nineteen** glimpse of her past

2.7K 79 2
                                    

(Third Person POV)

"There is something wrong about your pregnancy." Min ah said to her daughter Winter.

"What are you talking about Umma. I pretty sure that I'm fine." Sagot ni Winter but her mother shook her head.

"Sweetie I'm not so sure about this matter pero the only thing that I'm sure is Autumn's Heal is still in your body it's not poisonous since your body is immune to it. Pero I'm afraid that the kids will inherit it in the future." Kinakabahang sabi ni Min ah.

After hearing those words Winter's body trembled. She's scared sa maaaring mangyari sa magiging anak nila ni Raikoo. Raikoo noticed it and held Winter's hand tight.

"Jagi don't worry everything will be fine." He assured and gave a peck on his wife's lips.

--

After five years naging maayos naman ang buhay nila. Maayos ang kalusugan ng kambal at pareho silang masigla. Sa loob ng limang taon hindi mawala ang takot sa puso ni Winter dahil na din sa maaaring isa sa kambal ang naka mana ng Autumn's heal sa katawan niya. Isinawalang bahala na lang nila ang takot at gaya ng nakaugalian ipinasok niya ang kambal sa Clan para na din sa training ng mga ito.

Naging maayos ang mga araw ng training ng kambal. Nakasama din nila doon ang mga anak ng dating shadow at nabuo ang pagkakaibigan nila gaya ng pagkakaibigan ng mga magulang nila. Sila Tracey, Travis, Nami, Maki, Kypphire, Khyest, Rhelmd, Shenji, Claien, Rence, Trina, Rui, Mir, Lyndon at Cleo. Naging sanggang dikit silang lahat sa pag sasanay, hanggang sa isang pangyayari ang nagpabago sa lahat.

Umalis ng Clan sila Kypphire, Kheyst, Rhelmd, Trina at Shenji dahil na din natapos na nila ang level of excellence. Pero sa mismong araw na nawala sila unti unting may napapansin silang kakaiba kay Tracey. Tuwing nagkukuwentuhan sila ay may mga ilang bagay itong hindi maalala at madaling makalimutan. Isinantabi na lang nila yun dahil normal lang sa isang bata yun pero habang tumatagal palala na ng palala ang mga bagay na nakakalimutan nito. Umabot ito sa puntong hindi na niya matandaan ang mga umalis na kaibigan sa Clan.

Sinubukan siyang suriin ni Winter pero wala namang mali na makita sa kanya. Doon na sila kinabahan. Naisip nila na ito na marahil ang epekto ng Autumn's heal. Sinubukan nilang gawan ng paraan pero hindi umeepekto kay Tracey ang gamot na ininom noon ni Winter. Umabot din ng ilang taon ang paggagamot kay Tracey pero wala pa ding nangyayari. Unti unti nakakalimutan niya ang mga taong hindi niya nakikita.

Dumating ang araw na tapos na sila sa pagsasanay sa Clan. Ito ang araw na pinakaayaw nilang dumating. Dahil natatakot ang mga kaibigan niya na kapag sumabak sila sa misyon at lumayo ay makalimutan din sila ni Tracey. Naging maayos ang buong araw at nagkaroon sila ng salo salo. Ito na din ang araw na hinihintay ng isang taong malapit sa kanya para magtapat ng nararamdaman niya kay Tracey.

Bago matapos ang salo salo nila naglakas loob siya na sabihin kay Tracey ang nararamdaman niya at hindi naman siya nabigo. Pareho sila ng nararamdaman ni Tracey sa isa't isa kaya naman simula noong araw na yun ay naging official silang magkasintahan. Labis ang tuwa ng mga kasamahan nila maging si Tracey. Tanggap naman ng magulang nilang dalawa ang relasyon ng mga anak pero may isang taong kinakabahan tungkol dito. Walang iba kundi si Tracey.

Kahit hindi sabihin sa kanya ng mga taong nakapaligid sa kanya, alam niyang may kakaiba sa kanya. Kahit na dinadaan sa biro ng mga kasama ang tungkol sa mga bagay na nakakalimutan niya. Alam niyang hindi ito normal.

Lumipas ang mga araw at naging maayos ulit ang lahat. Pinadala si Travis sa Pilipinas para doon na nito ipagpatuloy ang pag aaral at pinaiwan si Tracey dahil na din kailangan pang masuri ang maselang kondisyon nito. Sinabi na lang kay Tracey na ganoong ang nakagawian ng pamilya gaya ng nangyari sa Umma niya kaya wala na siyang nagawa pa noong umalis si Travis.

Saktong ika-14 na kaarawan nila Tracey at Travis. Tatalong buwan matapos ang pagsasanay nila sa Clan. Naganap ang isang pangyayari na hindi inaasahan ng lahat. Habang sinasayaw si Tracy ng kasintahan ay bigla na lang siyang nahilo at pagkatapos noon ay nawalan siya ng malay. Nag alala sa kanya ang lahat kaya naman agad siyang dinala sa loob ng mini Clinic ng pamilya sa loob ng bahay nila para masuri pero bago pa man siya mapasailalim sa pagsusuri bigla siyang nagising na tila wala sa sarili.

Hindi na niya matandaan kung nasaan siya. Hindi na niya makilala ang kahit na sino kahit pa ang pamilya niya. At higit sa lahat maging ang sarili niya ay hindi na niya kilala. Tinurukan na lang siya ng pampatulog para makalma siya at para na din masuri kung anong sakit ang dumapo sa kanya.

Sinuri nila ang ulo niya kung may tama ba ito. Marahil ay tumama ito noong nahimatay siya pero wala silang kahit anong pinsala na nakita. Imposibleng magkaroon ng amnesia si Tracey dahil maayos ang ulo nito. Dito na lalong kinabahan si Winter. Together with Thunder they tried to figure out the appropriate medicine for Tracey's condition but no matter how they tried, they can't create a usefull medicine for her.

Kinabukasan nagising si Tracey pero ganun pa din. Tila ba lahat ng alaala niya ay nawala na parang bula. Sinubukan nilang ipaalala dito kung sino siya. Tuwang tuwa pa sila nung nagawa nitong maalala na siya si Tracey pero parang gumuho ang mundo nila dahil makalipas ang ilang minuto nakalimutan ulit nito ang mga sinabi nila.

That's their daily routine. Ipapaalala kay Tracey ang nakaraan nito pero makakalimutan din nito agad. Palit palit sila sa pagkukwento ng buhay nito pero kahit na sinong magpaalala dito ay wala ding magawa kapag nagwala na ito kapag walang maalala.

Not until the day Rhon said something to Winter. He suggest something that can help on Tracey's case. And that is to implant a microchip inside Tracey's brain that can help her remember some informations and happening in a span of time. Depends on how Tracey value that happening. Rhelmd, Rhon's daughter did the program for the chip and gathered all the necessary informations needed for Tracey's memory. But the microchip can only handle small amount of informations. Once the microchip overflowed with informations it may result to some malfunction and worst Tracey's memories will be gone again.

Dahil na din sa madaming tao ang nakapalibot sa buhay ni Tracey nahirapan si Rhelmd sa pagkuha ng mga necessary informations. Madaming nagparaya at nagdesisyon na wag na lang isama ang alaala nila sa program kay Tracey. Isa doon ang lalaking nagmamahal sa kanya ng labis. Masakit man para sa kanya ito na lang ang paraan para mailigtas si Tracey sa sakit nito. Hindi na niya kaya pang makita na nahihirapan at nalilito si Tracey sa mga alaala niya. Alam niya na kung sakali man na magkrus ulit ang landas nila ni Tracey ay makakalimutan din siya nito pero kung para kay Tracey gagawin niya ang lahat.

Sila Kypphire, Rhelmd, Kheyst, Maki, Nami, Trina at Travis ang nanatili sa alaala ni Tracey sa kanyang mga kaibigan sa Clan. May mga gamot din siya na iniinom para na din mapanatili sa ayos ang function ng microchip sa utak niya. Kailangan itong ireprogram every two years dahil kusang binubura ng chip ang alaala ni Tracey at kailangan itong ibalik nila Kheyst at Rhelmd. Silang dalawa ang nagtulong para mabuo ang program. May limang gamot na kailangang inumin si Tracey. Dalawa para sa maintenance ng microchip. Dalawa para sa epekto ng Autumn's heal at ang isa ay pangpakalma ng senses niya dahil maaari siyang magwala kapag binura ng chip ang memory niya.

Naging maayos naman ang lahat. Bumalik na sa dati niyang gawain si Tracey. Pero hindi siya pinayagang sumabak sa misyon dahil na din baka doon siya sumpungin ng sakit niya. Sinabi na lang sa kanya na kailangan pa niyang magsanay ng mas matagal para mapalitan sa pwesto ang Umma niya.

Makalipas ang tatlong taon na pagsasanay nagawa na niyang mapalitan si Winter sa pagiging Poison. Pero ang una niyang misyon. Hanapin ang kapatid na nawawala sa hindi niya malamang dahilan.

__________________________________________________

ceikret

ai wo

ROTGT Book2: Assassin's First Mission: Finding my lost twinWhere stories live. Discover now