Balang-Araw

14 1 0
                                    

At kung hindi pa man
Dumarating ang para sa atin
'Wag sanang mangamba,
Mag-duda at mag-alinlangan.

Sa mga bagay na hindi pa maintindihan,
Sa mga planong hindi pa maisakatuparan,
Sa mga pangarap na hiniling sa tala,
Sa mga dasal na inusal kay Bathala.

Palagi nawa'ng tandaan,
Na sa bawat paglubog ng araw,
Laging may bukas na naghihintay
Sa isa pang pagsikat, para—
Mangarap.
Umasa.
Dumalangin.

Sa bawat pagpatak ng ulan
Na kapara ng luhang nasasaktan,
Sa bawat araw na lumilipas
Na puno ng lungkot at hinagpis,
Makita nawa ang liwanag
At pag-asa—
Na laging may bahaghari pagkatapos ng ulan,
At may mga bukas na mas maliwanag kaysa kahapon.

Kung hindi man umaayon ang panahon,
Kung marami pa ring tanong and hindi pa masagot,
Kung naguguluhan sa hindi pa maintindihan,
Patuloy nawang kumapit,
Magtiwala,
At manalig—
Sa higit na mas nakakaalam
Ng lahat,
Ng mga hindi maintindihan.

Sa lahat ng walang kasiguraduhan,
Sa mga isiping kumain ng lakas,
Sa mga gabing niyakap ng lumbay,
'Wag sanang sukuan
At talikuran
Ang Kanyang mga pangako—
Na sa tamang panahon
Ibibigay ang hinihiling
At makakarating rin sa paroroonan.

11:43 PM | 07.07.2021

Tales of Dreams and WoesWhere stories live. Discover now