"Hindi naman pang world class ang mga iyon, ma'am. Sana hindi niyo na lang binenta," saad ko, nanlulumo pa.

"Ay, hindi! I mean, syempre magaganda ang mga gawa mo. Kaya nga nagtanong sila sa akin kung sinong gumawa. Sinabi ko ang pangalan mo kaya sigurado akong baka magkainteres iyon at pagawaan ka ng museum," she jokingly said while I shook my head.

Napansin niyang ang dami ng dala ko kung kaya't napakuha siya ng silya at inupuan. Dumako sa mga dala ko ang tingin niya hanggang sa napabalik sa akin.

"Ang dami mo naman yatang dala? Saan ka ba pupunta? Teka, tapos na grduation niyo, hindi ba?" Tumango ako.

"Sa Manila po ako magkokolehiyo. Natanggap bilang scholar ng isang pamilya kaya doon na rin po muna ako mananatili. Hindi ko lang alam kung hanggang kailan kaya nandito po ako para sabihin na aalis ako. Baka kasi sakaling asahan niyo ang presensya ko, eh," I explained to her as I sighed softly.

Ngayon, siya naman ang mukhang nanlumo sa sinabi ko. I know that she's expecting something from me in the future. Na makapagbenta ako ulit ng mga bagay sa kanya rito pero ngayon, mukhang aabutin ng pangmatagalan.

"Alam mo, mas mabuti iyan pero sayang para sa akin. Balak ko pa nga sanang bilhin ang iba mo pang gawa kaso mukhang hindi naman mangyayari. Saka, baka makita mo pa roon ang bumili ng mga gawa mo. Chance mo na iyon!"

"Sa laki ng Manila?" Napatawa ako. "Malabo po 'yan, ma'am."

"Anong malabo? Gusto ka ngang makita ng lalaking iyon!" tugon niya sa akin. I sold all my works to her before but I never got this kind of recognition. Someone who's rich bought all my paintings.

Nakakataba ng puso pero at the same time, nakakapressure. I'd love to work without any involvement of thousands amount of money. Ang hirap kayang kumita ng pera.

"Ano po bang pangalan niya?" I asked curiosly, thinking that I will thank him if we've got a chance to bumped into each other.

Humalukipkip ito sa harap ko at nangingiti na. Her smile reminds me of someone who's too pleasured to have the honor for the answer. Naging malakas ang pagpaypay nito sa sarili kaagad.

"Si Gael Juntarsiego. Kung walang asawa lang iyon, baka ginawa ko nang boyfriend! Ang gwapo ba naman." She whispered the last sentence but I heard it.

Hindi ako pamilyar sa pangalan. Hindi ko naman talaga kilala. Besides, I am not into Manila boys or guys or men so that name doesn't ring a bell for me.

"Sige po." Umamba akong tatayo pero pinigilan niya. He pushed me gently to sit for a while and she stood up instead to get her wallet.

I wrinkled my nose because I know what she's going to do. Naging tama ang hinala ko nang may dala itong papel na mga pera, ibinibigay sa akin kahit na hindi ako nanghihingi.

I refused to receive it because I did nothing for today. Hindi rin naman ako pumunta sa kanya rito para magmakaawa sa pera. And I know that that is part of the money the buyer gave to her.

"Tanggapin mo na 'yan. Luluwas ka ng Manila, hindi ba? Baunin mo saka kapag nakabalik ka rito, kwentuhan mo ako kapag nagkita nga kayo ng Gael na 'yon, ha?" she said and rolled the money to my palm, not giving me any chances to give it back to her.

Sa huli ay tinanggap ko na lang saka na umalis doon. I told my parents about it and they told me to be thankful for that. Pati iyong sa halaga ng mga nabenta ko kay ma'am Teresa ay sinabi ko rin.

Katulad ko, hindi rin sila pamilyar sa pangalang naibanggit ko. Ang akala ko nga'y kilala ni Mama gayong galing siya sa marangyang pamilya pero tanging iling lang ang isinagot niya.

Fourth of October (Juntarsiego Series #1)Where stories live. Discover now