He nodded and we sat in the middle. Hindi pa nagsisimula ang movie at pumapasok palang ang ibang manonood. The light is still on.

"Ayos lang ba rito?" tanong ko kay Lee pagkatapos ilagay ang inumin namin sa lalagyan roon.

"I'm fine if you're comfortable here," he said.

I smiled at what he said. Suddenly I became curious about something.

"First time mo bang manonood rito?" tanong ko.

Tumingin siya sa akin. "Mmm, no. My friends and I used to go out a lot at nagkaka yayaan sa mga ganito."

Oh. Tumango tango ako. Kung ganon may babaeng kaibigan siya? Hindi naman kasi dito magbo-bonding ang mga lalaking magkakaibigan! Imposibe iyon.

"Ikaw? Is this your first time?" he asked.

Sandali akong natigilan sa tanong niya nang naalala si Seb. Hindi ito ang unang pagkakataon na nakanood ako sa sine. I still remember the first time Seb and I watched a movie . He was with me in all the first things I experienced. At siya rin ang una kong kasama na manood ng ganito.

Bigla ay nakaramdam ako ng pait.

"Uh, no..." pilit akong ngumiti kay Lee. "My first time watching a movie was with... Seb," tumingin ako sa kanya.

Bumagal ang pagnguya niya sa popcorn na sinubo. Pero kalaunan tumango at nag iwas ng tingin sa akin. Siguro gaya ko, nakaramdam rin ng pait nang naalala si Seb.

I can't help but be amazed by how everything is going right now. Si Seb na mahal ko, si Seb na kasama ko sa lahat ng bagay, namatay sa isang aksidente, pero heto at nakikita ko sa harapan ko, nakikita ko ang mukha niya. Pero sa ibang tao.

I enjoyed the movie. Nagyaya akong bumili ng kaunting gamit na kailangan ko at hindi naman siya tumanggi. Sumunod lamang siya sa akin sa bilihan ng mga school suplies. I need a small notebook. The one with the design and stickers inside. Mahilig akong magsulat roon ng kung ano ano kapag walang ginagawa. Naubos na ang ganon ko kaya gusto kong bumili ulit.

"Ikaw wala kang gustong bilhin?" I asked Lee who's just quietly following me as I look for a nice notebook.

"Wala akong gustong bilhin. I'll just wait for you," anya.

Oh. Tumango ako at nagpatuloy sa pagtingin tingin. Hindi ko nga lang mapigilang sumulyap sa kanya palagi. Naniningin rin siya roon at binubuklat ang notebook pero binabalik niya rin naman agad. Pansin ko tahimik siya kanina pa.

"Do you come here often?" si Lee maya maya kaya agad akong napatingin sa kanya.

Akala ko iyon lang ang tanong niya. Kaya nang sasagot na sana ako ay natigil nang dagdagan niya.

"With Seb?"

Nagulat ako. Hindi agad ako nakasagot. Nagulat ako na parang ang dali lang para sa kanya na banggitin ang pangalan ngayon ni Seb. I suddenly feel uncomfortable. I'm just not sure if it's because of Seb... or some other reason. Tumingin ako sa kanya.

"Don't answer it if you're not comfortable talking about him. I'm sorry..." bawi agad ni Lee.

Napakurap kurap ako.

"Let's just go back on choosing a nice notebook. What design do you like?"

Hindi ko alam kung bakit niya tinanong ang bagay na iyon pero hindi talaga ako mapakali. Mas lalong pait ang naramdaman ko. Hindi ko tuloy mapigilang pagmasdan si Lee kahit pa tapos na kami sa pagbili at kakain na ngayon ng lunch.

Sa isang seafood restaurant kami kumain.

"Do you like crabs?" tanong ni Lee.

Naghihimay siya ng crabs. Naghihintay lang ako dahil hindi ako marunong noon.

Every Beat of Heart (Agravante Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon