I'm Into You

20 2 0
                                    

"Anong mukha 'yan, Quinn? 'Di maipinta." Bungad sa akin ni Beatrice, kaibigan and at the same time, crush ko. 'Di ko lang maamin kasi natatakot akong magkalamat ang pagkakaibigan namin. Pero ok na 'to kaysa sa wala, 'di ba?

Napaugot ako at sumubsob sa armchair ko.

"Naungusan na naman ako ni Flint sa quiz kanina. Nakakaasar." Labas sa ilong na saad ko.

Sinilip ko siya mula sa pagkasubsob ng marinig ang kanyang pagbugtong-hininga.

"As expected. Ilang points?"

"One mistake ako, siya naman perfect, as always." Gusto ko maiyak. Palaagi na lang kasi. Kahit anong effort ko 'di ko siya malamangan. Nakainis. Halos 'di na nga ako nakatulog kagabi kakareview para sa quiz namin ngayon. Effort wasted.

"Bakit ba kasi nakikipagkumpitensya ka don? Eh di ka nga 'non pinapansin. Pinapahirapan mo lang sarili mo." Nakahalukipkip na saad nito.

"Ungas kasi siya! 'Kala mo kung sinong matalino. Napakahambog! 'Pag may bumabati sa kanya, 'di niya pinapansin. Kahit tango lang sana 'di ba? Tapos 'yong uri ng titig niya sa'tin? It's looks like he's belittling us. It's so annoying I want to punch him on face." Gigil kong saad.

"I never thought you loathe me that much."

Halos mabuwag ako sa kinauupuan ko ng marinig ko ang malalim at baritonong boses na iyon. Napatitig ako kay Beatrice at napansin kong napagalok siya.

Tinamaan ako ng kaba. That deep, raspy voice. Hindi ako pwede magkamali.

"Alis na ako Quinn. Bahala ka sa buhay mo. Ayusin mo yan." Bulong sa akin ni Beatrice saka dali-dali dinampot ang bag niya at tumayo.

"Quinn, Flint, una na ako. Hehe." Pilit ang ngiti nito saka pinasadahan ako ng tingin. Pinandilatan ko siya ng mata.

"Magkita tayo mamaya." I mouthed her. Nag thumbs up lang siya. Kupal talaga.

Alam kong nakatayo pa rin sa likod ko si Flint.

Nagpakawala ako ng buntong-hininga para pakalmahin ang aking sarili.

Tumayo ako at pumihit ng tingin sa kanya.

"And I also never thought that you're assuming." Panimula ko.

Nagsalubong ang kilay niya. Marahil 'di niya ata gustuhan ang sinabi ko.

"Sa pagkakaalala ko, wala naman akong binanggit na pangalan kanina? How can you be so sure that you're the one we're talking about?" Maanghang sa sambit ko.

Nginisihan ako ng ugok. Gusto ko siyang sapakin pramis.

"Maybe because I'm the only one who got PERFECT on our quiz?" Mayabang na turing nito sa'kin. Napakuyom-palad ako kasi tama siya. Siya lang talaga ang nakaperfect kanina. King-ina nasupalpal ako 'don ah?

Natigilan ako ng magsimula siyang maglakad papalapit sakin. Damn, ang tangkad niya. He's prolly around 6 feet tall. Matangkad din naman ako pero nagiging pandak ako 'pag katabi ko siya.

I stifled when he suddenly leaned beside my ears. What the heck is he doing?

"Try harder next time, Quinnox."

I feel the sudden rush of blood on my face when he called me in my effin full name! The way he utters it, I don't know but I suddenly felt something weird on my chest.

Lumawak ang ngisi niya ng makita ang mukha ko.

"You're red." He chuckled.

Dahil sa adrenaline rush at sa embarrassment, wala sa sarili ko siyang tinulak. Napaatras lang siya ng ilang hakbang. Damn he's strong I really thought matutumba siya dahil malakas ung pagkakatulak ko.

"Bastard! Better get off of my face bago ko pa mabasag ang mukha mo." I warned him.

"Ok." Nagkibit-balikat siya saka pumunta sa pinto.

"It's locked." He causally said.

"Ano?! So we're trap?" Gulantang kong sambit.

"Obviously." He's deadpanned.

Nanghihina akong napaupo sa armchair ko. Magkikita pa kami ni Beatrice. Why I'm so unlucky today?

"How 'bout let's make a bet?" Saad nito at umupo sa tabi ko. Anong pumasok sa kukote ng ugok na 'to at nagawa pang gumawa ng pustahan eh trapped na nga kami dito.

"Spill." Walang gana kong sagot.

"If you win against me on our quiz tomorrow, I'll try to be approachable if that's what you want."

Nagsalubong ang kilay ko. Pwede din. Naaawa na kasi ako sa mga classmates naming iniisnob niya.

"And if I lose?"

"I'll court you."

Napantig ata ang tenga ko sa sinabi niya.

"Are you high bruh?" My eyes squinted.

"I'm serious."

Napaseryoso din ako. King-ina seryoso? Liligawan ako? Pareho kaming lalaki for Pete's sake.

"No offense but, are you into guys?" I asked.

"No. But I'm into you."

Holy cow mother of sheet! Gusto niya ako?! Like, what the actual hell?!

"I'm straight. And I'm still annoyed of you." Rekta sa punto kong saad.

"Beat me on our quiz tomorrow then." Ang lalim talaga ng boses niya.

"Bakit pumayag ba ako sa bet mo?" Nakangisi kong sambit.

I heard him sigh.

"Ok then, loser."

Napantig ang tainga ko sa sinabi niya! I don't know but my ego took over me and said something I might regret later on.

"Sure! Asa namang magpapatalo ako sayo bukas!" Maangas na sambit ko sa kanya. Napangisi siya.

"Let's see."
____

Ngayon ang quiz. Literal na 'di ako natulog para sa quiz na'to. Asa ang ugok na Flint na magpapaligaw ako sa kanya.

"None of you got perfect on this quiz, which is really surprising." Napasinghap ang lahat saka sabay-sabay na napatingin kay Flint. Dedma ang hunghang.

Pero legit nagulat din ako. Wala siyang quiz na 'di napeperfect.

None of us got perfect. So basically speaking, 'di din ako perfect.

"Quinnox Sandoval, you got 98! Congratulations." Saad ng teacher na nagpatigil sa pag-inog ng mundo ko.

Sana mas mababa ang score ni Flint kaysa sa'kin.

"Our highest is no other than Flint Mchale. He only got one mistake."

I'm doomed. I want to disappear.

Nagtanong ang isa naming classmate kung anong mali ni Flint. First time kasing 'di niya naperfect ang quiz.

"It's on the last question on the identification part."

"Anong sagot niya ma'am?"

Nagsalubong ang kilay ni Ma'am.

"His answer is, 'I'll be courting Quinnox Sandoval from this day onwards.'"

Napasinghap ang lahat. Kasama ako.

Tumayo si Flint at tumitig sakin.

"That's right. I'll be courting Quinnox and he can't say no." 

I'm Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon