"You look like a desperate bitch trying to get the attention of Leandros Hidalgo," she said it.

Napakurap kurap ako. Hindi ko inaasahan na sasabihin niya ito.

"Habol nang habol na parang aso..." she smirked.

Tumawa ang dalawang kasama niya sa likod. Nandoon palang kami sa labas, hindi pa ako nakakapasok sa loob. Mukhang inabangan talaga nila ako rito para lang sabihin ang mga ito. And I don’t know what to say. Inaamin ko masakit sa akin ang mga salita niya at para iyong tumutusok sa puso ko.

"Hindi ka naman niya girlfriend para pumunta rito ng halos araw araw. Mukha ka talagang desperada sa ginagawa mo. Agravante ka pa naman..." umiling siya. "I'm disappointed..."

Umawang ang bibig ko. Ngayon bukod sa sakit dahil napagtantong palagi nga akong pumupunta rito para lang kay Lee, I'm also irritated because what right does she have to tell me all this?

"Siguro ganon rin ang mga magulang mo. Pinatay mo na nga si Sebastian Hidalgo, habol ka pa ng habol sa isa pang Hidalgo. Nakakahiya iyon para sa pamilya niyo. Nakakahiya ka--" hindi na niya natapos dahil lumagapak na sa pisngi niya ang kamay ko.

Natigilan at nagulat sila sa ginawa ko. Tumingin sa akin si Janelle, galit ang mga mata, ngunit bago pa man siya makapag salita, humakbang na ako palapit dahilan para umatras sila.

"Wala kang karapatan para pagsabihan ako ng ganyan. Hindi mo ako kilala at mas lalong hindi mo kilala ang pamilya namin. Wala kang alam at wala ka na dapat pakialam sa mga nangyari!" nanginig ang boses ko sa sobrang sakit at galit.

Ngayon natigilan na siya at nanlalaki ang mga mata habang nakatitig sa akin, kita ko ang takot roon.

"Bakit ikaw? Sino ka ba? Oo, hindi ako girlfriend ni Lee. Eh, ikaw? Girlfriend ka ba niya? Girlfriend ka ba niya para pagsabihan ako ng ganito? Girlfriend ka ba niya para makialam ng ganito?"

Hindi siya nakapag salita roon.

"At oo Agravante ako. Nakakahiya nga ang nagawa ko. Pero anong pakialam mo? Bakit ka nakikialam? What right do you have to mention my family's name here? Desperate bitch, huh? Well, ikaw, you look like a chismosang kapitbahay from the kalye," maarte kong sinabi.

Umawang ang bibig niya sa sinabi ko. Kita ko ang galit at iritasyon sa mga mata niya pero hindi na siya nakapalag. Wala na siyang nasabi.

"Don't ever talk to me again. Magso-sorry pa naman sana ako sa ginawa ko sayo noong nakaraan pero nagbago na ang isip ko. I'm an Agravante, people like you are not allowed to talk to me," at nilagpasan na sila roon.

Nagpupuyos ako sa galit. Pero inaamin ko rin na nasasaktan ako. Desperate bitch trying to get the attention of Lee? Habol nang habol na parang aso? Nakakahiya? Kahihiyan sa pamilya?

Even if I wanted to hold back the tears for fear that someone would see, mabilis iyong nangilid at tumulo nang sunod sunod. Natakpan ko nalang ang mukha ko sa kahihiyan.

Bakit ba ako umiiyak? Wala namang katotohanan ang mga sinasabi nila kaya bakit ako umiiyak? Bakit ako tinatamaan? Bakit ako nasasaktan?

Mabuti nalang wala na gaanong students sa banda ko. I’m here at the table Lee and I always sit at. It's windy and not so hot because there's a tree covering the sun. Even though this set up felt good, I still couldn't stop crying.

Hindi totoo ang mga sinabi niya, Michelle! Hindi ka kahihiyan sa pamilya! Hindi ka nakakahiya para sa mga magulang... I remember my Mom and how disappointed she is with what happened to Seb. Mas lalo akong humagulgol. Tinakpan ko nalang ang mukha ko dahil nakakahiya na itong ginagawa ko.

Sa sobrang pag iyak at pag iisip, hindi ko na naisip si Lee. Hindi ko na naisip na makikita niya akong ganito. Hindi ko na naisip na baka mag alala siya!

"What happened?" bungad niya nang nakita akong umiiyak.

Pilit niyang inalis ang pagkakatakip ko sa aking mukha. Naalis iyon kaya bumungad sa kanya ang siguradong pulang pula ko nang mukha sa kaiiyak. Mas lalo kong nakitaan ng pag aalala ang kanyang mukha.

"Anong nangyari sayo? Bakit ka umiiyak?" nag aalala at halos galit niyang tanong.

Tinitigan ko siya habang humihikbi pa rin. Tinitigan ko ang mukha niyang walang kasing gwapo. Tinitigan ko ang mga mata niyang kitang kita ang pagiging brown.

Niyakap ko siya. Habang umiiyak. Habang nasasaktan.

He also hugged me back and let me cry. Sinubsob ko ang aking mukha sa kanyang dibdib at hindi na inisip pa ang uniform niyang nababasa dahil sa mga luha ko. Ramdam ko ang galit at pag aalala niya sa higpit ng kanyang yakap.

But all I want now is to cry. Cry to release all the pain. Umiyak habang yakap yakap siya at alam na hinding hindi niya ako iiwan.

Every Beat of Heart (Agravante Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon