"Oh my gosh! Kinilabutan ako! I thought that was Sebastian Hidalgo!" si Ate Johan nang nagkasama sama kami sa isang standing table roon.

"Ako rin! OMG! Ang creepy naman," si Lorie.

"Anong creepy? Kakambal niya lang iyon," si Eli.

"Nakakagulat pa rin! Hindi namin alam na may kakambal siya. Akala ko nga nakakita na ako ng multo," si Ate.

"But I didn't expect the Hidalgos to be here..." si Issa.

"Are you okay, Michelle?" baling agad sa akin ni Ate.

Ngumiti ako. "I'm fine. Hindi pa naman kami nakakapag usap pero alam kong... galit pa rin sila sa akin..."

They sighed.

"Pero anong naramdaman mo nang nakita mo iyong Leandros Hidalgo? Kamukhang kamukha siya ni Sebastian!" si Ate.

"Uh... wala. Nagulat rin ako..."

"Iyon lang?" si Ate na para bang kulang ang reaksyon ko.

"Uh, kilala ko na siya."

"What?!" sabay na sabi ni Lorie at Ate.

"Saan mo siya nakilala? Kaya ba hindi ka na nagulat ngayon?" tanong ni Lorie.

"Yes. Uh... sa school nila Luna ko siya nakilala at doon ko rin nalaman na... kakambal siya ni Seb..."

Nanliit ang mga mata ni Ate Johan sa akin dahil sa sinabi ko at agad naman akong nag iwas ng tingin.

"Kaya... uh... hindi na ako nagulat noong nakita ko siya ngayon. Kabado lang ako dahil sa... mga magulang niya. Mukhang hindi pa rin nila ako napapatawad..." yumuko ako.

"That's alright. Maybe they just can't accept what happened yet," Issa said.

"They still can't accept what happened but why are they blaming Michelle?" Lorie's bad mouth spoke again. "It's not Mina's fault. It was an accident at niligtas lang siya ni..." tumingin siya sa akin, ayaw banggitin ang pangalan.

Nagbaba ako ng tingin sa juice ko para maka iwas.

"Kaya bakit sila nagagalit?"

"Try to put your feet on their situation, Loreleil. Kung sayo nangyari iyon, anong mararamdaman mo sa niligtas?" nagtaas ng isang kilay si Issa.

"Well... hindi ako magagalit sa niligtas. Maiintindihan ko na mahal lang siya ng anak ko kaya siya niligtas."

Umirap si Issa. "You're just saying that."

"It's true!"

"So you're saying na kasalanan nga ni Mina?" tanong ni Eli kay Issa.

"Nope. I'm just saying that we can't blame them either. Posible talagang sisihin nila sa Mina dahil masyado silang nasasaktan. They can't help but blame all to Mina dahil masyado silang nasasaktan," ulit niya.

Tumango ako at nag angat ng tingin sa kanila. "Maybe it's really is my fault? Ako naman talaga dapat ang masasagasaan pero niligtas ako ni Seb kaya..."

"No. No, Mina. It's not your fault," agad na sinabi ni Issa.

Hindi ako nagsalita.

"May mga ganyan lang talagang tao. Sisisihin sa iba ang nangyari dahil hindi nila matanggap, hindi nila kaya, masyado silang nasasaktan at mahal na mahal nila ang kanilang anak."

Tumango ako nang naintindihan na ang sinasabi ni Issa. Tama siya. May mga ganitong tao talaga na hindi matanggap ang nangyari kaya sisisihin sa iba. Masyado silang nasasaktan na puro galit nalang ang nararamdaman nila lalo na dahil... hindi naman talaga dapat mamamatay ang kanilang anak. Ako dapat iyon. Pero naging siya dahil niligtas ako.

Every Beat of Heart (Agravante Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon