"O Meisha nandito ka pala. Anong kailangan mo?" Nakangiting bungad sa akin ni Ma'am Rina .

"Ah. Baka po kasi may kailangan kayo ma'am."

"My favorite student assistant of all time. Don't worry your job is already done, focus on your practice."

Ngumiti ako sa kaniya bago magpaalam. Pero bago ako makalabas ay may pahabol pa siya.

"By the way, you look stunning"

Namula ang pisngi ko sa papuri ni Ma'am. Ngayon niya lamang ako nasabihan ng ganoon, nadala siguro ng make up.

Paglabas ko ng gate ay ang nakangiting si Uno ang sumalubong sa akin. Ibinuka niya ang mga braso niya kaya naman sinalubong ko siya ng yakap.

"Kanina pa kita gustong makita. Ang ganda mo kasi sa picture, mas maganda pala sa personal"

Napangiti ako sa sinabi niya at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sa kaniya nang akmang pakakawalan niya na ako.

"Oy! Someone's being clingy" humalakhak siya at hinalikan ako sa sentido.

"Feeling ka" kumawala ako sa pagkakayakap at inismidan siya.

Dumiretso kami sa food court, naabutan naman namin doon si Avril na abala sa cellphone niya. Binati siya ni Uno kaya napunta sa amin ang atensyon niya.

"Oh? Andito ka nanamang sirauno ka"

"Ang ingay nanaman ng avrilata"

Nagsimula nanaman silang magbangayan kaya dumiretso na ako sa pwesto ko. Bahala na sila doon.

Katulad ng nakasanayan walang ibang ginawa si Uno kundi titigan ako habang nag tatrabaho, paunti unti ay nasasanay na lang din ako.

Ilang araw pa ang lumipas hanggang dumating ang araw ng graduation namin. Umuwi si mama noong nakaraang araw dahil gusto raw niyang siya ang magsabit sa akin ng medalya.

"Ang ganda ganda mo anak!" puri sa akin ni mama pagkatapos akong ayusan. Sabi ko sa kaniya at kahit huwag na pero nagpumilit pa rin siya.

"Salamat ma. Mana lang po ako sa inyo" nginitian ko siya habang nakatitig ako sa kaniya. Ang laki ng pinagbago ng katawan ni mama. Maganda pa din siya at walang kupas kaya lang ay medyo tumaba siya ngayon. Mukhang maayos naman siya sa trabaho niya.

"Tara na! Baka mahuli pa tayo"

Nang dumating kami ay marami na din ang tao doon. Si papa ang nag grand march kasama ko at si mama naman ang umakyat ng stage para sa award ko.

"Londres, Meisha. Excellence award for Science, Best in Research, Outstanding performance for Regional Quiz Bee in Science, Best student assistant, with high honors." halos maiyak ako nang matanggap ang mga parangal na pinag hirapan ko. Nakita ko kung paanong naluha si mama sa sobrang saya habang si papa ay walang tigil sa pagpalakpak para sa akin.

Proud ako sa sarili ko dahil nagawa kong makapag tapos kahit sobrang hirap ng buhay namin. Para sa magulang at mga kapatid ko ang lahat ng ginagawa ko kaya naman, wala nang mas sasaya pa ngayong nakikita kong proud sila sa akin.

Mas tumalon ang puso ko sa saya ng makita ang nag iisang tao na nagtatanggal ng lahat ng pagod ko. Si Uno. Nasa baba siya ng stage habang iniintay akong bumaba.

"Girlfriend ko yan!" sigaw niya na nakaagaw ng pansin ng marami.

Tumakbo ako papunta sa kaniya at sinalubong siya ng yakap.

"Ang galing ng baby ko! Proud na proud ako sayo." ramdam kong masaya siya para sa akin.

"Mahal din kita Uno" ang katagang 'proud ako sayo' ay sapat na para maiparating niya na mahal niya ako.

"Nah! Mas Mahal kita" iniabot niya sa akin ang dala niyang bouquet ng rose. Mukhang dito siya dumiretso galing sa school nila dahil naka uniform pa siya.

Pagkatapos ng ceremony ay nagkaroon ng maliit na salo salo sa bahay namin, wala naman kaming bisita kundi si Uno lang.

Pinakilala ko si Uno kay mama at nagkasundo sila kaagad. Lahat naman siguro ng ipakilala kay Uno ay magugustuhan siya dahil natural na sa kaniya ang pagiging mabait at palabiro.

"Anak?" tawag sa akin ni mama pagkatapos kong maihatid si Uno. Lumapit ako sa kaniya at umupo sa tabi niya.

"Bakit ma?" hinala niya ako palapit sa kaniya at niyakap.

"Proud na proud sa iyo si mama. Sana huwag mong pababayaan ang sarili mo pati na rin ang mga kapatid mo. Alagaan niyo ni Uno ang isat isa dahil nakikita ko namang masaya ka sa kaniya" hindi ko alam kung bakit siya umiiyak, kung dahil ba sa lungkot o dahil ba sa sobrang saya.

Siguro ay nalulungkot siya dahil nararamdaman niyang may pagkukulang siya sa amin, pero hindi niya dapat maramdaman yon. Dahil sobra sobra ang sakripisyo niya para sa aming lahat.

"Mahal na Mahal Kita anak"

"Mahal din kita mama"

Pinigilan kong umiyak sa harapan niya dahil ayaw kong makita niyang mahina ako. Dahil baka kapag nagpakita ako ng kahinaan pati siya ay panghinaan.

~💙

Under A Rest | ☁️Where stories live. Discover now