Kabanata 3.

10 5 0
                                    

Kabanata 3 : Iona's Past ( part 1 )

9 years ago...

Walang oras o araw na hindi sila nagbabangayan at nag-aaway. Halos sawang-sawa na ang magkabila kong tainga sa kakapakinig sa bawat sagutan nila. Hindi ba sila nagsasawa sa pag-aaway nilang lagi? Alam ba nila ang epekto nito sa mura kong edad?

Hindi na sila nakakatuwa pang pakinggan. Sa halip iayos nila ang pamilya namin, tuluyan pa atang mawawasak sa ginagawa nilang yan.

Kung anu-ano na lamang problema ang pinag-aawayan nila, nasa bandang huli'y nauuwi na sa sakitan. Ang malala pa minsan, nakita kong nagtutukan na sila ng baril sa isa't-isa. Alam kong hindi na tama yun, at sobrang lala na ang galit nila sa isa't-isa, kaya't pumagitna ako sa kanila noong mga panahong iyon. Sa awa ng Diyos, naawat ko naman sila dahil sa ginawa ko.

Hindi nila naituloy ang balak nilang pagpatay sa isa't-isa. Minsan naitatanong ko na lang sa sarili ko...

“Mahal pa ba nila ang isat-isa? Kahit kaunti, meron pa ba?” kasi sa nakikita at nasasaksihan sa bawat araw na nasa bahay silang dalawa. Doon ko na lang napagtanto na wala na talaga...

Hindi na nila mahal ang isat-isa. Alam ko naman, noon pa may mali na. Kahit kailan di nila pinaramdam na andyan sila para sakin at para sa pamilyang ito. Ni minsan, hindi nila ako minahal gaya ng pagmamahal ko sa kanila... sa kabila ng trato nilang ganyan sa akin.

Halos sa bawat kilos nila, halata namang napipilitan lang sila. Yung piling na hindi ka nila anak at hindi mo sila mga magulang, ganoon talaga yung pakiramdam. Wala silang pakialam sa akin. Ako lang naman ang lumalaban para sa pamilyang ito.

“Umalis kana, wag kanang babalik pa dito... Alis na!!” galit na galit na sigaw ni mama kay papa habang pinapalayas na niya ito sa bahay.

Napabuntong-hininga na lamang ako sabay sabing...

“Eto na naman po sila...” tila sanay na ako sa mga litanyang ganyan ni mama.

“Ngayon din... Aalis na ako! Sawang-sawa na ako sa bunganga mong babae ka! Bahala kayong magdusang dalawa ng anak mo... ” nagtitimping sagot ni papa sa kanya.

“Alis, layas! Sawang-sawa na din ako sayo... Mas mabuting mawala kana nang tuluyan, letse ka!” seryosong sambit ni mama habang nanlilisik na tinitingnan si papa, na ngayon ay kasalukuyan ng nag-iimpake ng mga damit niya.

Bigla akong nanlumo at napasalampak sa isang gilid habang patuloy na tumutulo ang aking mga luha. Tama na ang aking mga narinig, sapat na sa akin iyon para isiping magkakawatak-watak na kami. Na kahit kailan hindi na kami muling mabubuo pa.

“Aalis na si papa... Iiwan niya na kami... Wala na yung papa ko... Wala na akong papa...” piping sambit ko habang patuloy pa din sa pag-iyak.

Kahit naman hindi ako mahal ni papa, mahal na mahal ko naman siya pero bakit ganoon... sobrang sakit naman... Yung alam mo na ngang hindi kailan minahal ng papa mo tas iiwan ka pa niya, kayo ng mama mo. Sobrang sakit lang talaga...

“Oh! Diyos ko... Bakit naman ganto.... Bakit sa pamilya ko pa... ”

Lumipas ang mga oras, tuluyan na nga kaming iniwan ni papa. Hindi ko naman magawang sisihin si mama sa lahat ng nangyari, ang pag-alis ni papa. Bakit ko naman pati siya sisisihin? Ano bang alam ko? Hindi ko naman hawak yung mga desisyon nila? Kaya nga sabi ng iba sa mga ganitong sitwasyon... pag sobrang sakit na tigil na, pag sobrang pagod na pwede naman magpahinga muna...

Alam kong mas masakit pa ang nararamdaman ngayon ni mama kasya sa sakit na nararamdaman ko din ngayon, siya yung asawa at ako naman... anak lang ako! anak lamang nila ako...

Hindi lang ako nasasaktan ngayon. Kailangan ko din maging matatag para sa aming dalawa ni mama, sa sitwasyon namin ngayon.

Naglakas-loob akong pumunta sa kwarto nila ni papa. Alam kong nandoon pa din si mama ngayon at nagkukulong pa din Lumipas na kasi ang isang araw at hindi pa siya lumalabas doon mula pa kanina, nung umalis si papa.

“Mama! Mama!” mahina kong tawag sa kanya nung nakalapit na ako sa pintuan ng kwarto nila.

Kumatok ako nang paulit-ulit, sabay ng pagtawag ko sa kanya ngunit walang nasagot. Nakaramdam ako ng konting kaba pero binalewala ko lamang iyon at nagpatuloy lang sa pagkatakot  at pagtawag.

Pilit kong pinaniniwala ang sarili ko na nakatulog lang si mama sa loob at mahirap siyang gisingin. Sa pagkakaalam ko kasi kay mama ay mahirap na itong gisingin kapag nakatulog na ito o di kaya'y malalim na ang kanyang pagtulog.

Napabuntong-hininga na lamang ako  at di namalayang napasandal na pala ako sa pintuan. Napansin ko ang pinihitan ng pintuan na mukhang hindi naman nakalock kaya naman unti-unti ko itong binuksan.

Nilibot ko ang buong kwarto nila kasabay ng paglibot din ng mga mata ko sa kabuuan ng kwarto ngunit laking ipinagtataka ko na hindi ko siya naabutan dito. Walang tao, wala ang mama ko dito.

Maya-maya pa ay naisipan kong halug-hugin ang mga aparador na nandito at ang mga iilan na pinaglalagyan nila ng mga gamit.

Bigla na lang akong kinabahan ng todo ng wala akong nakitang ni isang laman nang mga ito, pati kay mama wala? pano nangyari yun? si papa lang nakita kong umalis diba?

Napaiyak na ako ng todo sa pagkakataong ito. Iniwan nila ako? Pano na ako? Paano ko bubuhayin ang sarili ko? Ang bata-bata ko pa para dito... Hindi ko pa kaya... Bakit ba sabay pa silang nawala? Hindi ko kaya...

Iniwan nila akong mag-isa... Iilan lang ang mga gamit na naiwan dito pero hindi pa din ito sapat para mabuhay ako... Kailangan ko sila...

Kahit di nila ako mahal ayos lang... pero wag naman ganito... tama na yung sakit na idinulot nila sakin sa hindi nila pagbibigay ng pagmamahal, ngunit yung ganto... sobra na... hindi ko kaya...

“Ang sakit-sakit... sobra... wala silang awa... Bakit nila ako ginanito?” humihikbi pa ding usal ko hanggang sa mapagod na lamang ako sa kakaiyak.

“Sana bumalik pa din kayo... maghihintay ako sa inyo” piping sambit ko at tuluyan na akong nakatulog habang yakap-yakap ang unan sa tabi ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 30, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

You Got Me, Love.Where stories live. Discover now