02

10 3 28
                                    





Premonition

“Love?” Nabalik ako sa ulirat ng marinig ang tawag ng aking sinisinta, nakangiti itong lumipat sa'kin at hinagkan ako ng yakap.

“Anong nangyari?” Tanong niya, matapos suriin ang kabuuan ng aking mukha na kitang-kita ang pawis sa bandang noo, hindi mapigil sa pagtulo na patuloy sa pagpatak sa lupa ng walang nililikhang ingay.

“H-ha? A-ayos lang.” Kandautal na tugon ko, mas lalong hindi siya naniwala.

“Sige na, bukas na ang araw ng mga puso. May date pa tayo.” Ngumiti pa ito sa'kin, pinilit ko namang ngumiti. Kitang-kita ko ang mata niya na tila nagtatanong pero pinilit niyang hindi na ako tanungin, hindi talaga nagsisinulang ang mata.

“Ah, oo nga. Excited na ako.” Ngiti ko pa, sabay suntok sa hangin na sinasabing nagagalak ako sa mangyayari kinabukasan ngunit hindi mawala ang nangyari kanina.

Nababagabag ako, bakit 'yun nangyari? May rason ba iyon upang iyon ay aking makita?

Hindi ako nakatulog kinagabihan, nanatiling mulat ang aking mga mata na tila nagpapahiwatig na hindi ko dapat palagpasin ang pwedeng mangyari at dapat may gawin ako, para hindi 'yun mangyari.

Alas kwarto pa ng umaga ay nagsimula na akong maglakbay patungo sa kung saan—hindi ko alam saan ako patungo. Sinuyod ko ng tingin ang nilalakbay na daan, na tila na kalawakan ako ng karimlan na may isang talang nagbibigay liwanag rito—ang isang lamppost.

“Tu...long.” Naririnig ko na naman ang boses na iyon, bakit pamilyar tila ay pamilyar ito sa'kin?

Agad kong tinunton ang boses, ngunit napagtanto ko na imposibleng magkaroon ng ingay rito sa tahimik na parte na ito. Baka guni-guni ko lamang iyon, nagsimula na naman akong maglakad ng bigla ko na namang iyong marinig.

“Yahana..” Kinalibutan ako sa narinig, bakit tinatawag niya ang pangalan. Bakit, alam niya ang aking pangalan?

Napalingon ako sa paligid, ngunit wala ka talagang maririnig na ingay. Natataranta akong napatakbo ngunit bigla akong nahinto, nang may biglaan akong nakita. Hindi nakita sa paligid, ngunit tila nakita ko ito sa aking isipan.

Isang lalaki, isang lalaking nalulunod. Nagmamadali akong napapatakbo sa isang resort na posibleng may malunod doon, baka nakita ko ang premonition ko na 'yun dahil malapit ako sa biktima.

Pero nang makapunta ako sa entrada ng resort, closed. Bigo ako akong tumalikod doon, nang makarating na naman ng mga resort halos lahat closed ang mga resorts sa lugar namin.

Araw ng mga puso ngayon hindi ba? Bakit closed 'yun lahat?

Pero, bakit? Bakit, tila isang pool 'yun o tubig na hindi ko maintindihan. Napailing nalang ako, nakakakita nga ba ako ng mga posibleng mangyari? Totoo nga ba ang mga premonitions ko?

Oo, nakakakita ako ng mga pangyayaring hindi kaaya-aya na nagkakatotoo naman batay sa mga balita. Pinilit kong maging tahimik, dahil alam kong maraming kagaya ko na may ganitong kakayahan na binabalewala lang at pinapahiya.

Minsan, 'pag natutulog ako. Nakakakita ako ng mga pangyayari, o napapatitig ako sa kanilang mga mata. Minsan, umaabot pa nga ito hanggang sa kanilang pagkamatay kaya't umiiwas ako sa mga titig ng mga tao. Ayaw kong makita ang kanilang mga kamatayan.

Bumalik nalang ako sa bahay, nakita kong maraming dekorasyon sa bahay at lumabas sa kusina si Lokus. May dalang bouquet ng bulaklak, nakangiting lumapit sa'kin at ako naman hindi makapaniwala. Alam kong mag dadate pero, ang effort niya.

Iginiya niya ako sa isang lamesang pandalawahan at umupo. Umupo naman siya sa tapat ko, meron na ring mga pagkain na nakadahan.

“So, shall we eat?” Nakangiting tanong niya sa'kin, tumango naman ako. Na siyang dahilan para magsimula na kaming kumain.

“Nagustuhan mo ba?” Ngumiti ako sa kanya at tumango. “Sobra.” Nakangiting tugon ko sa kanyang tanong.

“Pasensya na ha, pero ito lang ang kaya k—,” hindi niya naituloy ang sasabihin niya dahil sumabat ako.

“Sapat na sa'kin na magkasama tayo, nagmamahalan. Hindi ako nagbabatay sa mga efforts basta nagmamahalan naman tayo ayos na sa'kin 'yun.” Na siyang dahilan upang ngumiti siya na halos mapunit ang mukha at kinurot ako sa pisngi.

“Naks naman, ako naman ata ang kinik—,” Bigla kaming napatayo ng bigla naming naramdaman ang pag-uga nang lupa, biglaan din ang pagkabasag ng mga gamit na nasa kusina. Tumakbo kami papalabas ngunit hindi kami maayo na makatakbo dahil sadyang ang lakas ng lindol, kitang-kita ko oa ang pagkatumba ng mga trycicle sa labas pati mga motorsiklo.

Hinanap ko si Lokus, lumabas naman na walang sugat sa katawan at kagyat akong hinagkan ng yakap at hinalikas sa noo.

Nagulat nalang kami nang muling magsigawan ang mga tao, huminto na ang pag-uga ng lupa ngunit bakit sila nagsigawan?

Naramdaman ko na lang na basa na ang aking mga paa at napatingin ako roon, nanlaki ang aking mga mata at napatingin kay Lokus na nakatingin din sa'kin at walang pag-aalinlangang hinila ako patungo sa kung saan.

May lumalabas na tubig sa Creek, parang galing sa dagat. Teka dagat? Tsunami!

Natataranta akong sumabay ng takbo ni Lokus ngunit may matandang hirap sa paglabas sa bahay dahil na trap siya rito, tutulungan ko sana siya pagtulong sa matanda ngunit sinabi niyang manatili raw ako sa kinatatayuan ko.

Bumilis ang pagtibok ng puso ko—kinakabahan. Napatingin ako sa may kalayuan sa kinaroroonan namin, paparating na ang dagat ngunit hindi pa rin makalabas ang matanda.

“Lokus! Malapit na!” Sigaw ko at napaiyak, bakit 'to nangyayari?

“Malapit na!” Sigaw niya naman at nakalabas na rin ang matanda, tinulungan ko naman ang matanda sa pagtakbo patungo sa mataas na parte ngunit napagtanto ko na wala si Lokus. Napalingon ako sa ibabang parte, nanlambot ang mga tuhod ko.

Wala nang makitang bahay, tatakbo na sana ako nang pigilan ako ng matanda.

“Dito ka lang, Hija.” Ngunit nagmatigas ako at nakawala sa kanya at nilusong ang dagat na patuloy pa rin pagtaas, ngunit ang agos ng dagat ay sadyang malakas kaya hindi ko siya matunton.

May mga bangkay na nakalutang, mga gamit at kung anu-ano na lang ang nakikita ko. Kahit na nandidiri na ay desidido pa rin ako sa paghahanap kay Lokus ng makita ko siyang iwinawagayway ang kanyang kamay at nakikita rin ang ulo na tila nakapatong siya ay agad akong pumunta roon. Pero napipigilan ako ng agos ng dagat, malakas ang agos kung kaya't naanod ako papalayo sa kanyang kinaroroonan at hindi na kinakaya ng lakas ko.

Sumisid ako nagbabasakaling makapunta ako kay Lokus at nagawa ko naman ngunit pag-ahon ko ay naanod na rin siya at sinusubukang lumangoy ngunit lulumulubig siya kagaya ko. Patuloy ako sa paglangoy at sumisid nang makita ang kamay niya sa ilalim ng tubig ay agad ko iyong hinawakan, hindi gaanong makita ang ilalim ng tubig.

“Tu..long.” Narinig ko iyon mula sa kanya, ngunit hindi gaanong marinig dahil nga nasa tubig kami.

“Yahana..” Nakangiti itong napatingin sa'kin, hinang-hina ang mukha kagaya ko.

Ibinuka niya ang kanyang bibig na tila may ibinigkas, at tuluyan nang bumitaw sa'kin at inanod ng agos ng tubig. Do'n ko na naramdaman na ang lakas ng agos ng dagat.

Do'n ko na rin napagtanto lahat, siya ang lalaking nakita ko sa premonition ko. Ito pala ang mangyayari. Ngunit bakit pati ako, mamatay?

Ngumiti ako sa huling sandali, inalala ang ibinigkas niya, ibinigkay niya ang katagang..

“Mahal Kita.”

“Love?” Nabalik ako sa ulirat ng marinig ang tawag ng aking sinisinta, nakangiti itong lumipat sa'kin at hinagkan ako ng yakap.

“Anong nangyari?” Premonition ko na naman, ngunit paniniwalaan ko ba ito o hayaan na lang? Baka naman hindi ito totoo?

Wakas.

Graze of CothurnusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon