"Hi!" I greeted.

"Hi," he said with a small smile on his lips. "Do you have some assignments for today?"

"Wala. Ikaw?"

"Wala rin. Let's go."

"Huh? Saan?"

"I'll tour you around the school," ngumiti siya at hinila na ako palakad.

Nagulat at napangiti ako sa sinabi niya. Nagpahila ako sa kanya at parang may glue ang labi ko na hindi na matanggal ang ngiti!

"Talaga? Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ko, nakangiti pa rin.

"Hindi pa. I have time. Ikaw may gagawin ka ba?"

"Wala. Let's just tour this school around!"

He chuckled. Nilibot niya nga ako sa kung saan saan. Kung saan sila kumakain at tumatambay ng mga kaibigan niya kapag walang klase at kung saan ang auditorium. At habang naglalakad, nagkukwentuhan kami.

"Ano nga pala ang nangyari kay Janelle? I told you to just let her go," tanong ko nang naalala.

"I didn’t do anything to her,” he didn’t look at me when he said that so I don't believe it.

"Wee? Hindi mo naman na siya kailangan pang patulan kasi siguradong titigil na iyon. Pinagtanggol ko na ang sarili ko sa kanya."

"I know..."

"But you didn't do anything?" my eyes narrowed at him.

"Tss. Pinagsabihan ko lang siya."

Namilog ang mga mata ko. "Anong pinagsabihan? Anong sinabi mo sa kanya?"

"It's nothing, Mina. Let's just go back on touring--"

"Lee! Sabi ko hayaan mo na siya."

"I just told her to stop bothering you, that's all."

Ngumuso ako. "Really?"

"Yes. So now, let's go back on touring the school. Let's not talk about her."

Ngumuso ako lalo pero ngumiti nalang at nagpatuloy na nga kami.

Ayaw kong patulan niya pa si Janelle dahil ayaw ko nang lumaki pa ang gulo. Tsaka sapat na iyong ginawa ko para tumigil na siya. Siguradong titigil na siya. She likes Lee, obviously. That's why she's so mad at me. Pero ngayong pinatulan ko na, siguradong titigil na siya.

"Do you want some food?" tanong ni Lee nang nagtagal na kami sa paglilibot.

Tumango ako at ngumuso. "Nauuhaw na rin ako..."

He chuckled and nodded. We went to their cafeteria and bought some food and drinks. Siya ang nagbayad para sa akin kahit pa pinipigilan ko siya. Hinayaan ko nalang para hindi na humaba.

"Look at you..." si Lee habang naglalakad kami.

I was still drinking the juice he bought.

"Hmm?" I was confused at first but when he suddenly knelt in front of me I stopped.

He touched the laces of my shoes. It was only then that I realized that was what he was referring to. Napatingin ako sa kanya na seryosong tinatali ang sintas ko. And again, immediately, another memory entered my mind.

Tumawa siya habang sinisintas ang aking sapatos. "Hindi mo ba nakikita? Kapag ikaw nadapa pagtatawanan talaga kita."

Ngumuso ako at nagpigil ng ngiti. "Hindi ko napansin. Nakatingin kasi ako ng deretso..."

"Ano nalang ang gagawin mo kapag wala ako? Mabuti nalang tinitignan ko muna ang buong katawan mo bago ka kausapin."

"Ang manyak mo!" Humalakhak ako.

Humalakhak rin siya at tumayo dahil naayos na niya ang sintas ko. "Anong manyak? Tinitignan ko lang naman ang katawan mo. Can't I check on you?"

"Ewan ko sayo. Halika na nga..."

Palagi ring tinatali ni Seb ang sintas ng sapatos ko kapag nakikitang wala iyon sa ayos. Sinasamahan niya pa ng pang iinis kaya naiinis rin ako pero natatawa nalang kalaunan, naaalala ko pa iyon ng sobra.

Napangiti ako kay Lee nang umayos siya ng tayo at tumingin sa akin na para bang napaka pabaya kong tao. Mas lalo akong ngumiti sa kanya at humagikgik nang umiling siya at nagpatuloy sa paglalakad.

"Hey, wait for me!" natatawa kong sinabi at humabol sa kanya.

He took me to the library, to his empty classroom, to his locker, to the basketball court and everywhere else. Hindi siya nagba-basketball sabi niya pero marunong siya. Namangha naman ako at parang gusto ko siyang makitang maglaro!

"Meron pa ba niyang fishball sa labas? Bili tayo..." anyaya ko kay Lee nang nagutom pa.

He chuckled and pinched my cheek. "Bakit? Nagustuhan mo iyon, noh?"

Ngumuso ako. "Masarap naman iyon, ah? Tsaka anong problema? Iniisip mo na naman bang spoiled ako kaya hindi ko iyon magugustuhan?"

He chuckled again and pulled me closer to him while we were walking.

"I didn't say that!"

"But your eyes says it!"

He laughed even more and I just sniffed, holding back a smile. Kahit pa ipakita kong iritado ako sa kanya, nangingiti pa rin ako! Mas lalo tuloy siyang tumawa, tuwang tuwa sa mga nagiging reaksyon ko.

"I want that orange one," nakalimutan ko ang tawag roon na nasa kawali at niluluto ng tindero.

"That's eggball," Lee said.

"Oh! Yeah, eggball," naalala ko na!

He chuckled. Tinusok niya ako ng eggball at nilagay sa baso ko na plastik. Marami siyang nilagay kaya napangiti ako. It was delicious because it had an egg inside. Gustong gusto ko! This is probably my favorite of all.

May juice rin kami sa kamay na nasa plastik habang kumakain. Hapon na at medyo dumidilim na. Pero kahit ganon, masaya pa rin ako. Alam ko naman na hindi ako pagagalitan ni Mommy at Daddy. Iisipin noon na lumabas ulit kami ni Luna o ng mga pinsan ko.

"Do you still want more?" tanong ni Lee nang naubos ko na ang nasa baso.

"Ayaw ko na! Busog na ako!" sabi ko dahil totoong totoo iyon! Ang dami kong nakain!

He chuckled and his eyes widened. "You're not spoiled anymore!"

"Lee!" iritado kong sinabi.

Humalakhak siya at umamba akong hahampasin siya pero mabilis siyang naka alis. Ngumuso ako habang pinagmamasdan siyang tumatawa. At kalaunan, hindi ko na rin napigilan ang pagngiti.

Every Beat of Heart (Agravante Series #2)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora