"Nagsusulat ka na naman?"

Tumango ako at ngumiti. Bata palang ako hilig ko nang magsulat ng kung ano ano sa kahit anong notebook at alam nila iyon ni Mommy. Kung ano ano lang, like what happened to me today or what I think of someone. Minsan kapag nagagalit ako dyan ko sinasabi lahat ng gusto kong sabihin.

"Well... nakaka abala ba ako, kung ganon?" Daddy asked with a smile.

Agad akong umiling. "Hindi naman po, Dad. Ayos lang..." ngumiti ako.

He sighed and pulled me for a hug. Sandali akong natigilan pero kalaunan niyakap ko rin siya pabalik. Minsan lang kami makapag usap ni Dad dahil palagi siyang busy sa trabaho. Si Mommy naman ay ganon rin. Kaya ngayong nayayakap ko siya, pakiramdam ko ayos lang ang lahat, ang lahat lahat.

"I just want to say sorry about your mother. Alam kong ayaw mo na pinipilit ka pero sinusunod mo pa rin siya. And I'm sorry too kung wala akong magawa. Para sa ikabubuti mo naman iyon, hija..."

Pumikit ako at mas lalo pang niyakap si Daddy.

"Kapag naman nakita niya na talagang ayaw mo, siguradong hindi ka na pipilitin ng Mommy mo. But for now, just try it. Mukha namang mabait si Blade."

"He's a playboy..."

Bahagyang tumawa si Daddy. Ngumuso ako.

"Then just date him hanggang sa magsawa na ang Mommy mo sa kakapilit sainyo. I'm sure she will stop. Nasasaktan rin iyon sa tuwing nasasaktan ka."

Gusto kong maiyak sa mga sinasabi ni Daddy. Mas lalo ko siyang niyakap ng mahigpit. Sandali kaming natahimik hanggang sa magsalita siya ulit.

"Are you okay now?" he asked.

Noong una hindi ko pa alam ang sinasabi niya. I thought he was asking that because of Mom but I was wrong.

"It's been a few months since Sebastian Hidalgo's accident happened. Have you moved on already? Are you okay now, Michelle?"

Natigilan ako. Hindi agad ako nakasagot.

"Alam kong bata ka pa pero alam ko na nasaktan ka sa nangyari. Lalo na dahil ikaw ang sinisisi. Michelle... will you tell me how you truly feels?"

Nangilid ang luha sa mga mata ko. Ayos naman na ako pero hindi ko alam kung bakit naiiyak pa rin ako. Siguro dahil alam kong kahit hindi ako sinisisi ni Lee, sinisisi naman ako ng mga magulang niya. They are important to me now so I get hurt every time I think of that. I think so highly of them na tagos hanggang buto ang sakit.

"Nasasaktan po ako, Dad..." tila nagsusumbong ang boses ko, nagmamaka awa.

Kahit pilitin kong pigilan, naiyak pa rin ako.

"Alam ko naman po na... hindi ko kasalanan ang nangyari pero nasasaktan ako na sinisisi nila ako. I have a lot of respect for them and... they are also important to me now because of Seb kaya... masakit..." humikbi ako.

He stroked my hair and hugged me even more, comforting me, but it was still very painful.

Akala ko okay na ako. Pero ngayon napagtanto ko na hanggat hindi ako napapatawad ng mga magulang ni Seb, hinding hindi ako magiging okay.

"Hindi mo kasalanan ang nangyari, anak. Kung sinisisi ka nila, hayaan mo. Kung alam mo sa sarili mo na wala kang kasalanan, hindi ka dapat nasasaktan dahil lang sinisisi ka nila..."

Hindi ako nagsalita. Parang tinutusok ang puso ko.

"Naiintindihan mo ba, Michelle? Kung alam mong wala kang kasalanan, hindi ka dapat nagpapa apekto sa mga sinasabi nila. Kahit pa nirerespeto mo sila... o kahit mataas ang tingin mo sa kanila. Please... don't let them hurt you, anak."

Mas lalo akong naiyak.

"Mmm? Michelle?"

I nodded and hugged Daddy even more. Tama siya sa lahat ng sinabi niya. Tama siya na hindi dapat ako nasasaktan na sinisisi nila ako dahil alam kong wala naman akong kasalanan. It's not my fault so why should I be affected?

Naiintindihan ko na nasasaktan sila kaya nila ako sinisisi. Pero hindi naman pwedeng hanggat sinisisi nila ako magpapa apekto nalang ako lagi. Paano kung habang buhay nila akong hindi mapatawad? Habang buhay na sisihin? Habang buhay din ba akong magdudusa? Magpapa apekto? Masasaktan?

Tama si Daddy. Hindi dapat ako ganito. Iintindihin ko sila pero iintindihin ko rin ang sarili ko.

"Thank you, Dad. Thank you so much..." sabi ko nang huminahon na.

Hinaplos niya ang pisngi ko at malamyos na ngumiti.

"Walang anuman, anak. Just always remember what I told you. Don't let them hurt you."

Tumango ako at ngumiti. Para akong nabunutan ng malaking tinik sa puso dahil sa pag uusap namin na iyon ni Daddy. And I'm very thankful. Thankful dahil kahit papaano, naalisan ng mabigat na pasanin ang puso ko.

Every Beat of Heart (Agravante Series #2)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें