Dahan-dahan lang akong naglalakad nito habang patago-tago sa lugar kung saan hindi nila ako makikita. Ipinasok na ni Celine si Lucio sa silid nila nakatingin lang ako sa kanila ng mga oras na ito habang nag iipon ng lakas ng loob na sumilip sa kwarto ito.

Lumipas muna ang ilang minuto bago ako tuluyang sumilip sa silid nila ng bigla nalang akong napatunganga habang lumuluha ang mga mata ko nang nakatingin kay Celine na gumagalaw sa ibabaw ni Lucio.

Nanikip ang dibdib ko nito na naging dahilan sa paghirap ko sa paghinga. Sobrang sakit ng dibdib ko dahil sa nakita ko.

"Manloloko!" umiiyak na sambit ko.

Nagmadali akong tumakbo papalayo sa kanila ngunit may sumalubong sa aking lalaki na hindi ko maaninag ng maayos dahil sa sobrang iyak ko nito.

Tinakipan niya ng panyo ang ilong ko at pagkatapos nito ay nagising nalang ako sa isang silid.

Nakatali ang mga kamay ko nito ng nakahiga ako sa kama ng may biglang boses ng mga tao sa labas na papalapit sa kwartong ito kaya nag panggap akong tulog muli para sa kaligtasan ko.

Habang papalapit na papalapit yung mga tao na ito sa silid kung nasaan ako ay mas lalo kong nakikilala ang kanilang boses.

"Si Dimple ba 'yun? Teka bakit naririnig ko ang boses din ni Angelo?" nalilitong tanong ko sa sarili ko.

Kinakabahan ako ng mga oras na ito habang nakikiramdam ako sa mga tao sa labas hanggang sa binuksan na nila ang pintuan at doon mismo sa tabi ko nag-usap kung anong gagawin nila sa akin.

Nanlalamig ang buong katawan ko ngayon dahil sa mga nakakatakot na sinasabi nila sa akin. Kapalit ko magiging maganda ang buhay ni Dimple at nang buong pamilya niya. Pinangakuan din siya ni Celine ng magandang bahay, kotse at popularity.

Pinipilit kong hindi maiyak para hindi nila mapansin na gising na ako at hindi talaga ako makapaniwala na gagawin ito ni Dimple sa akin sa kabila ng turingan naming dalawa na parang magkapatid. 

Hindi na kaya pa ng kuryosidad ko kaya iminulat ko ng bahagya ang mga mata ko at nakita ko si Dimple na may hawak na cellphone habang si Angelo naman ay nag tatanggal ng kanyang pang itaas na damit.

"Gawin mo na ang pinag uutos niya para matapos na tayo!" utos ni Dimple kay Angelo.

Lumapit na sa akin si Angelo at dahan-dahan niyang tinanggal ang suot kong pang itaas pagkatapos nito ay hinalikan niya ako ng madiin sa aking labi.

Gusto kong mag pumiglas sa ginagawa niya sa akin ngunit hindi ko kaya dahil sa hindi ko alam kung anong mangyayari kapag iminulat ko ang mga mata ko habang nandyan silang dalawa.

Habang hinahalikan ako ni Angelo sa aking labi ay bigla nalang siyang umiba ng direksyon. Hinalikan niya ako sa leeg ko hanggang sa bigla siyang bumulong sa akin.

"Alam kong gising ka na basta ipikit mo lang ang mga mata mo at ako na ang bahala sayo."

Nakapikit lang ang mga mata ko nito habang nilalapastanganan ni Angelo ang pagkababae ko.

Lumipas ang ilang minuto.

"Sapat na ang video na nakuha ko kaya ikaw na ang bahala diyan! Basta kung anong gusto mong gawin sa kanya gawin mo dahil wala na akong pakealam sa kanya."

Niyakap ako ng mahigpit ni Angelo habang papaalis si Dimple sa silid na ito at sa pag sara na pag sara ng pinto ni Dimple ay iminulat ko ang mga mata ko at sinampal ko si Angelo nang nakatikom ang aking mga kamay.

"Angelo bakit mo sa akin ginawa ito? Bakit ako?" umiiyak kong sambit sa kanya.

"Wala akong choice kung hindi gawin ito sayo dahil hawak din ako sa leeg ni Celine!" sambit niya sa akin habang hipo-hipo ang kanyang pisngi.

"Buntis ako kaya pakiusap ay wag mong ituloy ang gusto niyong mangyari!"

"Alam kong buntis ka dahil nasa akin ang regalo mo kay Lucio. Maganda pa't tumakas kana para hindi ka na makita ni Celine dahil may balak siyang patayin ka!"

Kinakabahan ngunit matapang na kinalag ni Angelo ang tali sa mga kamay ko. Pagkatapos nito ay dahan-dahan niyang binukas ang pintuan at kaliwa't kanan siyang tumingin sa paligid upang masiguro ang sekuridad ko.

Matagumpay niya akong naitakas sa resort at habang tumatakas ako ay dinala ako ng mga paa ko kila Don Franco.

Habang inilalahad ko kay Lucio ang mga nangyari sa akin walong taon na ang nakalipas ay napansin kong nagbago ang kanyang awra kaya bago pa siya makagawa ng kaguluhan ay pinigilan ko na agad siya.

"Nagtanong ka kung anong nangyari makalipas ang walong taon tapos magiging ganyan ang reaksyon mo?" inis na tanong ko sa kanya.

Sobrang nanggagalaiti sa galit si Lucio kaya habang nag mamaneho siya patungo sa police station ay bigla niya itong hininto.

"Anong ginagawa mo?" tanong ko sa kanya.

"Putang ina! Sobrang sama nila! Bakit nila ginawa ito sayo! Tang ina!" galit na sambit niya habang tumutulo ang luha sa kanyang mga mata.

Hindi ko alam kung paano ako tutugon pa sa kanya sapagkat nakakatakot na siyang kausapin dahil namumula ang kanyang mukha at nanlilisik ang kanyang mga mata.

Tumingin sa akin si Lucio at hinawakan ang mukha ko.

"I'm sorry! I'm really sorry Gianna! Wala akong kaalam-alam sa dinanas mo sa kamay nila hindi kita naprotektahan. Sobrang inutil mo Lucio!" inis na sambit niya habang sinasapak ang ulo niya.

"Tigilan mo nga yang ginagawa mo!"

"Yare silang lahat sa akin! Sisiguraduhin kong mabubulok sila sa bilangguan!"

Nakatingin lang ako sa kanya at wala akong magawa dahil hindi ko alam kung paano ko siya iko-comfort. 

Napagtagumpayan ko na yang nangyari sa akin ngunit ngayon palang ito papasanin ni Lucio. Ayoko na sanang balikan pa ang nakaraan ngunit paano ko makakamit ang hustisya para sa akin kung hindi ko sila babalikan.

This is just the start at sisiguraduhin kong akin ang huling halakhak.

Probinsyana Series: BOOK 2 - WHEN YOUR LOVE IS GONEΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα