"Yung lyrics pang Valentine's, yung tono pang Undas."

"Napadaan ka? Wala ka bang date?"

"Meron syempre! Kaya nga ako nandito" tumaas baba pa ang kilay niya kaya alam ko na ang ibig niyang sabihin.

"Maui, pasensya ka na. Marami kasi akong gawa"

"Come on Mei! Idate mo naman ako."

Sa huli ay napapayag niya rin ako. Masama pa ang loob ni ate noong nagpaalam ako at hindi pa pumapayag. Nakakahiya dahil kinailangan pa siyang bigyan ni Maui ng pera para pumayag na alagaan si papa.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko sa kaniya habang nasa sasakyan niya.

"Parlor. I think I need a make over, you too" napasimangot ako dahil hindi ko kayang sabayan ang luho niya, " oh! Don't worry, my treat. I have a budget"

Mabuti na lamang at sumama ako kay Maui kahit papaano ay nalibang ako. Madami silang ginawa na kung ano ano sa buhok, kuko at mukha ko. Hinayaan ko na lang at pagkatapos ay halos hindi ko makilala ang sarili ko. Nagmukha akong tao tingnan.

"Let's go!" nagpahila lang ako sa kaniya papunta kung saan. Napadaan kami sa parte ng mall kung saan maraming tao. May mini stage doon at parang mayroong banda na tutugtog. Tuwing may espesyal na okasyon ay ganoon palagi rito.

Naupo kami saglit ni Maui malapit sa tumutugtog dahil mukhang napagod din siya sa paglalakad. Sa lawak ba naman nitong mall, tapos halos maghapon pa kami naglalakad. Magdidilim na rin kasi, maya maya siguro ay uuwi na ako.

Maganda ang mga kanta na inaawit ng mga naroon, siguro dahil araw ng mga puso kaya halos puro love song ang pinapatugtog doon.

Naisip ko nanaman si Uno, hindi ko na siya nakausap simula noong bagong taon. Sana ay maayos siya.

"I'd never gone with the wind
Just let it flow
Let it take me where it wants to go
'Til you opened the door
And there's so much more
I'd never seen it before
I was trying to fly, but I couldn't find wings
But you came along and you changed everything"

Nahulog ako sa malalim na pag iisip at pangungulila sa kaniya kaya naman parang naririnig ko ang boses niya ngayon. Nababaliw na ata ako.

Nang bahagyang huminto ang kumakanta ay inangat ko ang tingin doon. Napatayo ako nang makita kung sino ang may hawak ng mikropono.

"You lift my feet off the ground, spin me around
You make me crazier, crazier
Feels like I'm falling and I
Am lost in your eyes, you make me crazier, crazier, crazier" 

Kitang kita ko ang isang lalake na nakauniporme ng pang pulis. Matikas itong nakatayo sa stage at may bitbit na kumpol ng rosas, habang nakatitig sa akin.

"I watched from a distance as you
Made life your own
Every sky was your own kind of blue and I wanted to know
How that would feel and you made it so real
You showed me something that I couldn't see
You opened my eyes and you made me believe"

Naestatwa ako sa kinatatayuan ko, hindi ako makagalaw at para akong nalulunod sa mga mata niya. Sa pares ng mata na matagal kong Hindi nakita. Sa pares ng mata kung saan ko nararamdaman ang pahinga.

"You lift my feet off the ground, spin me around
You make me crazier, crazier
Feels like I'm falling and I
Am lost in your eyes, you make me crazier, crazier, crazier oh oh..."

Unti unti ay bumaba siya roon at nilandas ang daan papunta sa akin. Kusang nahawi ang mga taong nadaraanan niya. Maraming humihiyaw at tumitili pero himala na boses niya lang ang naririnig ko. Nananaginip ba ako?

Tumingin ako kay Maui at doon ko lang napansin na may hawak siyang camera.

Nang makalapit sa akin si Uno ay nanghina ang tuhod ko. Ang mga mata niya, hindi nagbago kung paano niya ako tingnan noon ay ganoon pa rin ngayon. Mas malalim, mas nag aalab.

"Baby, you showed me what living is for
I don't wanna hide anymore
You lift my feet off the ground, spin me around
You make me crazier, crazier
Feels like I'm falling and I
Am lost in your eyes,"

Hindi niya tinanggal ang titig niya sa akin mula kanina, kaya naman bawat salitang binibitawan niya ay tumatagos sa puso ko.

"you make me crazier, crazier, crazier
Crazier, crazier..." ang huling bahagi ng kantang iyon ay hindi niya inawit sa mikropono, kundi ibinulong sa akin.

Napapikit ako sa sobrang lambing ng boses niya. Sobra ko itong namiss. Kahit maraming nakatingin ay ikinulong niya ako sa isang mahigpit na yakap.

"Damn baby! You made me crazier. I'm sorry it took me so long. I miss you. I love you so much"

"I love you too Uno. Thank you for coming home"

"Thank you for waiting"

Tuluyang pumatak ang butil ng luha sa aking mga mata hindi dahil sa lungkot kundi dahil sa sobrang saya. Sa wakas nakauwi na siya. Sa wakas hindi na ako mag isa. Sa wakas makakapag pahinga na.

~💙

Under A Rest | ☁️Donde viven las historias. Descúbrelo ahora