Finally *o*

1 0 0
                                    

Jea's Pov

Lunch break. Kakatapos ko lang lantakin ang baon kong rice at hotdog na binili ko sa karenderia sa labas kaninang umaga.  Tapos dumiretso na ako sa dorm para ayusin ang mga gamit ko. Medyo nalula pa ako sa ganda at laki ng kwarto ko. Feeling ko nga e prinsesa ako. Nyahh. Charot!! Ambisyosa rin talaga ako minsan e. Hehe. Pero yung room mate ko, ang sosyal. Ang ganda ng mga gamit nya. Uniform in pink pa ang mga gamit nya mula beddings, slippers, bags, headbands, wall decors, table cloths, towel, basta halos lahat! Tapos karamihan, hello kitty designs, nakaka inggit. Ako nga e, damit, iniform book at bag lang ang dala. Ok na sakin ang free white plain na kumot at unan. Wala naman kasi akong pampalit e.

Matapos kung e check ang sosyal na CR, sosyal na mini Salas ng magarang kwarto, umupo ako sa aking plain white bed. Nyahaha. Nilingon ko ulit yung space ng room mate ko. Limang metro lang siguro ang layo ng distansya ng mga beds namin na nasa tapat lang din ng bed ko. Tapos nahagip ng paningin ko ang nahulog na ballpen sa sahig ng room mate ko. Yung ballpen na may leathers sa dulo tapos may butterfly na nag ba-bounce pa. Haha. Ang kyot *0*

Hawak ko na ang ballpen ng biglang

"Magnanakaw!! Help!! May magnanakaw!!" sigaw ng babae na nasa pinto. Sa gulat ko ay agad kong inilagay yung ballpen nya sa study table nya.

"nasaan? Nasaan ang magnanakaw?" tanonh ni Ms. Lovely , ang landlady dorm building ng all girls na nag hatid at nag tour sakin kanina sa dorm.

"Ikaw??!! Anong ginagawa mo dito sa room ko?! Magnanakaw ka! I knew it!!" Sigaw na naman nya. Mahilig ba talaga syang sumigaw? Do kaya pausin sya nyan??

"Ah, naku, hindi sya magnanakaw dear. She's your new room mate." sabi ng landlady..

"Hello. Ikaw pala ang room mate ko. Nice to meet you." mahinhin ko namang bati. Baka ma paos ako pag sisigaw rin ako. Jeje :p

"Room mate?? ikaw??!" Sigaw na naman nya. Nakakaloka yung tanong nya ha?

"Oo, ako. Room mate mo. Hehe." sabi ko naman.

"No way, high way!!"

"Naku, bakit naman?" Malungkot kung sabi. Gusto ko pa naman syang maging kaibigan. Huhu.

"Ms. Lovely, pls ayaw ko syang maging roomie, pls ilipat nyo nalang sya sa ibang room." sabi nya kay ms. lovely. Bat naman ayaw nya akong maging room mate? May ginawa ba akong masama? Oh no! Baka naman akala nya ninanakaw ko yung head cute nyang ball pen,??!

"Naku, room mate!! Hindi ako magnanakaw! Nahulog lang yung pen mo kaya pinulot ko! Wala akong masamang intensyon. Promise,!!" paliwanang ko naman. "Promise! Cross my heart hope to die!!"

"No!! I dont like you!! Ayaw kitang maka share ng room!!" naiinis nyang sabi tapos umalis na.

Huhu. Ayaw nya akong maka share. Gusto ko pa naman syang maging friend.

"I'll talk to her. Ok? Dito ka lang. Hindi ka na rin naman pwedeng lumipat kasi wala nang vacant. I'll fix this, dont worry." sabi ni ms. Love tapos umalis narin.

Napa upo nalang ako sa aking bed..

Naku, bad vibes, parang nakakailang dahil galit sya sakin. Pero babawi ako, babawi ako sa kanya. Magiging friends din kami. Fighting!!

Paul's Pov

"President, nag iinvite si Julia sa mall ng lunch. Manlilibre kasi birthday nya ngayon." yaya ni Ann, Vice president ng SC. Tapos si Julia naman Secretary ng SC.

"Oh really? May tatapusin pa ako eh." Sabi ko naman na sabay pakita ng folders na binabasa ko.

"Naku, studyante palang, workaholic na. Pano nalang kaya kung sya na ang naging Principal. Tigilan mo na nga yan. Lunch time na po. You deserve a break. Saka isa pa, wala kaming masakyan e. Hehe. Ipag drive mo naman kami." sabi pa nya.

"Naku, andami mong sinabi, Magpapa drive lang pala. O sige na nga, pa birthday ko na rin ang libreng sakay." natatawa kong sabi.

"Naku, may mga kotse nga yang mga yan, wala namang gasulina. Haha." dagdag pa nya na akala mo hindi kasama yung sarili sa sinabihan nya.

   @ the mall

Habang hinihintay nila ang in order ni Julia, nagpa alam muna ako saglit na may bibilhin at babalik lang agad. Balak ko kasing bilhan ang P.A ko ng cellphone. Kasi tulad nalang ngayon, kung na contact ko sana sya e, naisama ko sya sa paparty ni Julia.

Nang makabili ako ng cellphone, pabalik na sana ako sa resto ng madaanan ko ang isang bookstore. I dont know but I really cant resist entering the store. Basta books kasi hindi ko mahindian e. Kaya sasaglit narin ako para tingnan ang mga featured books.

Medyo natawa pa ako sa mga featured book ngayon. Puro funny books, at halos Printed stories ng Wattpad na dinudumog ng mga stidyante. Naglibot nalang muna ako saglit sa loob ng store.

**boogsh*

May bumangga sakin tapos nahulog yung paper bag na hawak ko mula sa sahig.

"Sarry." Boses nang babae sabay tapik sakin at pinulot yung paper bag kong nahulog.

Tinanggap ko nang binalik nya sakin yung bag. Noon ko lang na realize na naka uniform sya ng PWA. School mates pala kami! Nong una ay naka yuko pa sya para tingnan yung phone nyang nag ring.

"Sarry talaga ha?" Ulit pa nya. Nang hindi man lang nag abalang tingnan ako. Tumalikod na sya at sinagot yung tawag sa phone nya. At noon ko lang din na realize na sya si.. Cinderella.

Tatawagin ko na sana sya nang  may masipa ako. Isang pink wallet na agad kong pinulot.

<<.

.>>

I look around to find the possible owner of the wallet pero ako lang ang tao na nasa row ng bookshelves.

I opened the wallet para malaman kung kanino ko ibabalik yon. To my surprise, it was her. It belongs to her- Cielo Cruz.

Grabe rin talaga ang babaeng yon. Hindi marunong tumingin ng mga tao sa paligid nya. Ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin?

^_^ but atleast and Finally, Nakilala ko narin sya sa wakas. I now know her name. And I got her wallet. Tingnan nalang natin this time kung hindi pa sya mag t-thank you.. ^•^,

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 16, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love story ng kontrabida (a new watt story)Where stories live. Discover now