"Paano ang gagawin natin?"

Tumingin naman sakin si Mari. "Ayaw kong sabihin dito." sabi nya at itinuro ako.

"Ano ka ba? Bata lang yan di marunong makaintindi yan." sabi naman ni Hilda at tumingin sya sa akin.

'Shet!! Baka mabuking akong nakikinig sa kanila.'

Buti nalang may laruang binigay si Hilda sakin. Kinuha ko ito at kinagat kagat at kunwaring tuwang tuwa sa laruan.

"Sandali." lumabas sya nang pinto at pumasok din agad saka ito nilock. "Ito ang plano, lalagyan natin ng Death Poison ang iniinum ng Reyna at mga anak nito."

Nagulat ako sa sinabi ni Mari. May balak sila na patayin kame?

"Nakapwesto na ang mga tauhan natin at lahat ng gagamitin." dagdag pa nito.

'So marami sila. Kailangan kong gumawa ng plano.'

"Paano ko malalaman kung kasamahan natin yung mga tauhan?" tanong ni Hilda.

"May maliliit na kulay pula ang buhok nila. Alam mo naman na siguro ang gagawin mo ha."

'At mukhang di ako mahihirapan sa paghahanap sa kanila.'

"Oo makakaasa ka."

"Sige na. Sasabihin ko na kay Heneral na ayos na ang lahat."

"O sige sige."

At saka lumabas na nang kwarto si Mari.

Madali kung matatapos ang misyon ko. Sa wakas.

Pero hanep!! Di ako makapaniwala na papatayin nila kame.

'Masamang binabalak ha..'

At ang hindi pa kapanipaniwala na ang namumuno nito ay ang heneral, nalabis na pinagkakatiwalaan ni Ama.

'Isang traydor'

"Tadadana ddadana dadd."
(Pwes.. Bago nyo kame mapatay. Uunahan ko na kayo.)

Lumapit sa pwesto ko si Hilda.

"Wag kang mag-alala. Magsasama sama naman kayo mag-iina sa spirit land." nakangiti ito ng malademonyo habang hinahagod hagod ang buhok ko.

Tumingin ako sa kanya at ngumiti.. Ngiting malademonyo..

Nagulat sya sa naging asta ko..

"Sa tingin mo ba papayagan ko kayo na patayin kame nang ganun ganun nalang."

Napaatras sya nang bahagya nang marinig ang boses ko.

"Paanong....." sa pagkakagulat ay napalitan ito ng ngiting malademonyo. Tumayo sya sa nagmaayos at naglabas ng bolang apoy sa kamay. "Panigurado isa yan sa kapangyarihan mo. Mahina. Isa ka lang hamak na bata. Mukhang mapapaaga yata ang kamatayan mo."

"Tama ka jan. May kakayahan akong makapagsalita at gamit ang hangin nagagawa kong ibalance ang katawan ko. Oh!! Di ba kahanga hanga." kunwaring gulat gulatan ko. "Gusto mo ba nang isang dwelo laban sa akin?"

"Ikaw laban sakin?" natatawang sabi nito.

"Bakit natatakot ka ba?" maang asar na sabi ko.

"Ako matatakot? Nagpapatawa ka ba? Bagong labas lang ang kapangyarihan mo. At mahina ka pa sa mga walang kapangyarihan dito sa magical kingdom. Kahit anak ka pa nang hari't reyna, wala pa sa katiting ang kapangyarihan mo. Kaya kayang-kaya kitang patayin."

"Bat di mo ko subukan ng magkaalaman."

Biglang naglabas nang bolang apoy si Hilda at ibinato yun sakin. Gamit ang hangin gumawa ako nang shield para di masira ang kwarto ko.

ALEXIS ADVENTURE 'In a Baby Body'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon