Sabay sabay kaming kumain nang dumating si Uno at halos mamula ako sa sobrang pagpuri nila sa luto ko. Hindi naman ganoon kasosyal iyon at sigurado akong madami na silang natikman na mas masarap pa doon pero nakakataba ng puso.

Nagkwentuhan lang kami saglit at nagpaalam na din kaagad sila na mauuna na, maliban kay Uno. Nang makaalis sila ay saka lang ako nakahinga ng maluwag. Nastress ako sa ingay nilang tatlo, habang nakikipag talo kay Uno.

"Those three, mabuti na lamang at hindi sila kumpleto"

"Ha?"

"They are actually four. Remember Rain? Iyong nameet natin sa simbahan."

"Oo naalala ko. Iyong ex crush mo?" agad siyang napasimagot sa sinabi ko.

"Baby hindi ko nga siya naging crush. I swear." para nanaman siyang bata na nagpapaliwanag kahit hindi naman na kailangan.

"Biro lang"

"Corny mo naman mag joke"

Nagkwentuhan at nagbiruan lang kami doon hanggang mag alas singko na, inintay muna namin makauwi si papa bago tumungo sa kanila. Syempre bitbit ang Caldereta.

Hindi katulad noong una ay mas kalmado ako ngayon. Nakwento kasi sa akin kanina ni Maui na kasama siya sa dinner, ibig sabihin ay may makakausap ako maliban kay Uno.

"We're here" ipinagbukas niya ako ng pinto at nag alok pa ng kamay. Inabot ko ang kamay niya bilang alalay pero hindi na niya binitawan iyon hanggang sa makapasok kami sa loob.

"Omyy! You're here na" agad sinaway ng Mommy niya si Maui dahil sa pagsigaw nito, natukoy kong iyon ang Mommy niya dahil kamukhang kamukha niya ito.

May limang taong nakaupo doon ang hindi pamilyar sa akin kasama na ang Mommy at Daddy ni Maui. Mukhang kaedad lang ni Uno iyong isa siguro ay pinsan nila, maiksi ang kaniyang kulay itim na buhok. Mukha siyang manika kung tititigan. At iyong dalawa naman ay magulang niya siguro.

"Have you bring Caldereta with you?" bakas ang galak sa mukha ng Daddy ni Uno.

"Yes po Sir"

"Come on! I told you to call me Tito. The moment I tasted your Caldereta, I knew you're the one" humalakhak pa siya bago iutos sa katulong na kunin ang dala ko.

"Dad stop!" nakasimangot siyang lumapit sa Mommy at Daddy niya upang yakapin ito. Binati niya rin ang mga Tito at tita niya bago ito humarap sa akin. "Ah. This is Meisha, my girlfriend"

"Good evening po" yumuko ako bilang pagbati sa kanila. Ngiti at tango lang ang naisagot nila sa akin.

"I think the foods are ready. Shall we?" iginaya kami ng Mommy ni Uno sa dinning area.

Katulad noon ay madaming pagkain ang nakahain pero mas binigyan nila ng pansin ang Caldereta na dala ko.

"Did you cook this?" tanong ng Mommy ni Maui habang may banayad na ngiti sa mukha niya.

"Ah. Opo, iyan po ang specialty ko noon pa man"

"It's good huh!" tumango tango pa siya habang ngumunguya.

"Of course! Natikman ko na ito kanina pero hindi pa rin nakakasawa. I so love it!" eksaheradang sabat ni Maui.

"Kanina? What do you mean?" singit ng Daddy niya na agad namang nagpatigalgal sa kaniya.

"A-ah. I-i just uhm. I jus-"

"I asked her to come with me kanina Tito, she was with me." singit ni Uno ng mapansing hindi alam ni Maui ang sasabihin niya.

Napansin ko naman ang pag ismid noong pinsan nila na kanina pa tahimik.

"Saving each other's asses until now huh?" sa wakas ay nagsalita siya, pero mukhang hindi maganda ang tabas ng bibig niya dahil umasim ang mukha ng dalawa.

"Astrid!" mukhang iyong Daddy niya iyon.

"What? Im just telling the truth. Kahit noon pa man ay nagkakampihan na sila kahit mali na." napalunok ako ng lumipat ang tingin niya sa akin. "I wonder if Sir Lolo knew about this girl right here. Ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag sinabi ko." nanliliit pa ang mga mata niya habang nakangisi.

"Sipsip talaga" rinig kong bulong ni Maui

"You won't tell him Astrid!" naging seryoso ang boses ni Uno, akmang tatayo na siya pero hinawakan ko ang kamay niya.

"Why not?" mataray pang sagot ni Astrid.

"Because I said so Astrid. Baka nakakalimutan mo, I am the favorite" mas mahinahon na siya ngayon, mukhang nainis si Astrid sa sinabi ni Uno, pero bago pa siya makapag salita muli ay isang tinig ang nagpatigil sa kanilang lahat.

"Will you stop? If not you better leave" maautoridad ang boses ni Tita Cruzete, ang Mommy ni Uno kaya wala silang nagawa kundi tumigil at ituloy ang pagkain.

Kahit hindi sabihin ay naiintindihan ko ang nangyayari, hindi maganda ang relasyon ni Uno at ng pinsan niya. Hindi ko alam kung bakit pero isa Lang ang alam ko, nasasaktan ako sa hindi maipaliwanag na dahilan. Dahil ba hindi ako matatanggap ng Lolo niya o dahil may posibilidad na sundin ni Uno ito kapag sinabing iwanan ako.

~💙

Under A Rest | ☁️Where stories live. Discover now