Mabuti nalang nakaiwas agad si Walgron.. Dahil ang laway ni Fragron ay asido.. Yun din ang dahilan ng pagkakaroon nya ng sugat sa pakpak..

"Mukhang bumilis ka na ahh!! Anong ginawa mo?" sabi ni Fragron.

"Tsk." - Walgron.

Muling sinugod ni Fragon si Walgron at inihanda ang mahahaba nyang kuko..

'Kailangan kong makaisip agad ng paraan. Wala akong laban sa kanya.'

Narinig ni Alyssa ang sinabi sa isip ni Walgron kaya nakaisip sya ng paraan para matalo ni Walgron si Fragron..

"Wind Dry.." mahinang bulong ni Alyssa.

Nakita ni Walgron si Fragron na biglang bumagal na animo'y hingal na hingal.

Nang tataka man ay agad nyang kinuha ang pagkakataon na yun para atakihin si Fragron.

Inilabas nya ang mahahaba nyang kuko at pangil.. Sinugatan nya lahat ng katawan ni Fragron gamit ang kanyang kuko.. At higit sa lahat hiniwa nya ang pakpak nito at malakas na sinipa at tumama sa mga puno bago ito huminto.

Tinanggal agad ni Alyssa ang mahika nya kay Fragron at hinayaan si Walgron na ang tumapos sa laban nilang dalawa.

Ang Wind Dry ay pwedeng makapigil sa hininga mo.. Di mapapansin yun ng kalaban.. Dahil ang pakiramdam ng kalaban ay napapagod sila sa di malamang dahilan..

"Na-nalo ako?!!" sabi ni Walgron habang nakatingin sa kamay nya at kay Fragron na walang malay na nakasandal sa puno.. "Nagawa kong talunin si Fragron."

"Ang galing mo Walgron.." sigaw ni Alyssa mula sa isang puno. Lumapit si Walgron sa kanya..

"Salamat bata sa pagpapagaling sakin.. Di ko alam kung ano ang ginawa mo sa kanya o sa akin, pero pakiramdam ko lumakas ako." masayang sabi ni Walgron.

"Hihihi.. Malakas ka naman talaga Walgron, pinagaling lang kita, ikaw ang may gawa kung bakit mo natalo mo si Fragron." nakangiting sabi ni Alyssa.

"Bilang kabayaran sa pagpapagaling sakin.. Ay hindi ko na kukunin ang buhay mo." sabi nya. "Kunin mo ang bagay na ito."

"Ano to?" tanong ni Alyssa nang makuha ang inabot sa kanya ni Walgron

"Simbolo yan ng Gron Pack.. Maaari mo iyang gamitin para maiwasan ka nang ibang halimaw habang nandito ka." sabi ni Walgron. "Ipakita mo lang yan sa kanila at hahayaan ka na nila."

"Maraming salamat sayo, Walgron. Napakalaking tulong nito para makaalis agad dito." sabi naman ni Alyssa.

"Ako dapat ang magpasalamat sayo. Dahil pinagaling mo ako."

Matapos ng usapan nila ay nagpaalam na si Walgron, binuhat nya si Fragron. Pero bago makalipad si Walgron ay may inabot si Alyssa na isang maliit na bote. Nagtaka naman na kinuha iyon ni Walgron at sinabi ni Alyssa na gamot iyon.

Mukhang mabuti si Fragron para kay Alyssa kaya binigyan nya iyon ng gamot.. Na kay Walgron na daw iyon kung ipapainum nya o hindi.

Nagpasalamat naman si Walgron at mabilis na lumipad.. Ngumiti naman si Alyssa sa nangyari sa kanya..

----

Allan POV

Nakakainis!!

Dapat di ko hinayaang maubos kapangyarihan ni Alyssa..

'Ano ba kasi ang ginawa ng batang ito?!!' inis na sabi ko sa isip ko..

Kaya ngayon.. Ako at si Nicolas lang ang naglalakbay.. Nasa loob ng basket si Alyssa, natutulog.. Isang buong araw na ata syang tulog..

ALEXIS ADVENTURE 'In a Baby Body'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon