga ang nasa likod nito, this is a serious matter"

Lumabas ako ng opisina na bagsak ang dalawang balikat habang nakayuko. Napangiti ako ng mapait. Iimbistigahan daw pero parang sigurado na sila na ako ang gumawa noon.

Napa angat ako ng tingin sa lalaking nasa harapan ko. Kusang tumulo ang luha ko ng masiguro kong siya iyon.

"Hushh baby! It's ok. I'll prove them wrong. I promise you that." malambing at naniniguro ang boses niya. Hindi pa siya nagtatanong ay naniniwala na siya.

"U-uno w-wala akong ginawa. H-hindi ko magagawa iyon. P-pinagbibintangan n-nanaman nila a-ako" hindi ako umiiyak pero basag na basag ang boses ko.

"I know baby. I believe in you. I will fix it, I will investigate. I will prove them wrong"

Dinala ako ni Uno sa clinic pagkatapos, nakatulog ako sa sobrang pagod. Pagod saan? Sa pagod na kahit ako ay hindi alam ang pinanggagalingan. Nang magising ako ay si Maui ang nasa tabi ko. Nagbabasa siya ng libro habang umiinom ng Chuckie.

"Maui, nasaan si Uno?" doon niya lang napansin na gising na ako.

"Gising ka na pala"

"Gusto ko siyang puntahan"

Inalalayan niya akong tumayo kahit hindi naman kailangan. Nagtaka pa ako ng makitang sa office ng Dean kami papunta. Magtatanong pa sana ako pero naunahan niya ako magsalita.

"He solved the case, within just a half day" ganoon kabilis?

Nang pumasok kami ay naagaw namin ang atensyon nila. Namukhaan ko ang isang estudyante na nakasalubong ko kahapon habang pabalik sa classroom namin pagkatapos kong mailagay ang envelope sa table. Siya na ang gumawa nito?

"Seems like its a mistake Ms. Londres, you are now safe from expulsion. We're so sorry about the inconvenience"

Tumango lamang ako sa kanila dahil nakahinga na ako ng maluwag.

"Next time make sure to consider conducting preliminary investigation before jumping into conclusion and act like you're sure of the accusation." Seryoso at parang naninindak ang kaniyang boses. "Don't be harsh on the alleged culprit because they have feelings, especially when you have no realiable evidence"

"This world is already clouded by judgemental people and that made our justice system rotten"

Hindi nakapag salita ang mga tao sa loob at hinila na niya ako palabas.

Tama ang sinabi niya, ang mundong ito ay nababalot na ng panghuhusga kaya naman nabubulok na ang sistema. Hindi mo masigurado kung kongkreto ba ang hatol dahil hindi na alam kung saan bumabase. Kung sa sapat ba na ebidensya o sa sinasabi ng iba.

Biglang tumaba ang puso ko sa ginawa niya. Mas nadagdagan ang paghanga ko sa kaniya, mukhang hindi naman na mababawasan iyon.

~💙

Under A Rest | ☁️Where stories live. Discover now