Prologue

0 0 0
                                    

Peeeep!! Peeeep!!

Nagising ako sa malakas na businang dumaan sa harap ko. Kulang puti at halatang mayaman ang may ari.

"baby wake up, lilipat na ulit tayo ng bagong matutulugan". Paggising ko sa anak ko.

Oo may anak ako, apat na taong gulang, Nabuo sa kasalanan. Nabasa n'yo naman siguro? Biktima ako ng rape na hindi ko mabibigyan kailanman ng hustisya.

Hindi nyo siguro gets ano? Hayaan n'yo akong ikuwento ang buhay ko dito sa lansangan.

_____

Si Tanya Reese Ramos naulila sa edad na labing siyam. Hindi iyong ulila na namatayan ng magulang ha? ulila na pinalayas ang tinutukoy ko. Nanirahan ng tatlong taon sa loob ng orphanage, alam n'yo naman siguro kung ano iyon.

Ngunit sa loob ng tatlong taon, hindi naging matiwasay ang paninirahan nya sa loob ng bahay ampunan. Bakit? Dahil dito naranasan din nya kung paano sya tinatrato ng kaniyang mga magulang noon.

Tinuring na kasambahay, pinaramdam na hindi kabilang sa pamilyang ito, nilalait ng mga kasamahan, pinagtangkaang pagnasaan, at marami pang iba.

Iniisip nyo siguro na kung bakit ganito sa loob ng bahay ampunan? Ang bahay ampunan na ito ay hindi mga madre o simbahan ang mamamahala kundi ang pamilyang kinamumuhian nya. Ang pangalawang pamilya ng kaniyang ama.

Walang madre, sisters, o kahit mga banal ang nagtatrabaho sa loob ng bahay ampunan na ito. Hanggang dito na lamang ang aking masasabi.

_______

NOTE:

It's just a prologue palang pero feel ko ampanget HAHAHAHA char.

_______

Life of ExileΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα