Chapter 1
"AYEOOOOON!! Anu ba? Lintek kang bata ka kanina pa kita ginigising aba unang klase ng taon late ka na naman!"
Kainis naman si mama ang aga aga pa talak na ng talak. Di ko pa nga magawang imulat tong mata ko bahala nga siya dyan. Five minutes more...
Tulog...
Tulog...
Tulog...
"AYEOOOOOON! Isa pang tawag ko sayo bubuhusan na kita ng tubig diyang nalintikan kang bata ka! 7:45 na oh! Alas otso pasok mo!"
Teka!? Ano daw!? 7:45? Sh*t! Patay!! Male-late na nga ako! Bakit ganun feeling ko alas singko pa lang ng madaling araw. o(︶︿︶)o
Dali dali akong bumangon para pumasok sa banyo at mag toothbrush at maligo. Pagkayari ay mabilis akong nagbihis at ipinusod ang aking buhok kahit walang suklay suklay at tumutulo pa, keri na yan!
Mabilis akong bumaba sa may kusina at naabutan ko doon si mama na nagkakape. Sinakmal ko yung isang buong hotdog sa may lamesa at kumuha ng fresh milk sa ref saka tinungga iyon.
"Ang dugyot mo talaga anak! Kanino ka ba nagmana jusmiyo!"
"Slurp.. ma, mamaya ka na slurp.. tumalak pag uwi slurp... ko. Nagmamadali ako eh! Slurp.." sabi ko habang nginunguya yung hotdog at nilulunok yung gatas.
Tumakbo na ako palabas ng bahay at lalabas na sana ng gate pero may naalala ako kaya bumalik ako sa kusina kay mama. Makalimutan ko ng magsuot ng panty pero wag ko lamang yon makalimutan.
"Ma! Baon ko? Hehe!└(^o^)┘ "
"Hahaha Kala ko nakalimutan mo na eh!"
Sabay abot sa akin ng 80pesos.
"Ma! Wala bang increase? Aba 4th year na ko noh! Hindi ba pwedeng isakto mo ng 100?" Reklamo ko.
"Aba e ano naman kung 4th year ka na? Eh nasa ututan lang naman ng school yung bahay natin hindi mo na kailangang mamasahe! Mabuti pa pakitaan mo ko ng matataas na grades at baka gawin ko pang 150 yang baon mo."
Hay buhay ang daming satsat ng mama ko. As if naman gagawin niya talagang 150 baon ko pag tumaas grades ko. Asa!
Wala na akong nagawa kundi kuhanin iyon. 7:55 na at dalawang kanto pa ang tatakbuhin ko para makarating ng school. Jusko po!
Pagkarating ko ng school, nakita kong nakakalat pa karamihan ng estudyante at nasa harapan ng bulletin board. Sumingit ako para malaman kung anong section ba ako ngayong taon. Hindi ko pa man nakikita ko, isang nakakarinding sigaw na ang narinig ko.
"AYEOOOOON! SHUTANGINIS KA KANINA PA KITA HINIHINTAY DITO! MAGKA KLASE ULIT TAYO KAYA GORABELS NA TAYO SA ROOM!"
"Hoy Ambrosio Samson ang sakit ng tenga ko sayo ha! Anong section ba tayo?"
"Ouch! Amber ang namesung ko girl! With the capital A-M-B-E-R! Section-A tayo ngayon friend!" Excited na sabi niya.
Ayaw na ayaw niyan na matawag sa real name niya. Tsk! Baklita talaga. -_-
Pero nagulat ako sa sinabi niya. Section A? Aba first time to ah! Pagkakataon ko ng makahingi ng increase sa baon kay mama bwahahaha!
"Kala ko nga girl mapupunta ka sa Section B or C eh. Buti na lang talaga nagbunga na ang pagsisikap ko sa pag aaral at pagpapakopya ko sa yo kaya magkasama pa rin tayo hanggang ngayon bff!" Litanya ng bakla.
YOU ARE READING
IT STARTED WITH A KICK
Teen FictionBARNEY.. .....yan ang naka-print sa panty ni Ayeon na di sinasadyang makita ni Baron. "WAAAAAAAAHHHHHHHHH! PUTAAAAAAAANGINAAAAAA!! BAAAASSSTTTOOOOOOOOOOSSSSSS!!!!" BOOOOOOOOGGGGGGGSSSSSSHHH!!!!!!! "Arayyyy!!! letche ansakeeet!!!" Ayan. Diyan na nga...
