Chapter 42

8 9 0
                                    

IMY*

Sobrang saya ko kahapon. Hindi dahil sa natapos ang final project ko bilang second year college student kundi dahil sa pamamasyal namin ni Reid. It was our 1st anniversary being in a relationship kasabay ng birthday niya. He's 22 now and I'm 21. Ang akala ko ay hindi kami abot sa puntong yun kahapon.

Marami ang hindi namin napagkakasunduan pero palagi siyang gumagawa ng paraan para magkasundo kami. Ganun din ako, I can't afford of losing him. Hindi ko alam kung bakit ganito na ang pananaw ko sa buhay pero pakiramdam ko ay kalahati na ng pagkatao ko ay kontrolado niya. Para ba akong mamamatay kapag yung kalahating yun ay mawala sa sarili ko.

"Hindi ka pa pupunta sa AV Hall?" Tanong sakin ni Ryuji. Liningon ko ang room. Mayroon pa naman ako ditong ibang classmate.

"Mamaya na. Mauna ka na" sabi ko sa kanya. Tumango naman ito saka lumabas. Damn! This fucking turtle-like internet connection making me mad of something. Actually nakiconnect lang naman ako kaya hindi dapat ako magreklamo. Pero nakakainis paubos na ng paubos ang estudyante dito hanggang ngayon ay hindi ko pa din nasesend ang email ko kay Prof. Berdin na location lay out ko.

Habang hinihintay ko masend yun ay nadako ang mata ko sa isang inbox. Bihira ko lamang itong email account ko buksan kaya hindi ko man lamang napansin na may nag email pala sakin.

Napataas ang kilay ko nung makita ko ang email ad nito. CSMoriliano? Moriliano? Kanino ito galing?

Kailangan ko ng tulong mo. Can you help me? I'll explain it to you. Magkita tayo. If you want to help just reply. I'm sorry ikaw lang talaga ang alam ko na makakatulong.

'Please don't mention it to Reid'

Naistatwa ako sa kinauupuan ko ng marealize ko na iyong CSMoriliano ay paniguradong ang pinsan ni Reid na babae. Coline Samantha Moriliano. Hindi ako pwedeng magkamali.

Napakamot ako. Ako lang ang makakatulong? Saan? Bakit niya ako siya sakin nag message. Paniguradong yung dating nawrong send na aaminin ko hindi mawala wala sa isipan ko ay paniguradong galing sa kanya. May problema ba siya? Pero bakit sakin? As I've remembered hindi maganda ang una naming pagkikita. Ramdam ko yun.

Napatingin ako sa kakasend lang na email ko kay Prof. Berdin. Imbes na tumayo na para ligpitin ang gamit ko at makapunta na sa AV Hall ay parang tinamad ako. Hindi ko alam ang irereply ko sa kanya. Anong klaseng tulong? At para saan? Hindi ko alam ang iaakto ko.

"Tapos ka na?" Nabigla ako sa nagsalita sa likuran ko. I know it was him. Agad kong tiniklop ang laptop na nasa harap ko. Goodness! Don't mention it to Reid. Wala naman atang masama kung ililihim ko sa kanya na nagmesaage ang pinsan niya.

"Ahh...oo..tapos n---" naputol ang sasabihin ko. "Bakit ka pala andito. Diba pupunta rin kayo sa AV hall? Sinabi ba sayo ni Ryuji na andito pa ako?" I asked him kasabay ng pagsikop ng mga gamit ko. I set aside the email of his cousin. Siguro mamaya ko na yun iisipin.

"Hmm. Akala ko matatagalan ka pa sa ginagawa mo" sabi niya saka kinuha yung iba kong book at yung ilang piraso ng scratch paper sa sinulatan ko ng tungkol sa business plan namin.

"Ayos lang sayo kahit hindi mo maumpisahan ang unang sasabihin ng guest?" I asked him. Mayroon kasing event ngayon sa AV hall.

Malaki ang AV hall ng campus kaya lahat ng department ay pinagkasya. Hindi naman lahat ng estudyante ay makakasama dun sa parang meeting. May 10 representative lamang na pwedeng mag attend sa kada section/course bawat year level. Kasama ako dun sa amin. Mas lalong si Reid. Imposibleng hindi siya kasama dun.

"Ayos lang hindi naman mag uumpisa yun kung wala ako" sabi niya. Napatawa ako dahil dun. What the hell!

"Kailan ka pa humangin?"

Herein My Heart (Voyage Of Us Series #1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt