MGA BATANG LANSANGAN

47 4 0
                                    

Song Title: Menor de Edad
Singer: Tracy

-----
Na-inspired akong isulat ang kwentong ito ng marinig ko ang awiting “Menor De Edad” ni Tracy. Tama siya... ang daming batang naliligaw ng landas, minsan ay dahil na rin sa kapabayaan nang kanilang sariling mga magulang. Sabi nga, ang kabataan ang pag-asa ng bayan, subalit paano ‘yon mangyayari kung walang gagabay sa kanila upang ituro ang tamang daan na kanilang dapat tahakin?

-----
“’Nay, papasok na po ako.” Paalam ko sa aking Ina.

Sumimangot siya.

“Papasok ka pa? Nakita mo namang may sakit ‘yang mga kapatid mo?” Pagalit n’yang tanong sa akin. “Inuuna mo pa ‘yang paglalandi mo. Eh, alam ko namang gusto mo lang tumakas sa mga gawain dito sa bahay kaya idinadahilan mo ‘yang pag-aaral mo!”

“Inay, naman!” Turan kong naluluha na. “Bakit ba ayaw n’yong buksan ‘yang isip ninyo na ito ang puwedeng maging susi para makaahon tayo sa kahirapan?”

“Kalokohan!” Sigaw niya. Napakagat-labi ako kasabay ng pagdaloy ng luha sa aking magkabilang pisngi. Simula pa noo’y hindi ko na naramdaman ang pagmamahal ni Inay. Ako ang panganay sa aming sampung magkakapatid. Wala na kaming ama. Maaga itong namatay dahil sa isang malubhang sakit. “Mahirap kang ipinanganak kaya kailanma’y hindi ka aangat sa buhay!” Sigaw niya habang dinuduro niya ang aking noo. Napaatras ako. “Kaya tigilan mo na ‘yang pag-aaral na ‘yan dahil wala ka lang mapapala riyan. Malamang na puro kalandian lamang ang matutunan mo riyan.”

Hindi ko inalintana ang galit ni Inay. Pinili ko pa rin ang pumasok sa eskuwela nang malingat siya.

“Claire, intindihin mo na lang ang nanay mo.” Sabi ng aking guro habang hinahagod niya ang aking likod. Siya ang naging sumbungan ko kapag masama ang aking loob sa aking Inay. Mabuti pa siya at naiintindihan ako. “Dala lang iyon ng pagod kaya kung anu-ano ang nasasabi niya sa’yo, pero sigurado akong mahal ka niya.”

Hapon na nang makauwi ako sa bahay. Agad akong sinalubong ni Inay ng isang malakas na sampal. Hindi pa siya nasiyahan dahil sinabunutan niya pa ako.

“Ang tigas talaga ng ulo mo!” Sigaw niya sa akin. Panay ang daloy ng luha sa magkabila kong pisngi. “Wala ka nang ginawang tama!”

“Bakit Inay? Ikaw ba, sa tingin mo ba’y tama ang ginagawa mong pananakit sa akin gayong wala ka namang dahilan para saktan ako? Nag-aaral akong mabuti at alam ng mga guro at kaklase ko iyon. Alam mong ako ang nangunguna sa klase pero ayaw mong magtiwala sa kakayahan ko.”

Lumipas pa ang maraming araw. Hindi na ako nakatiis sa hindi magandang pakikitungo sa akin ni Inay. Hindi ko alam kung bakit gano’n siya sa akin. Kung bakit hindi ko maramdaman ni minsan ang kanyang pagmamahal. Kung bakit hindi ko maranasan ang pag-aalaga niya sa akin bilang aking ina. Lumayas ako sa bahay. Sumama ako sa mga barkada kong nabubuhay lamang sa kalye.

“Claire, oh.” Iniabot sa akin ni Leo ang isang stick ng sigarilyo. Yosi. Pampatanggal ng lamig.”

Tinanggap ko iyon. Sa una’y naubo pa ako at hindi ko gusto ang amoy nito, pero hindi kalauna’y nakasanayan ko na rin. Natuto rin akong uminom ng alak. Natuto rin akong humithit ng Marijuana at iba pang bagay na hindi tama.

“Claire, itakbo mo na!” Sigaw ni Mikay ng ihagis niya sa akin ang pitaka ng isang babaeng dinukutan niya. Hindi ko malaman kung anong gagawin ko ng mga sandaling iyon. Nagtatalo ang isip ko, pero kailangan naming mabuhay. Kailangan namin ng pera. Mabilis akong tumakbo palayo sa mga pulis na humahabol sa akin. Sumiksik ako sa isang masikip na eskinita kung saan do’n naghihintay ang iba ko pang barkada.

“Very good, Claire.” Nakangising sabi ni Leo habang binibilang niya ang perang laman ng pitaka. “Ang galing mo nang tumakas sa mga humahabol sa’yo ngayon ah. Mukhang nasasanay ka na.”

Akala ko’y pang-habambuhay na ‘yong mararanasan kong kaligayan sa piling ng aking mga kaibigan sa kalye. Akala ko’y hindi na matatapos ang araw na kahit papaano’y may nakaka-appreciate sa akin.

“Hi Ineng...” Napahinto ako sa paglakad ng may humarang sa aking daraanang tatlong lalaki. Pasado alas diyes na iyon ng gabi. Plano ko sanang umuwi noon sa bahay para bigyan ng pera ang aking mga kapatid. “Gusto mo bang makipaglaro muna sa amin?” Kinutuban ako kaya akmang tatakbo ako pabalik, subalit may dalawa pa palang lalaki na nag-aabang na sa aking likuran.

“Huwag po!” Sigaw ko ng bigla akong sunggaban ng isang lalaki. Mabilis nitong pinunit ang aking damit pang-itaas. “Huwag!” Muli kong sigaw ng isunod naman niyang sirain ang aking pang-ibabang kasuotan hanggang sa tumambad na sa kanilang paningin ang aking hubad na katawan. Ang aking murang katawan na tangi kong pinaka-iingatan.

Isang malakas na suntok sa aking sikmura ang aking natamo bago nila ako inihiga sa maruming kalye. Napaluha ako sa labis na sakit. Halos magmakaawa ako sa kanilang lima, subalit sadyang mga bingi sila at walang mga puso. Pinagpasa-pasahan nila ako. Pinaglaruan nila ang aking katawan. Hindi nila ako tinantanan hanggat hindi ako nagmistulang lantang gulay sa pagod, hirap at sakit.

Mula sa pagkakahiga’y pumihit ako padapa habang pilit kong inaabot ang aking punit ng damit na ilang dipa ang layo mula sa akin. Hirap na hirap akong bumangon ng mga sandaling iyon. Sobrang sakit ng aking katawan. Lahat yata ng maseselang parte ng aking katawan ay kumikirot. Napahagulhol ako. Tumingin ako sa kalangitan. Malamlam na liwanag ng buwan ang aking nakikita... sana’y sumikat na ang araw upang sa pagdating ng umaga’y matagpuan ako ng mga taong posibleng makapagligtas pa sa aking buhay.

♫♫ Mga batang nalilito
Kung saan ang tamang daan
Doon ba o dito?
Darating... pa ba ang umaga
Sa Menor de edad
Na isang... biktima? ♫♫

-----
The END.

-----
A/N: Year 2014 nang isulat ko ang k'wentong ito.

YOUR SONGOù les histoires vivent. Découvrez maintenant